KABANATA 2

8 0 0
                                    

ISA SA pinaka-ayaw gawin ni Alverah ay ang magpakasal sa taong hindi naman niya mahal. Lumaki siya na puno at busog na pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang. Kilala pa nga ang mga ito na match made from heaven. Mula sa pagiging highschool sweethearts hanggang sa naging isa sa kapangyarihan na couple ang mga ito.

Wala rin siyang balak na pumasok o sumugal muli sa isang relasyon lalo na at ang puso niya ay kagagaling palang sa isang nakakatraumang pag-ibig.

"Titignan mo na lang ba iyan? Hindi kusang gumagalaw ang ballpen para pirmahan ang mga papeles na iyan." Turan ng lalaki sa kaniya ng ilang minuto na ang nakakalipas, simula ng inabot ng tauhan nito ang papeles sa kaniya upang pirmahan.

Malalim siyang napabuntong hininga at tinitignan ng maigi ang nilalaman ng papeles. Nakita niya ang magandang kurba at malinis na pirma ng lalaki. Katabi rin nito ang kasing ganda na pangalan nito.

'Matthew Vesguerra.'  bigkas niya sa pangalan nito mula sa kaniyang isipan.

Hindi niya alam ngunit tila may kung anong kiliti ang iginawad ang pangalan nito mula sa kaniyang puso at katawan.

Pigil hininga at sa mahigpit na pagkahawak ng ballpen ay labag ang loob niyang pinirmahan ang marriage contract.

"Good," walang kaemo-emosyon nitong komento. At pagkatapos ay tinanguan ang naghihintay at nakatayo sa gilid na tauhan nito.

Lumapit ito sa kaniya at kalmadong kinuha ang papeles mula sa kaniya.

"You already know what to do. If you mess and even lost those papers. I'll send you to hell," pagbabanta ng lalaki sa tauhan nito.

Hindi maiwasan ni Alverah na manigas. Hindi na yata siya masasanay sa pabalang na pagsasalita ng lalaki—na ilang minuto o oras pagkatapos ma-approve-an ang marriage contract nila ay tuloyang magiging ganap na asawa na niya ito.

"Yes, Mr. Vesguerra," sagot ng tauhan at nagpaalam na lumabas na ng opisina.

Tuloyan silang naiwang dalawa sa loob ng silid at agad na namatuwi ang katahimikan sa paligid. Nakakaramdam na ng pagkailang si Alverah dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gagawin at hindi siya komportable sa presensya ng lalaki. Hindi pa nakakatulong ang mapanganib na tingin na iginawad nito sa kaniya.

Tumikhim siya. "Uh..." Pagbabasag niya sa katahimikan.

Maraming katanungan ang gumugulo sa isipan niya at alam niyang wala siyang makukuhang sagot kung hindi siya maglalakas loob na magtanong sa lalaking nasa harapan niya.

"So, ano na ang mangyayari sa'kin?" Lakas loob niyang tanong sa lalaki at buong tapang na sinalubong ang mga mata nito. Ngunit kusa siya rin mismo ang umiwas ng tingin nang hindi makayanan ang nakakapanghina na mga tuhod at nakakatunaw na tingin nito.

Hindi nakatakas sa kaniya ang bahagyang pagtaas ng sulok ng bahaging labi nito.

"A minutes later, you'll be my wife officially. And for your second job is to entertain me," malamig sa boses nitong ani.

Agad na tinignan naman ni Alverah ang lalaki muli at tinitignan kung nagbibiro ba ito. Ngunit, sumalubong sa kaniya ang seryoso nitong pagmumukha.

Kumunot ang kaniyang noo.

Ginawa niya lang ba siyang asawa nito para maging taga-aliw? Edi sana pala, inisawa nito ang isang clown kung hanap lang pala nito ay ang maghahatid aliw para nito.

She rolled her tongue to wet her dry lips. "A-anong ibig mong sabihin?" Nagaalinlangan niyang tanong.

"I heard you're virgin. But I don't think so that you're that too innocent. I guess that I need to teach my wife from the basic steps to how her husband keep entertain."

The Purchased Wife Of A Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon