KABANATA 8

3 0 0
                                    

MATIIM NA TINITIGNAN ni Alverah si Matthew na tahimik na may binabasa na papeles sa harapan niya. Kasulukuyang prente itong nakaupo sa swivel chair nito na nasa opisina.

Hindi parin siya makapaniwala sa ginawa nito kagabi sa banyo. May ideya na siya na hindi iyon ang unang beses na nakakita ito ng hubo't hubad na katawan ng babae. Lalo na't wala man lang itong kareaksyon na mababasa pagmumukha nito habang nakatingin sa kahubdan niya. At isa pa, kahit sa likod ng blankong ekspresyon nito ay alam niyang marami na itong experience sa babae at iba't ibang kulay na rin na balat ng babae ang nasaksihan sa makasalanang mga mata nito.

Tahimik at nakahalukipkip lamang siyang nakaupo sa isang pang-isahan na sofa. Parehong sofa na kinauupoan niya no'ng unang dating niya palang sa mansion at lalo na sa opisina nito.

Hindi niya mapigilan na suyurin ng tingin ang kabuohan ng opisina.

'Ano kaya ang ginawa nila dito?' Wala sa sarili niyang ani sa isipan ng maalala ang babae no'ng nakita niyang pumunta sa mansion nang nakaraang linggo at dito inutosan ni Matthew na dalhin ang bisitang babae. Agad na napatuon ang paningin niya sa isang pinto na nasa loob dito. Malakas ang kutob niya na pribadong silid iyon.

Hindi siya naniniwala na walang nangyari sa dalawa lalo na't iyong paghalik pa ngalang nito at tila wala lang sa lalaki ay malaking ebedinsya na hindi ito gano'n kainosente sa pagkakilala niya sa loob ng maiksing panahon na kasama ang lalaki.

Alangan naman na ang sadya lang ng babae na iyon ay para makipaglaro ito ng jack en poy sa loob ng opisina ni Matthew at anong pakealam niya?

Mabilis niyang ipiniling ang ulo at iniwaksi iyon sa isipan niya habang pilit na sinusuway ang sarili.

Siguro hindi niya talaga matanggap na gano'n ang reaksyon ng lalaki lalo na't maliban sa mga magulang niya tanging ito ang nagaalaga at mga kasambahay na nagpapaligo sa kaniya no'ng bata siya ay wala ng nakakita pa sa kahubdan niya. Maging ang dating nobyo niyang si Julius na sa dalawang taon na pagsasama ay hindi niya hinayaan na makita ang kahubsan niya. Tanging si Matthew lamang ang nakikita at walang ka-ekspresyon pa siyang nabasa.

Ngunit ano nga ba ang inaasahan niya?

'Hindi ba ako gano'n ka-sexy para hindi worth it bigyan ng reaksyon man lang?' Nakaramdam siya ng konting iritasyon sa naisip lalo na't hindi niya mapigilan na mapaisip na baka iba mag-react kapag ibang babae na ang kaharap nito.

Nang makabawi ay agad naman siyang binuhosan ng malamig na tubig.

'Damnit! Umayos ka Alverah Fajardo!' mariin niyang pagsusuway sa sarili.

Mas mabuti ngang wala itong ka-interesado sa kaniya. Dapat nga siyang matuwa dahil alam niya na ligtas siya mula sa isa sa mga bagay na dapat ginagawa ng mag-asawa. Hindi siya magagawang galawin nito dahil may iba naman palang nagpapainit at gumagawa sa parte na iyon.

'Heck! I think I just overthinking too much! And the hell, Alverah? You really think that he will give you a tiny damn interest to spend a night with you?' aniya sa bahaging parte ng utak niya.

Naramdaman niya ang bahagyang pagiinit sa mga pisnge niya dahil sa huling naisip. Tumikhim siya at umayos ng upo.

"So, bakit mo ako pinatawag dito?" Pagbabasag niya sa katahimikan na kanina pa'y namatuwi. Hindi talaga nakakatulong kapag masyadong tahimik dahil kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isipan niya. Ilang minuto na rin ang nakalipas matapos na dalhin siya ni Loisa dahil utos ni Matthew at sa kadahilanan na may sasabihin ito sa kaniya.

'I wonder if what he's doing for a living?' Naku-curious niyang tanong sa isipan habang tinitignan ang ginagawa nito.

Halata sa physique at kinikilos ni Matthew na pang-CEO ang datingan. Pero ang nakakapagtaka lang ay hindi niya ito kilala o nakikilala man lang kahit sa sobrang exposed niya na mula sa business industry. Halata ring mayaman ito dahil sa klaseng bahay pa ngalang ang pinagmamay-arian ay nagsisigaw na nanggaling sa marangyang pamilya. Isa rin sa napansin niya ay kahit isang litrato ng pamilya nito ay wala siyang mahanap o makita na naka-display sa sala.

The Purchased Wife Of A Mafia LordWhere stories live. Discover now