Chapter 6

4.2K 142 39
                                    

Chapter 6




"Hindi ka pa ba tapos 'dyan?" naiinis niyang sigaw sa labas ng banyo.

Mahigit isang oras na yata ang babae sa loob ng banyo at hindi pa rin ito tumatawag sa kanya kaya sa sobrang inip ay kinalampag na niya ito. Wala siyang buong araw para hintayin ito sa kung anong ginagawa nito sa loob.

Isa pa ay nag-aalala din naman siya kahit papaano sa kalagayan nito. Baka nauntog ito o ano nang nangyari dito pero ayaw naman niyang basta na lang pumasok at madatnan ito isang hindi ka aya-ayang sitwasyon. Babae pa rin ito.

Baka nahirapan ito sa pagligo o kaya naman ay baka nadulas ito. Sa naisip ay kinalampag ulit niya ng mas malakas ang banyo.

"Hey! Ayos ka lang ba diyan?!" hindi niya maiwasang mas mag-alala sa huling naisip.

Nang hindi pa rin ito sumagot ay napagpasyahan na niyang pasukin ito. Bahala na basta malaman lang niyang maayos ito.

Nakahinga naman siya ng maluwang pagkakita niya ritong nakababad sa bathtub na puno ng bula. Ang ulo nito ay nakasandig at nakapikit ang mga mata nito.

Hindi niya malaman kung matatawa o pagagalitan ang babaeng ito. Nang lapitan niya ito ay nagkagulatan pa sila ng bigla itong dumilat.

"H-Hoy! Anong ginagawa mo rito. B-Bakit ka pumasok?" halata ang gulat sa boses nito ng makita siyang nakatayo malapit sa bathtub.

"Kanina pa kita tinatawag sa labas at hindi ka sumagot. Akala ko may nangyari na sayo kaya pumasok na ako." aniya dito at sinalubong ang gulat na gulat nitong mukha sa kanya.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naaaliw siya sa pagkailang nito. Ni hindi ito makatingin sa kanya ng derecho. Tila natanggal niyon ang inis niya sa matagal na paghihintay dito. Ewan pero parang nakakatuwa ang babaeng ito.

"A-Ano ka ba! Lumabas ka nga! Hindi mo ba alam ang salitang privacy?!" bulyaw nito sa kanya sa matinis na tinig ng hindi siya tuminag. Inismiran lang niya ito.

"No! Im not going anywhere. Dito ako sa loob maghihintay hanggang sa matapos ka! Kaya bilisan mo na 'dyan!" balik niyang bulyaw dito habang pinipigilan ang sariling matawa sa reaksyon nito. Nanlalaki ang mga mata nito sa sinabi niya.

"A-Ano? Lumabas ka! Paano akong magbibihis kung nandyan ka ha?!" may pagkataranta na sa boses nitong mas ikinaaliw pa niya.

Ewan at kung ano ang pumasok sa kukote niya at umupo pa siya sa gilid ng bathtub para inisin ito. Tila nataranta naman ito at iniharang sa dibdib ang mga braso na tila ba makikita niya ang kahubdan nito.

"A-Anong gina-gawa mo!?" may panic na sa boses na sabi nito sa kanya.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka natatapos. Wala akong buong araw para hintayin ka dito sa banyo. Kaya sa ayaw at sa gusto mo dito ako maghihintay sa yo." aniya dito.

"Ano!!" Napamulagat ito sa sinabi niya. "Hoy mister baka nakakalimutan mong babae ako! Kung ayaw mong lumabas tumalikod ka man lang!" matapang na sabi nito sa kanya.

"Tsss! As if naman may makita akong ka aya-aya." hindi niya napigilang sabi dito sabay tayo at talikod dito.

"Ughhhh!!! Kainis!" bulyaw nito sa likuran niya.

Naramdaman nalang niyang nabasa ng tubig ang suot niyang manipis na sando. Nang lungunin niya ito ay nakita niyang tinatampal nito ang tubig sa bathtub na parang bata. Kaya pala nababasa na siya.

"Hoy! Tumigil ka nga.! Para kang bata! Pag 'di ka tumigil diyan ako na ang magbibihis sayo!" aniya dito bago ito tinalikuran ulit at dumistansya sa kinaroroonan nito.

"Never Alone Again"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon