KABANATA 10

6 0 0
                                    

LUMIPAS ANG ILANG sandali ay nanatiling nanigas at nakaawang ang bibig na nakatingin si Alverah sa dalawang tao na nasa harapan niya. Nang tinignan niya si Matthew ay agad na sumalubong sa kaniya ang mga mata nito. Direkta siyang tinignan nito sa mga mata. Naiilang at kinakabahan niyang iniwas ang paningin mula sa lalaki.

"Bakit hindi ka pa pala pumasok? Kanina ka pa o kararating mo lang?" Agad na napabaling ang atensyon niya marinig na magsalita muli ang babae na nakausap niya lang kanina. "Ikaw ha, nagtatampo ako sa'yo kasi hindi mo ako sinundo sa airport," pagdudugtong nito na mahihimigan ang pagtayampo sa boses nito.

Hindi alam ni Alverah kung ano ang dapat niyang gawin sa mga oras nito. Ngunit kalaunan ay napagpasyahan niyang iwan ang mga ito para mabigyan ito ng pribado at para makausap ng maayos. Hindi rin siya interesado na marinig ang magiging mapaguusapan ng mga ito.

Bahagya siyang huminga ng malalim para humugot ng lakas loob at pagkatapos ay isang tikhim ang pinakawalan niya para makuha niya ang atensyon ng dalawang tao na nasa harapan niya. Nakitang nilingon naman siya ng babae at halata sa mukha na tila doon pa lamang siya naalala nito.

Pasimple siyang napangiwi ngunit ng makitang nakatingin parin sa kaniya si Matthew ay agad siyang umayos ng tayo at maging ang ekspresyon ng mukha niya.

"Magpapaalam na sana ako na mauna na ako. Medyo late na rin." Tipid ngiti niyang ani sa babae.

Bumakas agad sa mukha ng babae ang dismaya at lungkot.

"Aww. Aalis kana? Sayang naman kung aalis kana agad. Pero kung gano'n ay hahayaan na muna kita tonight. But I'm looking forward to meet you again," nakanguso nitong sabi. "And oh, by the way, before I forgot. Let me introduce you from my fiance," nakangiting ani na nilingon nito si Matthew.

"Matt, she's one of your Grandfather's guest. And I just met her awhile ago. Pero gusto ko parin siya ipakilala sa'yo as my new friend," inosente at nakangiti nitong anj sa lalaki.

Hindi maiwasan na matigilan si Alverah sa naririnig. Hindi niya inaasahan na maririnig niya muli ang salitang 'friend' mula sa ibang tao at siya iyong tinuturing pa na kaibigan. Mabilis na naramdaman niya ang pagkalat ng kapaitan sa kalooban niya at ang sensasyon na tila may tumutusok sa puso niya.

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili at iniwaksi ito sa isipan.

"Her name is..." Unti-unting humihina ang boses nito at hindi niya maiwasan na magulat ng makita ang biglaang pagtampal nito sa mukha. "Dang! Nakalimutan kong magpakilala," namumula sa hiya nitong sabi.

Nahihiya siyang hinarap nito,"I am Autumn Furigawa pala, and this man beside me was my fiance, Matthew Vesguerra," nakita niya ang nakasupilpil na ngiti sa labi nito na animo'y pinipigilan ang sarili na kiligin.

Nanigas siya sa huling sinabi nito.

'Fiance?' Mababakas sa mukha niya ang pagkatigilan at hindi makapaniwala na tinignan ang si Matthew.

Nang makabawi ay mabilis niyang inayos ang ekspresyon niya. Pinilit rin na umakto na hindi siya binabagabag mula sa pagpapakilala ni Autumn sa lalaki bilang fiance nito. Kahit kanina niya pa gustong tanongin ang lalaki kung bakit pinilit siyang maging asawa nito kung may fiancee na pala ito?

"It's nice to meet you both," tipid siyang ngumiti. "I am Alverah Ve-" agad siyang natigilan ng muntika ng ilaglag siya ng sarili niyang dila.

Tumikhim siya. "I am Alverah Fajardo, nice to meet you, Miss Autumn. So, uhm, mauna na muna ako," aniya sa babae habang hindi niya matignan ang gawi nito ng maayos dahil na rin sa ramdam niya ang nakapukol na tingin na iginawad ng katabi nito sa kaniya. Ramdam niya ang matalim na tingin nito dahil na rin siguro sa pagkukunwari na hindi niya ito kilala.

The Purchased Wife Of A Mafia LordWhere stories live. Discover now