Problem 11 : How to lose your past?

1.6K 66 6
                                    

"Gumising ka Voice!" pinagsasampal ni Voice ang sarili at ilang beses na pailing-iling. Nawala na rin ang atensyon niya sa paglalakad kaya hindi nito namalayan na

nabangga si Don Hector na nakatayo sa dadaanan niya.

"Nababaliw ka na ba Hija?" nakangiting tanong ni Don Hector. Agad na namula si Voice at hindi kaagad nakasagot kay Don Hector.

"Mukhang nakakita ka ng rated spg doon sa may balon!" malakas na pagpaparinig ni Don Hector.

"Ho?"

"Aba huwag ka ng mahiya nung araw nga na binata pa ako kung makapaghubad ako ay sinisipulan ako ng lahat ng babae dito sa hacienda." pagmamayabang ni Don Hector.

"Normal lang yan sa babae." tsaka tinipa-tipa ni Don Hector ang balikat ni Voice.

"Wa-wala po akong nakita." pagtatanggi ni Voice.

"Malinaw pa sa sikat ng araw at sa namumula mong mga pisngi na nakita mo yung mga binata na naliligo sa likod. Aba dahil madali kang nahiya eh siguro ngayon ka lang

nakakita noh?" pagbibiro pa ng matanda. Mas namula pa si Voice at walang nagawa kundi ang tumango.

"Isang katulad mong inosente pa ang nababagay sa pamilyang ito."

Ikinabigla ni Voice ang narinig kaya napatingin siya kay Don Hector. Seryoso ang matanda at nakatingin lang kay Voice.

"Ang Damian ay isang pamilyang pinapahalagahan ang dangal kaya naman nababagay ka sa amin." tila naiwas sa utak ni Voice ang salitang dangal at agad niyang naalala ang

kanyang ama.

Sa sandaling iyon ay mistulang nagbalik ang lahat ng ala-ala lalo na ang isang pagkakataon kung saan siya naman ang nabugbog ng sariling ama. Lasing na lasing noon ang

kanyang ama at ni hindi na nakakakilala. Pinagkamalan tuloy nito na si Voice si Serene kaya naman siya ang napagbuntunan nito ng galit.

Hindi na noon nagawa ni Voice na tumakbo. Naisip niya na parating nabubgbog ang ate niya at ngayon ay kahit kaunti lang ay masasabi niyang nakibahagi siya sa

nararanasan ng kapatid.

"Hija?" pagkukuha ni Don Hector ng atensyon ni Voice.

Dahan-dahang napatingin si Voice sa mata ni Don Hector. "Sa tingin ko po ay nagkamali kayo dahil kung sa dangal lang ay wala po akong maipagmamayabang."

"Hindi naman siguro pamilya kayo ng mga kriminal Hija?" pagbibiro ni Don Hector.

"Nakulong ang sarili kong Ama dahil sa pagbubugbog sa Ate ko." direktang sagot ni Voice na ikinatigil ni Don Hector. "Pinalaki kami mag-isa ng aming Ina. Oo nga at

nasa isang magandang pamilya na ngayon ang ate ko ngunit ako bilang isang tao ay wala ring maipagmamayabang na dangal."

"Hija ano ang pinagsasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Don Hector.

"Gusto ko pong sabihin ng diretso sa inyo na hindi ako nababagay sa pamilyang ito. Pasensya na po." malungkot na nagbigay galang si Voice bago iniwan ang matanda.

Lingid sa kanya ay narinig ni H at Gig ang naging usapan nila Voice at Don Hector.

"Susundan ko si Voice." sambit ni Gig kay H. Pumayag naman si H na siyang naiwan para kausapin si Don Hector.

"Hunter, nandito ka na. Totoo bang nakulong ang Ama ni Voice?" tanong ni Don Hector.

"Ngayon ko lang rin po narinig ito sa kanya." pag-amin ni H.

Love CalculationWhere stories live. Discover now