KABANATA 4

6 0 0
                                    

"PWEDE KAYANG puntahan ang library na nandito?" Pagtatanong ni Alverah sa katulong na si Frida. Ito ang naantasan na maging personal niyang maid. No'ng una ay ayaw niya dahil sa ayaw niyang magka-abala ng ibang tao. Ngunit wala na rin siyang magawa pa dahil wala siyang lakas na loob na magsalita kanina sa harap ng mayordorma na halata ang katarayan sa pagmumukha nito at kinikilos nito. Kesyo baka maligaw na naman siya, katulad no'ng  aksidenti niya lang nahanap ang harden dahil na rin sa nahihiya siyang magtanong sa mga tao sa loob ng mansyon.

Katatapos lamang siyang inilibot ni Frida sa buong mansyon. Kaya kahit siguro ay wala ng Frida na gagabay sa kaniya sa susunod ay hindi na siya matatakot lalo na't kabisado at alam niya na agad ang pasikot-sikot sa loob at labas ng mansyon. At sa wakas rin ay nakahanap na siya ng panibagong tatambayan maliban sa harden na sa mga nagdaang araw ay laging iyon lamang ang napupuntahan niya.

Mas pinili niya ring tumambay at magpalipas oras sa loob ng library para magbasa sa araw na ito. Hindi niya kahiligan masyado ang pagbabasa, ngunit sa kawalan ng magagawa at gusto niyang may pagbabago naman sa buhay niya dito sa mansyon. Bagot at nakakasawa rin kasi ang paulit-ulit na ikot ng routine niya dito. Kung hindi siya nagkukulong sa silid ay nasa harden naman siya nagpapalipas ng oras. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng buhay, dahil kilala rin siya dati na isang mahilig sa freedom.

"Pwede po, Madame. Ihahatid po kita papunta don," magalang nitong sagot sa kaniya.

Tipid lamang siyang tumango at pilit na tinatago ang excitement na nararamdaman niya. Hindi niya inaasahan na mararanasan niyang maging excited sa simpleng bagay. Iba talaga ang nangyayari kapag ang isang carefree na babae ay biglang pagkaitan ng kalayaan.

Hindi mapigilan na mapanganga ng maliit si Alverah sa sobrang pagkamangha na nararamdaman. Sa nanlalaki at kumikinang na mga mata ay sinuyod niya ng tingin ang kabuoan ng library. Kanina kasi ay hindi niya nagawang pasukin ito at matignan sa loob dahil sa naka-lock ito. Kaya laking-tuwa niya na lamang na  bukas ito ngayon.

Malawak ang kabuohan ng library, kung ikukumpara niya ito sa dati niyang kwarto ay mas malaki pa ito. Kapansin-pansin rin ang disenyo at arkitektura sa silid. Naaamoy niya rin ang amoy na tila kahoy at mga pinaglumaan na mga libro. Ilang estante rin na naka-helera ang nakikita niya at puno ito ng mga makakapal na libro. Bahagya siyang tumingala at tinanaw ang nakasabit na mababasagin na chandelier. Nagmumukha na kumikinang na diyamante ang nakasabit na mga kristal nito. Mas lalo pa siyang napamaang ng bibig nang makita rin ang nakapinta sa may kisame na tila katulad sa mga nakikita niya na nasa museum na disenyo. Puno ito ng mga larawan ng mga tao na tila nagmula pa sa Renaissance period dahil sa mga kasuotan nila. Sunod na napabaling naman ang atensyon niya mula sa ikalawang palapag na nasa loob ng library. Natatanaw niya na maging ito ay may mga libro ring nakahilera.

"Pwede ba akong umakyat doon?" Nakangiti niyang tanong kay Frida at sabay tinapunan ito ng tingin. Agad naman siyang tinuboan ng hiya nang makitang tipid itong nakangiti habang nakatingin sa kaniya.

Pasimple siyang tumikhim at pilit na tinatago ang ekspresyon.

"Ayos lang po, Madame," nakangiti nitong sagot.

Tumango siya at naramdaman niya ulit ang pagkabuhay ng excitement sa kalooban niya. "Pwede mo muna akong iwan dito," aniya kay Frida.

Nakita niyang bahagya itong natigilan. "Sigurado ka po, Madame?" May bumahid na tila pagalala sa mukha nito—na ipinagtataka naman niya.

"Bakit? Bawal ba akong mag-isa dito? May nagpaparamdam ba dito?" Kinakabahan niyang tanong.

Nakita niyang may gusto itong sabihin ngunit kalaunan ay umiling na lamang ito at nakita niya ang pagayos ng ekspresyon nito sa mukha.

The Purchased Wife Of A Mafia LordWhere stories live. Discover now