Prologue

38.5K 345 81
                                    

Dedicated to yanzkyo


Prologue



"Go fast baby! I want to feel the cold wind on my cheeks." Matinis ang tinig na sabi nang kasintahan niyang si Meredith.

"No tama na to babe. Baka maaksidente tayo madulas pa naman ang daan." Natatawang saway niya dito. Napakaganda parin nang kasintahan kahit magulo na ang buhok nito dahil inililipad nang malakas na hangin. Nakapikit ito habang ninanamnam ang malamig na simoy nang hangin na humahaplos sa balat nito.

Tinanggal pa nito ang seatbelt na nakakabit dito at tumayo sa kinauupuan at nakahawak lang sa windshield nang sasakyan niyang Ferrari nang maalis ang bubong niyon.

Pinaalis nang fiancée niyang si Meredith ang bubong niyon dahil gusto nitong makita ang nagagandahang kislap nang bituin sa langit. Sinunod naman niya ang kagustohan nito dahil gusto niyang masiyahan ito sa joyride nila.

Pauwi na sila galing sa isang party at medyo nakainom ito kaya medyo panay ang bungisngis nito. Pero kahit gayon ay hindi parin nawawala ang poise nito. Kahit saang angulo tingnan ay maganda parin ito.

Isang linggo nalang ang hinihintay nila at ikakasal na sila. Kumpleto na lahat nang kailangan nilang asikasuhin kaya hinihintay nalang nila ang petsa nang araw sa kasal nila. They were both happy and excited for the wedding.

Sampong taon din silang magkasintahan at nakapagdesisyon nang lumagay sa tahimik. Ngayon ay ikakasal na nga sila. Walang pagsidlan nang ligaya ang nararamdan niya.

May successful siyang career sa food industry at may food network na din siya sa edad na thirty. Si Meredith naman ay isa sa mga chef's nang restaurant na pag-aari niya. Ito rin ang tumatayong personal accountant at secretary niya.

Magkaklase sila nito halos lahat nang subjects dahil pareho ang kursong kinuha nila na HRM and Culinary. Naging magkasintahan nga sila at ngayon nakapagdesisyon na silang magpakasal. Nagpropose siya dito nang mag celebrate sila ng tenth year anniversary nila at hindi naman siya nito binigo.

Hindi niya maipaliwanag ang sayang bumabalot sa puso niya habang iniisip na magiging asawa na niya ito. Bukod kasi sa mommy niya ay ito lang ang babaeng minahal niya nang sobra-sobra. He can't imagine his life without her. She's has everything a man could ever wish for kaya mas lalong minahal niya ito.

Ito ang lahat-lahat sa kanya at ngayong magpapakasal na sila ay wala na siyang mahihiling pa. Naiisip palang niya ang mga darating pang araw sa piling nito ay kontento na siya. Having family with the love of his life will surely complete him.

"Wohooooooo! I love you Emmanuel! Mahal na mahal kita baby ko." Sigaw nito sa kadiliman nang gabi at itinaas pa ang mga kamay nito sa ere. Buti nalang ay hindi na masyadong marami ang mga bumibyahe sa oras na iyon. Pinagtitinginan kasi sila nang mga nakakasalubong at nakakasabay nila. Ipinagwalang bahala lang niya ang mga iyon at patuloy lang sa pagmamaneho.

"I love you too baby." may kalakasang sambit din niya dito at kinindatan pa ito nang napatingin ito sa kanya.

Kumikislap ang mata nito sa labis na kasiyahan. Kitang-kita niya iyon at nararamdaman niya dahil ganoon din siya para dito. Binabalot nang matinding pag-ibig ang puso niya para sa babaeng ito. Perpekto na ang lahat at kung panaginip man iyon ay ayaw na niyang magising pa. Pero hindi panaginip ang lahat. Totoong-totoo at ramdam na ramdam niya ang kasiyahan.

Biglang bumaba ang mukha nito sa kanya at inabot ang labi niya para sa isang marubdob na halik kaya hindi niya inaasahan ang mga sumunod na pangyayari.

Nagimbal siya sa lakas nang tunog nang busina na papalapit sa kanila. Huli na nang makita niya ang rumaragasang van na papasalubong sa kanila. Lumiliko-liko iyon na parang nawawalan nang kontrol at papasalubong sa kanila.

"Never Alone Again"Where stories live. Discover now