SIMULA

14 0 0
                                    

"ARE YOU a virgin?" Deritsong tanong ng interviewer mula kay Alverah.

Kasalukuyang nasa harapan siya nito at sa likod ng may kakapalan na salamin ay masinsinan siyang ini-interview at matiim na tinignan sa mata.

"Yes po," mahinahon at magalang niyang sagot kahit sa kalooban niya ay medyo nabigla siya at nakaramdam ng pagkailang.

"Kung ganon, you're hired." Ngumiti ito at inilahad ang kamay sa harapan niya. Kahit nagugulohan man sa mga nangyayari ay galak niya pa rin tinanggap ang kamay nito.

Hindi niya alam kung anong koneksyon ang pagiging birhen sa trabahong ina-apply-an niya. Lalo na at bilang waitress lang naman na trabaho ang sinubukan niyang pasukin, at kahit wala man siyang experience, base sa mga nakikita niya sa isang restaurant ay alam niyang taga kuha ng in-order, taga-serve,  o taga-linis ng table iyong klase ng trabaho na meron ang isang waitress.

"Thank you ho!" Magalang at nakangiti niyang pasasalamat.

"We're currently short of stuff tonight, kaya kung ayos lang sa'yo ay pwede ka ng magsimula mamayang gabi."

Tumango si Alverah. "I can start anytime po." May malawak na ngiti sa labi niyang sabi.

Halos hindi masukat ang kasiyahan na nararamdaman niya sa araw na ito, lalo na't sa dami ng sinubukan niyang pasukin na trabaho ay masasabi niya na ito lang ang medyo maayos at trabaho talaga iyong ino-offer. Sa rami kasi niyang pinasukan, kung hindi dahil sa kulang siya sa experience ay may ibang lihim na motibo naman iyong nagi-interview sa kanya at minsan pa'y binabastos pa siya.

"That's great. I'm expecting your presence tonight then."

Masayang nag paalam siya nito at tuluyan ng lumabas na ng opisina nito.  Kahit average minimum na sahod lang ang maibibigay nito ay ayos na rin bilang isang katulad niya na first timer. Swerte pa nga siya sa lagay na ito kaya hindi na siya magi-inarte pa.

***

KINAGABIHAN ay maaga siyang umalis ng bahay. Habang nasa taxi palang, ang dami na niyang ini-expect at hindi maiwasan na kainin ng anxiety.

Natatakot siya na baka sa unang gabi pa lang ng trabaho niya ay papalpak siya, kaya sinisiguro niya talaga na aayusin niya ang trabaho kung ayaw niyang mawalan ng kwenta ang lahat ng paghihirap na isinakripisyo niya.

Pagkababa niya sa taxi ay mabilis na bumungad sa kanya ang malakas na musika na nanggagaling sa loob ng isang high end bar club.

Kunot noo at puno ng pagtataka niyang tinignan ang mensahe na ipinadala ng nag-interview sa kanya. Laman nito ang oras at ang lokasyon.

"Manong, sigurado po ba kayo na nasa tamang lokasyon po tayo?" May pag aalinlangan niyang tanong mula sa taxi driver na nasa loob ng sasakyan at hinihintay iyong bayad niya.

"Oo naman, Miss beautiful. Sa ilang dekada ko na sa pagtatrabaho bilang isang taxi driver ay kabisado ko na ang lahat na rota ng lugar dito. Bakit? May problema ba?" Nakangiting sagot nito. Ngunit iyong klase na ngiti na iginawad ay nagbibigay ng kilabot kay Alverah.

"Kasi po, isang restaurant po iyong inaasahan ko na bubungad sakin. Pero isang exclusive club bar po 'ata ito."

Kapansin-pansin ang pagbabago ng emosyon sa pagmumukha ng taxi driver. Mabilis na napawi ang ngiti sa labi nito at bakas ang galit na tila nawalan ng pasensya dahil sa sinabi niya.

"Sinasabi mo bang dinala kita sa maling lugar dahil sa masamang intensyon?" Puno ng akusa siyang tinignan.

Gulat at bumuka ng bahagya ang bibig niya para itanggi agad sana ang sinasabi nito. Ngunit mas inunahan siya nito at pagalit na sinigawan.

The Purchased Wife Of A Mafia LordWhere stories live. Discover now