Problem 12 : Break down the walls

1.7K 68 8
                                    

"La!" nakangiting kinawayan ni Chill ang isang matandang tindera ng kakanin sa palengke. Pagkakita naman ng matanda sa kanya ay tumayo pa ito at masayang kinawayan rin

si Chill.

Patakbong linapitan ni Chill ang matanda at yinakap ito.

"Kumusta ang ampon kong Apo?" tanong ng tindera.

"Ito po para sa iyo." sabay abot ni Chill ng isang sobre na may laman na pera. Pinagmasdan ng matanda ang sobre at gulat na napatingin kay Chill.

"Ba-bakit mo ako binibigyan nito?"

"Tulong ko lang po."

"Hi-hindi ko kailangan nito." nagtangka ang matanda na ibalik ang pera ngunit tumanggi si Chill. "Chill! Hindi ko kailangan ito. Nakita mo namang may trabaho rin ako."

"Sige na po Lola. Hindi ko man kayo ang totoo kong Lola ay trinato niyo naman ako na parang totoo niyong apo kahit noong palaboy-laboy pa ako sa lansangan."

"Hindi ako ang tumulong sa iyo na makarating sa kinaroroonan mo ngayon. Yung mayamang lalake ang tumulong sa iyo."

Umiling si Chill. "Kayo ang nagmahal sa akin."

Halos maiyak ang matanda at yinakap ulit si Chill.

"Gusto mo ng kakanin?" alok ng matanda at tumango si Chill.

Naging masaya ang pag-uusap ng dalawa. Tumulong na rin si Chill sa pagtitinda at mabilis silang nakatinda dahil na rin sa presensiya ni Chill.

"Sinusuwerte talaga ako tuwing nandito ka. Ka-guwapo mo kasi Apo." kinurot ng matanda ang pisngi ni Chill.

"La, itira mo pala yang butchi. Ibibigay ko sa boss ko."

"Yung boss mong maganda kamo?" panunukso ng matanda. "Aba matagal ka ng may crush dun di ba? Nag-aaral ka pa noon."

Tumawa lang si Chill. "Hindi ko po crush si Voice La."

Tumango ang matanda. "Mahal?"

"Po?"

"Ano ka bang bata ka. Walang kang maitatago sa akin. Mukhang mabuting babae naman yung boss mo. Bakit hindi mo ligawan?"

Lumungkot lang ang mukha ni Chill at linaro-laro ang supot ng kinaing kakanin. "Hindi kami bagay La."

"Ano? Gwapo ka at maganda siya. Higit sa lahat maganda ang puso mo!" sabay tinapik ng matanda ang balikat ni Chill.

"Dati akong pulubi, isang magnanakaw. Wala akong magulang." Umiling si Chill. "Hindi kami bagay."

"Ay naku!" hinigpitan ng matanda ang pagkakahawak sa kamay ni Chill. "Walang estado ang pag-ibig. Bakit hindi mo subukan?"

Ngumiti si Chill bago umiling. "Ok lang po ako."

"Ok lang ba talaga?"

Tumango si Chill.

"Ikaw rin?"

Yinakap na lang ni Chill ang matanda bago tumayo at nagpa-alam. Muntikan pa nitong makalimutan ang pinagbalot na butchi at buti na lang ay hinabol siya ng itinuturing

Lola para iabot sa kanya ang mga butchi.

***

Pagdating ni Voice sa kanyang tinutuluyan ay ikinagulat niya nang madatnan niya ang kanyang Ina na natutulog sa kanyang sala.

"Mother dear? Anong ginagawa niyo dito?" agad na napabalikwas ang nakakatandang Kreiss. Papungay-pungay itong nagpunas ng mata bago tumango-tango. Tinabihan ni Voice

Love CalculationМесто, где живут истории. Откройте их для себя