Problem 3 : The Damian Conspiracy?

2K 92 23
                                    

Habang naglalakad si Voice ay hindi niya namalayang sinundan pala siya ni Bitz. 


 "Voice! Sandali lang!" pagtatawag ni Bitz kaya napahinto si Voice bago pa man siya nakapara ng isang taxi. 

 "Sinundan mo ako kuya?"

Hinihingal na tumigil si Bitz sa harapan niya. 

"Dahil ang bilis mong maglakad eh parang gusto kong kumain sa isang buffet restaurant." 

 "Buffet? Sa oras na ito?" napatingin si Voice sa relo at eight o'clock na ng gabi. 

"Meron pa bang bukas ng ganitong oras?"

Ngumiti ng pagkalaki-laki si Bitz tsaka inilabas ang cellphone at may kinausap doon. 

"It's all set! May naka-schedule akong bisita sa isang buffet restaurant this week

para sa isang magazine publication. Sigurado akong nagkakagulo na sila sa biglaan kong pagbisita pero anong magagawa ko, gutom na ako." tsaka ngumisi si Bitz at

hinatak si Voice para maglakad pabalik kung saan niya iniwan ang kanyang kotse. 

 Pagkapasok ng dalawa sa kotse ay nagulat pa sila nang biglang pumasok sa backseat sina H at Chill. Nanlalaki ang mga mata ni Voice at Bitz na napalingon sa dalawang

binata na walang intensyong lumabas sa kotse. 

 "Ba-bakit kayo pumasok? Tsaka nasara niyo na ba ang boutique?" malakas na tanong ni Voice. Nginuso ni H ang boutique. 

 "Mabilis silang kumilos." tumatawang komento ni Bitz pagkakita nila sa boutique. 

 "Saan kayo pupunta boss?" usyoso ni Chill na lumapit paharap sa gitna nila Bitz at Voice. 

 "Kakain kami bakit?" pagtataray ni Voice. 

 "Gutom na rin ako." singit ni H na nagsimula ng ipikit ang mata. 

 "Eh di kumain kayo sa inyong bahay!" masungit na sagot ni Voice. Mabilis na ibinukas ni H ang mata at hinatak si Chill para umupo at siya naman ngayon ang sumingit

paharap. 

 "Mamili ka boss, sisingilin kita sa paggamit sa akin bilang fiance mo o papakainin mo ako. I should be compensated when my image is at stake." babala ni H nang maalala

ni Voice ang misteryosong babae na nagpapakilalang Ina ni H. Naalala rin niya ang sinabi nitong ipapakasal sila ng tuluyan kung malalaman ito ng pamilya ni H kaya

nakaramdam ng matinding kaba si Voice. 

 "Pinakilala mo siyang fiance mo?" gulat na tanong ni Bitz kay Voice. 

 "I guess for her to get revenge from that guy." sagot ni H. 

 "Kapatid ko ba ang tinutukoy niya Voice?" tanong ulit ni Bitz. Dahil hindi alam ni Voice kung ano ang isasagot ay itinulak ni Voice ang ulo ni H para siya naman ang

mapaupo. 

 "Sige kasama na kayo." tipid na sagot ni Voice tsaka niya tinignan sa mata si Bitz. 

"Kuya gutom na rin ako." 

 "Pero hindi mo pa sinagot yung-" hindi na itinuloy ni Bitz ang sasabihin dahil ipinikit ni Voice ang mga mata at umayos para umidlip. 

 Bumuntong hininga si Bitz bago sinimulang patakbuhin ang kotse niya. 

 *** 

 "Skinny Buffet?" kuryosong napatitig sina Voice, H at Chill sa karatula ng restaurant sa harapan nila. 

Love CalculationWhere stories live. Discover now