Problem 5 : How to win the game?

1.7K 79 21
                                    

"Nakauwi na po ako." bati ni Gig pagpasok niya sa kanilang bahay. Agad na sinalubong siya ng kanilang Ina na kasalukuyang nag-aayos ng kanilang pagkain sa mesa.

Nagmamadaling nagpunas ng kamay sa suot na apron ang Ina bago linapitan si Gig at yinakap ang kadarating na anak.

"Kumusta ang araw mo anak? Balita ko ay makakatrabaho mo si Voice?" pag-uusyoso nito.

Tumango lang si Gig ngunit napansin ng Ina ang kakaibang pag-aliwalas ng mukha ni Gig.

"Magpapalit lang ako Nay." paalam ni Gig na nagtungo sa kuwarto niya nang kararating din lang ni Bitz.

"Anak! Anak!" nagmamadaling linapitan ng Ina nila si Bitz. "Mukhang may masayang nangyari sa kapatid mo. Maaliwalas ang mukha niya ngayon, hindi siya mukhang

namatayan. Ano sa tingin mo ang nangyari?"

Gulat na napalingon si Bitz sa pintuan ng kuwarto ni Gig.

"Sigurado kayo? Teka, hindi ba ngayong araw yung punta niya kung saan ang boutique ni Voice?"

Patango-tango ang Nanay nila.

"Sa tingin mo nagkabalikan sila?" tanong ng Ina nila.

Mabilis na umiling si Bitz. "Amasona si Voice Nay. Hindi yun papayag ng ganun-ganon lang. Pero ano nga ba talaga ang nangyari?" Napahawak sa baba si Bitz.

Dahil naging kuryoso ang dalawa ay hinintay nila ang paglabas ni Gig upang samahan sila sa hapag-kainan.

Kaya naman pag-upo na pag-upo ni Gig ay agad na inilapit ng

mag-ina ang kanilang upuan. Rinig pa ang tunog ng nahihilang upuan kaya napakunot ng noo si Gig habang nakatinginin sa kuya at Ina.

"Anong meron?" tanong ni Gig.

"Ikaw dapat ang magkuwento anak. Anong meron?" pagbabalik ng tanong ng kanilang Ina.

"Wala." tipid na sagot ni Gig.

"May nangyari ba sa inyo ni Voice?" usyoso naman ngayon ni Bitz.

"Huh?" gulat na napatingin si Gig kay Bitz. "A-anong meron sa amin ni Voice?" tsaka tatayo na sana sa upuan si Gig nang hinila siya ulit paupo ni Bitz.

"Aba! May tinatago ka noh!" paratang ni Bitz. Pilit kumakalas si Gig ngunit parehas na hinahawakan na siya ngayon ng Ina at ni Bitz.

"Ano bang nakain niyo?" alburoto ni Gig. "Wala ngang nangyari."

"Tignan mo ako sa mata anak at sabihin mong walang nangyari." pangungulit ng Ina nila. Agad na tinignan ni Gig sa mata ang ina at sinunod ang sinabi nito.

"Satisfied?" tanong ni Gig na nakatayo na ngayon dahil humina ang pagkakahawak nila.

"Sige na. Umupo ka na at hindi ka na namin kukulitin." tsaka hinatak ng mag-ina ang kanilang mga upuan pabalik sa dati nilang posisyon. Hindi maiwasang magsenyasan ni

Bitz at ng kanyang Ina habang kumakain sila. Pinag-tsitsismisan pa rin nila ang tungkol kay Gig at sa posibilidad na may magandang nangyari nga dito.

Tatayo na sana para huhugasan ni Gig ang kinainang plato nang pinigilan siya ng Ina. "Ako na anak. Pagod kayong dalawa ng kapatid mo kaya magpahinga na lang kayo."

Sumunod si Gig at nagtungo na sa kanyang kuwarto. Pagkaupo niya sa harap ng desk ay tsaka niya inilabas mula sa drawer ang luma niyang cellphone. Kasabay ng paghawak

niya dito ay ang pagbalik ng mga memorya nila ni Voice. Kung paano siya kinukulit ni Voice dati at kung paano naging parte ng buhay niya ang kanyang cellphone.

Love CalculationWhere stories live. Discover now