KABANATA 9

3 0 0
                                    

"SAAN TAYO pupunta?" lakas loob na pagtatanong ni Alverah kay Matthew.

Kasulukuyang nasa isang sasakyan sila. At kanina niya pa gustong malaman kung saan siya dadalhin nito matapos biglang may mga maid na ipinadala ito sa kaniya at inutosan para ayusan siya.

"Sa isang party ba ang punta natin? Hindi ba bukas pa mangyayari iyong party ni Mr. Laborde?" Pagtatanong niya muli sa lalaki na kanina pa'y walang imik sa tabi niya.

Bahagya niyang sinulyapan ang suot niya. Hindi niya parin maiwasan na makaramdam ng pagkamangha dahil sa nagdaang taon ay ito ang kaunahang beses na nakakasuot siya muli ng ganitong mamahalin at kay gandang damit.

She was currently wearing a long creamy formal gown. May slit sa may bandang hita niya at backless naman sa likod. Kumikinang rin ang mamahalin na dyamanteng suot niyang kwentas at ang ka-set nito na mga earrings. Malinis at maayos rin ang pagkapusod ng kaniyang mahabang buhok at ilang hibla na buhok lamang ang hinayaang malaglag. Nilagyan rin siya ng simpleng kolorete sa mukha, that more deepening her features. But even with a simple make up, she's still scream with so much elegant. She can't deny that it helps her to added to have more a confidence, kahit medyo naiilang siya ng konti. At hindi niya man masabi-sabi sa lalaki, ngunit gusto niya itong pagsalamatan dahil nabigyan siya muli nito ng pagkakataon para maranasan muli ang ganitong looks at ang pakiramdam kapag inayusan ng maganda. Dahil taon na rin ang lumipas no'ng huli siyang ayusan ng ganitong ka-effort at ka-ganda.

She used to have a luxury life, kaya normal sa kaniya ang ganitong ayos dati. Pero pagkatapos ng trahedya ay napilitan niyang bitawan ang marangyang buhay at maging mga nakasanayang gamit o damit para lamang may ipangtustus sa sarili at may ipang-laman sa kumakalam na sikmura.

"The old man wants to see you," walang emosyon nitong sagot. Akala niya ay mananatili itong tahimik kaya hindi niya maiwasan na magulat sa biglang pagsasalita nito at agad itong nilingon.

"Old man? Sino iyon at anong ibig mong sabihin?" Nagugulohan niyang tanong sa lalaki.

Lumipas ang ilang sandali ngunit hindi na ito umimik pang muli.

Ilang minuto rin ang lumipas matapos niyang maramdaman ang maingat na paghinto ng sinasakyang sasakyan. Agad niyang sinulyapan ang labas at tumambad sa kaniya ang buhay na buhay na mansion.

Napaawang ang kaniyang bibig sa pagkamangha. Itinikom niya lamang ang bibig niya ng nawala sa paningin niya ang mansion at napalitan sa isang lalaki na pinagbuksan siya ng pinto sa sasakyan.

Wala sa sarili niyang nilingon si Matthew ngunit nakita niyang wala na ito sa kinauupoan sa tabi niya at nakalabas na kaya hinarap niya muli ang lalaki na naka-suit at nahihiyang tinanggap ang kamay na nakalahad nito para sa kaniya.

"Salamat," tipid siyang ngumiti.

Nakangiti itong tumango at nagpaalam na para umalis. Naramdaman niya ang pagtabi ni Matthew ngunit hindi na niya ito nagawang sulyapan pa dahil nakatuon na ang mga mata niya sa bukana ng mansion na nasa harapan nila. Nakikita niya pa lamang mula sa labas na medyo marami na mga tao na nagkalat sa loob. Mabilis siyang nakaramdam ng panlalamig dahil sa nerbyus.

Isang mahinang singhap ang napakawalan niya ng maramdaman ang paglapat sa palad ni Matthew sa may bandang likod niya at iginiya palakad para makapasok na sa loob ng mansion.

Ramdam niya ang init at kagaspangan sa mga palad nito at sa hindi malamang dahilan ay tila umuupa na ang nerbyus na nararamdaman niya kanina.

Bumalik lang ng nasa loob na sila at hindi mapigilan na mailang at manliit dahil sa mga iba't ibang klase na tingin ang itinapon ng mga bisita mula sa kaniya. Malinaw niya pang nababasa sa mga mata nito ang panghuhusga, inggit, curious at may ilan pa na tila binabalatan siya ng mga tingin nito para alamin ang buong pagkatao niya.

The Purchased Wife Of A Mafia LordWhere stories live. Discover now