Chapter 3

5.6K 91 24
                                    


Chapter 3

Napabalikawas siya ng bangon ng maalimpungatan sa kakaibang ingay na narinig niya. Dinig din niya ang tahol ng alagang aso na tila nasa labas lang ng silid na kinaroroonan niya.

Nang igala niya ang paningin ay bumabaha na ang liwanag na nagmumula sa papasikat pang araw na tumatagos sa salaming dingding sa art room na kinaroroonan niya.

Napasabunot siya sa may kataasang buhok niya ng sumigid ang sakit sa kanyang sintido. Nang igala niya ang paningin sa buong silid ay tila mas lalong pang sumakit ang ulo niya sa mga nagkalat na larawan ng kanyang kasintahan at iba't-ibang kalat sa buong kwarto.

May mga nagkalat na mga blanko at naguhitan ng canvass doon at iba pang kagamitan sa pagpipinta. Nakasabog iyon sa buong silid na parang dinaanan ng bagyo. Naroon din ang mga bote ng alak na wala ng laman.

Malakas siyang napabuntong hininga at pinulot ang nahubad na t-shirt na basta nalang niyang initsa sa naroong sofa at isinuot iyon.

Nang hindi makatulog ng nagdaang gabi ay kumuha siya ng ilang bote ng beer at dinala iyon sa art room.

At dahil blanko naman ang isipan niya ay naubos nalang niya ang ilang lata at bote ng beer na dala niya at mga naka stock sa naroon ding personal ref ay wala man lang siyang naiguhit.

At dahil hindi naman siya maayos na nakakain at alak lang ang ipinanglaman sa tiyan ay madali siyang nalasing.

Lasing siyang bumagsag sa carpeted na sahig kasama ang mga nagkalat na bote at doon na nakatulog.

Malakas siyang napabuntong hininga at dahan-dahang tumayo at pinagdadampot ang mga nagkalat na basura at itinapon iyon sa naroong trash bin.

Hindi na bago sa kanya ang bagay na iyon dahil ganoon ang nangyayari sa kanya sa mga nakalipas na taon simula ng mawala si Meredith.

Nang maisip ang kasintahan ay tila gusto na naman niyang umiyak at magwala.

Limang taon na ang lumipas pero ang sakit ay hindi man lang nagmaliw na tila kahapon lang nangyari ang pagkawala ng babaeng pinakamamahal niya. Walang nagbago sa nararamdaman niya sa mga nagdaang taon.

Hindi man lang nabawasan ang sakit sa puso niya dahil sa pagkawala ni Meredith. Araw-araw at gabi-gabi siyang nangungulila dito kaya paanong makakalimutan niya ang pinakamamahal.

Kung sana ay kunin na lang din siya ng poong maykapal at nang makasama na niya ito sa kabilang buhay. Araw-araw niyang ipinagdarasal na sana ay kunin na lang din siya ng panginoon dahil wala ng silbi ang buhay niya.

Muli ay narinig niya ang kakaibang tunog at tila kaluskos sa dingding kaya muli siyang napabuntong hininga at ipinilig ang mga isipin. Ipinasya na lang niyang lumabas ng art room bago pa niya kaawaan ang sarili.

Nang makalabas ay nabungaran pa niya si tatay Kanor na tila may hinahalungkat sa ilalim nang naroong mataas na cabinet na pinaglalagyan ng mga iba't-ibang lumang gamit. Naroon din at nakasilip ang alaga niyang buldog na pinagalanan niyang Cesar.

"O nandiyan ka pala anak. Ang aga mo namang nagpinta?Gusto mo ba ng kape?" tanong nito at bahagya lang itong tumingala sa kanya bago sinilip ulit ang ilalim ng cabinet. Tahol na tahol naman si Cesar na nakasilip din sa ilalim.

Dahil sa liit ng matanda ay para itong bata. Sa taas ba naman niyang anim na talampakan ay umabot lang ito sa bandang dibdib niya. Nang tumingala ito ulit sa kanya ay napangiti na siya sa mukha nitong magulo na ang buhok.

"Anong hinahalungkat mo 'dyan tatay Kanor?" seryosong tanong niya dito imbes na sagutin ang inaalok nitong kape.

"Pasensya na anak at nabulabog yata kita. May nakapasok na kuting at sumiksik sa ilalim ng cabinet. Hindi ko naman maabot kaya sinungkit ko na ng walis ting-ting. Patay ako kay nay Cora mo neto pag nag-dumi ang kuting na ito." Paliwanang nito at muling niyuko ang ilalim ng cabinet.

"Never Alone Again"Where stories live. Discover now