Chapter 15

407 20 10
                                    

Chapter 15



"Miss Zoe! Miss Zoe earth to miss Zoe!" ani Arnel.

Pitik ng pitik sa kamay niya ang baklang trainer nila na naiirita nang nakatayo sa harap niya. Bigla nalang siyang natauhan at nakitang sa kanya na naka titig ang ibang kasamahan niyang modelo.

Some of them laugh at ang iba ay halatang naiiirita na sa kanya. She spaced out again kaya hindi nila matapos-tapos ang practice routine nila para sa nalalapit na fashion week.

Ni ilang beses na siyang napagalitan  dahil sa tulala moments niya simula nang makabalik siya ng Maynila. And that was three months ago for crying out loud! Kahit sarili niya ay hindi niya alam kung ano ang nangyayari. She's not like this. Kailangan na niyang ayusin ang sarili niya dahil naaapektohan na ang trabaho niya.

Even her manager notices her spacing out very often. And she's not doing it on purpose. Kusa nalang siyang nawawala sa fucos niya. Tila kailangan na nga talaga niyang magpatingin sa doctor.

"Don't space out again miss Zoe and focus please para matapos na tayo may iba pa akong lakad dyosko!" nayayamot na sabi ng baklang si Arnel.

"Sorry!" yun lang ang nasabi niya sabay tingin sa mga kasamahan niya na hindi na niya alam kung naawa og naiirita pa rin sa kanya. She took a deep breath and shake herself a bit and get back to the stage and position herself.

This time she tried her best not to space out again and finishes their practice routine. Gusto narin niyang magpahinga dahil hapong-hapo ang pakiramdam niya.

Makaraan ang ilang oras ay natapos na rin ang practice nila kaya pinauwi na sila ng baklang si Arnel na dali-dali na ring umalis.

Dali namang nakalapit si Percy sa kanya kaya hindi na niya ito naiwasan.

"Zoe anong nangyayari sayo? Gusto mo pagusapan natin?" ani Percy na halata ang pag aalala sa tinig.

"Sorry Perc. Kailangan ko lang magpahinga." aniya dito at kinuha na ang mga gamit niya.

"Bakit feel ko iniiwasan mo ako? Your not being yourself simula nang makabalik ka galing sa mansion nang--"

"Not today Perc please! I will talk to you some other time I promise." she stop her bago nito ma sabi ang pangalan ng lalaking iyon. She kissed her goodbye at dali-dali nang umalis.
Ni hindi na niya hinayaang makapag salita si Percy at tuloy-tuloy nang lumabas sa stadium.

Percy tried to talk to her lot of times about Emmanuel but she refuses to talk. Because she's trying her very best na tanggalin ito sa systema niya. She's not good for him. And he's not good for her. Ganun nalang yun.

Nang marating ang parking lot ay agad binuhay niya ang sasakyan and drive herself home.

Habang nasa daan ay napansin niya ulit ang heavy tinted na itim na sasakyan na naka sunod sa kanya. Kinabahan na naman siya.
At first she thought its coincidence or not the same car. Pero nang makita ang same plate number ay iba na ang kutob niya.

Kung hindi man nauuna ay nakasunod sa kanya ang sasakyang iyon. Minsan nga ay nauuna pa ito sa pinupuntahan niya. Hindi siya nagpapahalata na alam na niyang sinusundan siya nito. Kung sinoman ang sumusunod sa kanya ay gusto niyang malaman. Gusto na niyang mag report sa police pero hindi niya magawa.

Kakaibang kaba ang nararamdaman niya pero hindi kasama doon ang takot. Gusto niyang malaman sino ang sumusunod sa kanya pero hindi niya kayang komprontahin kung sino man iyon. Paano naman kung may masamang motibo talaga sa kanya iyon. Hindi niya ipagsasapalaran ang buhay niya dahil lang sa curiosity. Hindi rin niya ma tyempo na makita kung sino ang papasok o lalabas sa kotseng iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Never Alone Again"Where stories live. Discover now