Chapter 4

4.6K 83 11
                                    

Chapter 4




"Zoe wag ka masyadong lumayo ha? Baka maligaw ka na naman.

Narinig niyang sigaw ng kaibigan niya na tinanguan lang niya. Patungo siya sa may masukal na parte ng trail na narinigan niya ng pagbagsak ng tubig. Huminto muna sila sandali sa pagbaba ng bundok para magpahinga sandali. Malayo-layo pa raw ang lalakarin nila.

Pero dinig na dinig niya ang pagbagsak ng tubig na sabi ng lider nila ay galing sa isang falls.

Ng malamang may falls doon ay agad
Nabuhay ang excitement niya. Gustong-gusto niyang makita ang falls doon. Ng magpaalam siya sa mga kasamahan ay itinuro naman nito sa kanya kung saan banda makikita ang falls.

Lahat ay gustong magpahinga kaya hindi na siya nagpasama pa. Nakakahiya din sa mga kasamahan niyang gustong magpahinga. Okay lang naman sa kanya iyon. Gusto lang talaga niyang makita ang falls at makuhanan iyon ng picture.

Ilang sandali pa ngang paglalakad sa masukal na bahagi ng trail ay nakita na niya ang falls. Pero laking dismaya niya ng makitang maliit lang ang falls doon. Maliit lang din ang lawang kinababagsakan ng tubig.

Nang lapitan niya ito ay malinis naman ang tubig. Pero talagang nadismaya siya. Gusto niyang makakita ng mataas at malaking falls.

Nakakita na siya ng isa noon. Sa Badian Cebu ang Kawasan Falls. Napakaganda ng falls doon at talagang dinarayo ng mga turista. Ini-expect niya na ganoon kalaki ang falls na makikita niya dahil sa lakas ng tunog ng pagbagsak ng tubig.

Bigla siyang natigilan ng maisip na baka may iba pang falls na naroroon. Ipinikit niya ang mga mata at pinakinggan ang buong paligid.

Dumagundong sa kaba ang dibdib niya ng marinig ang mas malakas na tunog ng bumabagsak na tubig. Ibig sabihin ay hindi iyon ang naririnig niya.

May ibang falls pa na naroroon. At dahil malakas ang tunog niyon ibig sabihin ay mas malaking falls din 'yon. Agad ay napangiti siya sa kakaibang excitement na dumaloy sa mga ugat niya.

Naisip tuloy niya na baka nagkamali ang Diyos na gawin siyang tao. Ang bulubundokin, matataas na puno, maberde at magagandang falls at masukal na kapaligiran ay may hatid na ginhawa sa kanya na para bang nababagay siya sa lugar na iyon. Pakiramdam tuloy niya ay kalahi siya ng mga unggoy ngayon. Natawa nalang siya sa mga naiisip.

Ipinilig niya ang mga iniisp at agad ay sinundan niya ang daloy ng tubig sa maliit na falls. Palagay niya ay patungo iyon sa mas malaking falls. Palaki ng palaki ang daloy ng tubig na galing din sa ibang bahagi ng maliit na dumadaloy na sapa.

Medyo mabato na at mas masukal ang parteng nilalakaran niya kaya nag-dobleng ingat siya. Ilang sandali pa nga ay mas lalo pang lumakas ang tunog ng rumaragasang tubig.

Nang marating na niya ang falls ay nadismaya na naman siya ng malamang nasa ibabaw ng bundok  siya kung saan nangga-galing ang tubig na bumabagsak sa falls. Mas maraming tubig na ang nakikita niyang dumadaloy na galing sa iba't-ibang bahagi ng bundok. 

Napaka presko ng hanging nalalanghap niya at tila napakagandang musika sa tenga niya ang malakas na pagbagsak ng tubig. Ipinasya niyang manatili muna roon sandali. Gusto lang niyang pagsawain ang mga mata sa kagandahang nakikita.

Mas lumapit pa siya sa pangpang para kahit man lang masilip niya ang mas malaking falls. Medyo nalula pa siya sa taas ng pampang na kinatatayoan niya. Kahit papaano ay nasilip niya ang malaking falls. Matutulis ang batong kinababagsakan ng tubig kaya umatras na siya dahil nalula na siya. 

Nang igala niya ang paningin ay napansin niya ang maganda at malawak na lawa sa ibaba ng bundok na kinaroronan niya. Naisip kung madadaraanan ba nila iyon pababa ng bundok dahil kung gaanoon ay baka pwede siyang makalapit sa falls. Ilang sandali pang pagtitig sa lawa ay may napansin siyang gumagalaw sa tubig. 

"Never Alone Again"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon