KABANATA 1

10 0 0
                                    

"ITEM AUCTION 9 was sold to bidder number 301!" Sabi ng auctioneer habang pinukpok ang hawak na gavel.

Malakas na palakpakan ng mga tao ang umugong sa buong bulwagan kung saan ginanap ang isang auction. Sa ingay nito ay naging dahilan para magising si Alverah.

Kunot-noo at halos nahihirapan idilat ni Alverah ang kanyang mga mata. Hindi pa siya masyadong nagkakamalay, at kahit nakapikit siya ay ramdam pa rin niya ang hilo at ang tila binibiyak na ulo sa sobrang sakit. Hindi rin nakakatulong ang bahagyang paggalaw ng hinihigaan niya, ngunit ilang sandali ay kusang huminto ito.

"Hmm..." mahinang daing niya. Akma niyang sasapuhin ang kanyang ulo ngunit hindi niya magawa. Agaran siyang kinain ng pagtataka, at kahit sa kabila ng mabibigat na mga talukap ay pinilit niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nakita niya ang kanyang mga kamay na nakaposas habang ang kanyang mga paa ay may mabigat na kadenang nakakabit. Kasalukuyang nakahiga rin siya sa isang kulay pulang couch at tanging isang puting see-through na robe ang pumapaibabaw sa suot niyang pulang bikini. Ramdam niya ang tumatagos na lamig ng air-conditioning sa kanyang buong katawan.

Nanlalaki ang mga mata at tila binuhosan ng malamig na tubig siya nang mapagtanto ang kalagayan niya. Agaran siyang tinakasan ng dugo sa buong katawan. Unti-unting nabubuhay ang takot at kaba sa puso niya.

‘A-anong nangyayari? Nasaan ako? At bakit ako nakakadena?’

Sinubukan niyang magsalita ngunit doon niya lang napansin na naka-duct tape ang kanyang bibig.

"And now, for the last lot and the most highlighted item for tonight's auction," pagsasalita ulit ng auctioneer at agad na tumahimik ang paligid. Nakuha ng auctioneer ang kanyang atensyon at tiyaka tulirong hinanap niya ito. Subalit mariin siyang napapikit nang biglang tumapat sa kanya ang ilaw. Umugong agad ang bulongan ng mga tao nang makita siya.

Nang tuluyang nakabawi ay sinubukan niyang gamitin ang nakaposas na mga kamay para gawing pang-ilag sa liwanag. Ilang sandali pa, unti-unti niyang natanaw ang ilang mga bulto ng mga tao sa harap.

"This item was called the fallen white rose," napaling ang kanyang atensyon mula sa auctioneer. Nakita niyang nakasuot ito ng isang kulay itim na tuxedo habang may nakatakip na half mask sa mukha kaya natatabunan ang bandang mata nito.

"This item right here,” tinuro siya nito. "was once a princess who came from a prestigious family. She was also as pure as white roses,” pagdudugtong nito.

Malakas na kumabog ang puso niya. 'Anong ibig niyang sabihin?' Hindi pa nga gaanong nakakapag-sink in sa kanyang utak ang mga nangyayari, narinig niyang sinimulan na ng auctioneer ang bidding sa kanya.

"And now, the bidding will start of hundred thousands." Nakangiti nitong sabi.

Malakas at mas bumilis ang kabog ng puso niya. Mas lalo siyang namutla at nanlamig sa tuwing may nagbi-bid.

"One million," sabi ng isang babae. Hindi niya masyadong makita ang mukha nito dahil nakaupo ito sa may kadiliman na sulok. "She's not bad as my new toy," dagdag pa nito na malinaw niyang narinig.

"One million from that lady in red and with a number of 104. Anyone who wants to surpass one million?"

'Oh, God... Please tulungan niyo po ako,' dasal niya sa kaniyang isip.

Hindi niya alam kung ano ang mga nangyayari. Hindi niya alam kung bakit nagkaganito at mas lalo na kung bakit nasa ganitong sitwasyon siya ngayon?

Sumagi bigla sa kanyang isipan ang naging pag-uusap nila ng kanyang boss. Agaran siyang napaluha nang mapagtanto na naloko siya. Akala niya talaga ay matinong boss ito!

The Purchased Wife Of A Mafia LordWhere stories live. Discover now