KABANATA 5

6 0 0
                                    

MALAKAS NAISARA ni Alverah ang pinto at ni-lock ito. Habol ang hininga naman siyang napasandal mula sa pinto at nanghihina na unti-unting napadausdos pababa hanggang makaupo sa sahig. Ramdam niya ang kabilisan sa pagtibok ng puso niya na tila halos na tila nagwawala ito at gustong makawala sa ribcage niya,
bahagya pa siyang nabibingi at ang ritmo lang ng puso niya ang naririnig sa mga ito.

Hindi niya inaasahan na dadalhin siya ng mga paa niya sa silid nila ni Matthew. Dahil na rin siguro na ito lang ang nahanap niyang pwedeng pagtataguan.

Bahagya niyang itinaas ang kamay niya at nakita ang pamumutla, panginginig at naramdaman ang kalamigan nito.

Nanghihina na ibinaba niya ito at mas lalong isunoksuk ang sarili sa likod ng pinto. Hindi niya maintindihan kung ano ang ikinagalit ng lalaki para bulyawan siya nito.

"Gusto ko ng umuwi..." basag ang boses niyang ani sa kawalan. Sa mga oras na ito ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng pangungulila mula sa mga magulang at kapatid niya. If only they are still alive and here, hindi niya sana mararanasan ang lahat at mapupunta sa ganitong sitwasyon.

Paulit-ulit siyang bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili at pinunasan ang basang pisnge na kanina pa'y may luhang rumaragsa sa pagtulo dahil sa takot kanina.

'Now, how can I face him?' nababahalang usal sa isipan niya.

Lumipas ang buong araw ay nagkulong lamang siya sa loob ng silid para magtago. Wala siyang lakas na loob na lumabas pa dahil sa natatakot siya na makita muli ang lalaki. Sa tuwing naiisip niya na makikita ito o makakasalubong ay agad na manginginig siya sa takot. Hindi siya sanay na masigawan o mabulyawan lalo na't dahil galit ang tao sa kaniya. Dahil kahit minsan ay masakit siya sa ulo ng mga magulang niya ay kahit kailan ay hindi naman siya pinagtataasan ng mga boses nito, kaya laking takot nalang ang naramdaman niya dahil sa ginawa ng lalaki.

Ilang oras na rin ang lumipas ay hindi niya parin mahanap ang tamang rason kung ano ang ikinagalit nito. Pero kalaunan ay sumagi sa isip niya na baka dahil tungkol ito sa pinto na aksidenti niyang natagpuan. Sino nga ba ang matutuwa kapag pinapakealaman ng ibang tao ang pagmamay-ari mo?

Hindi niya maiwasan na bahagyang mapatalon sa kinauupoan at agad na manigas nang marinig niyang may kumakatok sa labas ng pinto.

"Madame, si Loisa po ito. Pinapatawag kana po sa hapagkainan," ani nito mula sa labas ng pinto. May pagtataka naman siyang napasulyap sa nakasiradong pinto.

'Nasa'n si Frida?'

Humugot siya ng malalim na hininga. "Pakisabi na busog pa ako." Pagsisinungaling niya. Kahit ang totoo ay kanina niya pa nararamdaman ang pagkalam ng sikmura niya. Dahil na rin na hindi pa siya handa na harapin muli ang lalaki.

"Pero Madame, pinapasabi rin ho ni Mr. Vesguerra na kapag hindi po kayo bumaba agad ay siya po ang pupunta dito." Nahihimigan niya ang tila natatakot sa boses nito.

Mabilis na kumalat sa buong sistema niya ang lamig dahil sa narinig. Mabilis na sumagi sa isip niya ang nangyari kanina.

Agad na kinain siya ng takot. Halos madapa siya sa sahig sa pagkandadumahog na makababa lamang sa kama at halos takbuhin ang distansya mula sa kama, papunta sa pinto. Sa nanginginig na kamay ay pinihit niya ang doorknob at tumambad agad sa kaniya ang bahagyang namumutla na katulong. Pansin niya na medyo mas bata ito kumpara sa kaniya.

Bumuntong hininga siya.

'Ano bang tumatakbo sa isip ng lalaki na iyon at para kailangan na sabayan ko pa siya palagi sa pagkain? Hindi niya ba naisip na ayaw ko pa siyang makita o ayaw ko na siyang makita pa?'

Mahina siyang tumikhim. "Nasa'n nga pala si Frida?" Lakas loob niyang tanong sa katulong na tahimik lang na nakasunod sa may bandang likuran niya.

Lumipas ang sandali ay wala siyang narinig na sagot nito kaya nilingon niya ito at nakitang hindi siya magawang tignan nito ng maayos.

The Purchased Wife Of A Mafia LordWhere stories live. Discover now