Chapter 9

3.1K 90 21
                                    


Chapter 9



He felt like a total jerk! Naisip na naman niya ang ginawang paghalik kay Zoe kahapun. Nakita niya sa magandang mukha nito ang halo-halong emosyon. Pagkagulat, takot at emosyong gusto niyang makita sa mukha nito— lust. Pero iglap lang iyon at dagli ring nawala.

Nang palalimin niya ang halik ay doon naman parang natauhan si Zoe. She pushed him kaya para siyang binuhusan ng malamig na tubig at agad inilayo ang sarili dito.

Mabuti nalang at nagyuko ito ng ulo dahil baka nakita na nito sa mukha niya ang pagkapahiya. Ang tanda na niya para sa mga ganito.

And Jesus! She's too young for her. Tila ba mababasag ito kapag yayakapin niya ito. She's too slim for him pero maganda ang hubog ng katawan. At tila isa siyang halimaw na pinagsamantalahan ang sitwasyon nila kahapon. Kung hindi siya nito napigil ay baka kung saan na humantong ang halik na pinagsaluhan nila.

Ni hindi niya alam kung bakit siya nakalimot.

Pakiramdam niya ay isa siyang DOM na nangsamantala ng isang menor de edad! Kung titigan kasi ito ay parang kaka-eighteen lang nito. Now he's doubting if she's really twenty-three.

Hindi rin niya maintindihan sa sarili kung paanong humulagpos ng ganoon ang kanyang self control. Maybe because her natural red lips haunted him since the very first day he saw her unconscious.

Parang cherry ang natural na mapulang mga labi nito. And he was right. She was sweet like cherry. He could kiss her forever.

Hindi siya santo at ilang babae narin ang dinadala o pinapapunta niya sa hacienda para sa panandaliang kaligayahan, higit na mas maganda kay Zoe. Pero hirap ang mga babaeng iyon para buhayin ang init ng kanyang katawan.

Pero matitigan lang niya si Zoe ay agad ang pagbangon ng pagnanasa niya para dito. Just simply looking at her full mouth, firm breast na parang sakto lang para sa mga kamay niya and rounded bum that makes her look sexy. He felt his loins growing hard that fast. Kahit ngayong iniisip lang niya ito ay naramdaman niyang sumisikip ang pundyohan ng pantalon niya.

Agad hinubad niya ang lahat ng saplot at agad tinungo ang bathroom. He needed a very cold shower para mawala ang pag-iinit ng katawan niya.

Nang kumalma ang kalamnan niya ay tinapos na niya ang paliligo at agad nagbihis at bumaba na para ipaghanda ang hapunan nila ni Zoe.

Ganoon ang magiging set-up nila hanggang ilang araw. Pwede naman niyang hayaan na si Zoe na umalis but somehow he wanted so see her more and everyday.

Nang mapatingin sa wall clock ay bumaba na siya.

Maaga pa naman pero mas mainam nang nakahanda siya kapag lumabas ito. She's a guest afterall. At bibihira siyang magkaroon ng panauhin. Lalo na isa pang magandang dilag.

Nagmadali na siyang pumanaog nang maisip ito.

Ang akmang pagpasok niya sa kumedor ay natigil ng masulyapan niya si Zoe na palabas din ng kwartong inuukupa nito.

She looks so damn sexy sa suot nitong navy blue na bistida. Hantad sa kanyang paningin ang makinis nitong balikat dahil off shoulder ang dress nito. Maputi ang balat na lalo lang tumingkad dahil sa kulay ng suot nito.
Tila nag-alangan pa itong humakbang nang makita siya. He can feel the sexual tension around them and its making him ache more.

"Come here Zoe! May kailangan ka? Nagugutom ka na ba?" sunod-sunod niyang tanong dito ng hindi pa rin ito tuminag sa kinatatayoan.

"H-Hindi pa naman. G-Gusto ko sana maghanda ng hapunan natin. Nakakhiya puro nalang ikaw ang gumagawa." nahihiyang sabi nito.

"Never Alone Again"Where stories live. Discover now