Chapter 8

3.7K 112 40
                                    


Chapter 8



Ilang araw na siyang nananatili sa malaking bahay na iyon at kahit papaano ay nakakalakad na siya. Paika-ika pero atleast ay nakakakilos na siya. Hindi na niya kailangan pang tawagin si nanay Cora para tulungan siyang mag banyo o kaya magbihis.

Hindi narin siya kailangan pang buhatin at iyon ang ipinagpapasalamat niya. Kasi simula ng huling pag-uusap nila ni Emmanuel ay naramdaman niya ang pag-iwas nito sa kanya.

Ni hindi na ito nangungumusta sa kanya. Tanging si nanay Cora at tatay Kanor nalang ang nakakausap niya. Sadya kasing umiiwas ang masungit nitong amo.

Wala naman siyang dapat na reklamo doon dahil nga nakikitira lang naman siya doon at sino ba naman siya para pag-aksayahan ng oras ni Emmanuel. Pero tila tukso namang gusto niya itong makita ulit. Paulit-ulit niyang naaalala ang huling pag-uusap nila.

Minsan ngang nagkasabay sila ng hapunan ng ipasya niyang kumain kasama sina nanay Cora ay hindi niya inaasahang makakasalo din nila si Emmanuel.

Tahimik lang ito at ni hindi man lang tumingin sa gawi niya na ikinanlumo niya. Ni hindi na nito tinapos ang pagkain at magalang na nagpaalam kay nay Cora at tatay Kanor dahil may gagawin pa raw ito. Gusto niya itong sundan at kausapin pero hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin niya dito.

Mahinang katok sa pinto ng kwartong inuukupa niya ang pumukaw sa pag-iisip at nakita niyang sumungaw si nanay Cora.

"Zoe hija." tawag nito sa kanya ng makapasok.

"Nay Cora? Bakit po?" aniya dito ng makalapit ang matanda sa kamang kinauupuan niya.

"Hija magpapaalam lang ako. Sasadya kami sa kabilang baryo dahil nagkasakit ang nakababatang kapatid ko. Luluwas muna kami ni tatay Kanor mo ng bayan para maipagamot siya."

"Naku ganun ba nay Cora? Sige po kung ganoon. Sana gumaling agad ang kapatid mo po." aniya sa matanda. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito.

"Hindi ko alam kung ilang araw kaming magtatagal doon pero nandito naman si señorito Emmanuel hija. Siya na muna ang bahala sayo." parang balewala lang na sabi nito. Ni hindi niya alam ang mararamdaman.

"Naku nay baka makaabala pa ako sa kanya. Ako na ang bahala sa sarili ko." pinasigla niya ang bosses na sabi dito.

"Wag mong alalalahanin ang bagay na iyon hija. Magpagaling ka at manatili rito hangga't gusto mo." sabi naman ng matanda na tila may nais ipahiwatig at ikinataas iyon ng kilay niya.

"Baka nakakaabala na ho ako kay Emmanuel. Nakakahiya pong manatili pa rito ng matagal. Nakakalakad naman na ako nay." aniya sa matanda.

"Walang problema doon hija. Natutuwa pa nga kami ni tatay Kanor mo sa pagdating mo dito sa hacienda Acosta. Tila nabigyang buhay ang bahay na ito. Maaari ka namang manatili sa kaibigan mo pero pinigil ni señorito Emmanuel ang pag-alis mo." makahulugan namang sabi ng matanda.

Napailing naman siya at hindi nais bigyan ng kahulugan ang sinabi ng matanda. Baka mapahiya pa siya kung mali ang pagkakaintindi niya sa ginagawa ni Emmanuel. Sinabi naman nito na kargo konsensya siya nito dahil sa lupain nga raw nito nangyari ang aksidenteng pagkahulog niya. Napabuntong-hininga siya sa naisip.

"Baka talagang napilitan lang si Emmanuel na panatilihin ako dito nay. Nakakahiya naman kung mag-iisip ako na may dahilan ang pagpapatira niya dito sa akin." hindi na niya pinigil ang sariling mahiya sa harapan ng matanda.

"Iyon ang tuklasin mo hija." nangingiti na ito. "Sige hija at kami'y aalis na ni tatay Kanor mo." magalang na itong nagpaalam sa kanya.

Nang wala na ang matanda ay naisip niyang muli ang mga sinabi nito. Hindi man niya gusto ay hindi mawaglit sa isip niya ang tila may lamang sinabi nito.

"Never Alone Again"Where stories live. Discover now