Chapter 2

9.4K 165 36
                                    

Dedicated to DimpleOtto

Chapter 2

Nag-e-impake siya nang ilang gamit na kakailanganin niya ng ilang araw para sa "Hiking Activity" nila ng kaibigan sa umagang iyon. Maaga siyang nagising sa sobrang excitement kaya nag-ayos na siya agad ng ilang gamit para handa na siya kapag umalis na sila.

Sobrang nag-eenjoy siya sa pananatili niyang iyon sa probinsya. 'Yung kailangan lang niyang gumising para kumain o kapag napagod na siya sa kakatulog, magpunta kahit saan at gawin ang mga bagay na nais niyang gawin.

Kahit dalawang linggo na siya roon ay ni minsan hindi siya nainip kahit pa wala naman siyang gaanong ginagawa.

This is the life she wanted. Ang walang problemang buhay. It surprised her na hindi man lang niya namiss ang buhay sa magulong Maynila. Ni kaunting pagkabagot ay wala siyang nararamdaman. Tila excited pa siyang gumising araw-araw at lumanghap nang sariwang hangin sa paligid at gawin ang mga bagay na hindi niya nagagawa dati.

Nakatulong din ang magandang kapaligiran sa magaan na pakiramdam niya. Ilang bahagi nang probinsya na rin ang napuntahan nila ng kaibigan niya at kahit simple lang ang makikita doon ay tila paraiso na iyon sa kanyang paningin.

Ipinakilala din sa kanya ni Percy ang ilang kaibigang mountaineer na umenganyo sa kanyang sumama sa mga itong umakyat ng bundok.

Nabuhay na naman ang dugo niya ng maisip na may bagong karanasan na naman siyang mararanasan sa mga ito. Isipin pa lang niyang aakyat siya ng bundok at makakita ng magagandang tanawin ay mas lalong nag papa-excite sa kanya.

Its her dream to travel, climb mountains and sail. Pero dahil nga sa pagtatrabaho niya ay naisantabi niya ang pangarap niyang iyon.

Nakakapagtravel naman siya dahil nga sa trabaho niyang pagmomodelo pero iba pa rin kapag ganoong hindi trabaho ang dahilan. Walang bawal at magagawa niya lahat ng gusto niya. Hindi rin limitado ang oras niya.

Naisip pa niya noon na baka hindi siya makatagal sa pagkabagot sa pananatili doon at magbalik din kaagad siya sa Maynila pero kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon.

Tila gusto na niyang manirahan doon at luluwas nalang kung may kailangan siya sa bayan. Tila kumikislap sa isipan niya ang ideyang doon na siya titira malayo sa magulong buhay niya sa Maynila.

Pero naisip din niyang kailangan pa niyang harapin ang tiyahin. Kailangan pa niyang balikan ang dating buhay. Kailangan pa niyang mag-ipon para matupad ang gusto niyang manatili roon. Kung hindi man pang hanggang buhay ay kahit man lang ilang buwan o taon na gusto niyang doon manirahan.

Kung malalaman siguro ng tiyahin niya ang plano niyang tumira doon ay iisipin nitong nahihibang na siya.

Pero ito talaga ang pangarap niya. Kahit noong bata pa siya ay ito na ang gusto niya. Gusto nga sana niyang bumalik ng Cebu at doon manirahan pero nasa Maynila ang trabaho niya. Kailangan niya iyon para matustosan ang sariling pangangailangan.

Hindi naman problema ang gastosin sa tiyahin niya dahil may sarili itong parlor. Hindi man kalakihan ay dinarayo iyon ng mga customers lalo na ang mga kakilala nito.

Katok sa pinto ang nagpabalik sa isipan niya. Sumungaw sa pinto ang kaibigan niyang si Percy na may dalang tasa na may lamang purong kapeng barako. Amoy palang niyon ay natatakam ma siya.

Agad ay napangiti siya.

"O tapos ka na 'nyan?" tanong nito matapos sulyapan ang mga gamit niyang maayos na nakatabi sa paanan nang kama niya.

"Aalis na ba tayo?" may halong excitement na tanong niya dito imbes na sagutin ang tanong nito.

"Hindi halatang excited ka mare!" natatawang sabi nito. "Inumin mo muna to ng mainitan ang 'tyan mo. Tapos aalis na tayo. Sa sasakyan na tayo kumain. May naihanda na akong almusal." sabi nito sa kanya.

"Never Alone Again"Where stories live. Discover now