Problem 7 : How to train a child?

1.9K 69 18
                                    

"H, bakit parang tahimik si Boss?" tanong ni Chill na kanina pa palingon-lingon kay Voice. Tulala at nakatingin lang sa alapaap si Voice kaya naman naninibago ang

kanyang mga katrabaho.

Napatingin si H kay Voice at maski siya ay nagtaka sa biglang pagtahimik ni Voice.

"Sa tingin mo may problema kaya si Boss?" tanong ulit ni Chill. Napailing lang si H.

Narinig rin naman ni Gig ang usapan nina Chill at H at maski siya ay nabahala sa pagkatahimik ni Voice. Hindi mapigilan ni Gig ang sulyapan si Voice. Naalala rin ni

Gig ang nangyari kahapon sa cafe at hindi niya mapigilang mapaisip na iyon ang rason ng pagkabalisa ni Voice.

"Bo-Boss, may problema ka ba?" nagdadalawang isip na linapitan ni Chill si Voice. May hawak hawak na pamunas ng salamin si Voice ngunit kaharap niya lang ang salamin.

"Huh?"

"Parang wala ka sa sarili mo eh. Okay ka lang Boss?" tanong ulit ni Chill. Pilit na ngumiti si Voice at tinapik ang balikat ni Chill.

"Okay lang ako." napatingin rin si Voice kina H at Gig na nakatingin sa kanya. "Hindi niyo kasalanan at wala kayong kinalaman kung kuryoso kayo." pagpaparinig ni Voice

kina Gig at H.

Hindi naman makasigurado sina Gig at H kung sila bang dalawa ang nais sabihan ni Voice o isa lang sa kanila kaya lalong nalito sila.

"Magbantay muna kayo dito. Lalabas lang ako." paalam ni Voice at nagsimula siyang maghanda ng gamit palabas nang naghanda rin si Chill at nagpaalam rin kay H.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Voice kay Chill nang sumabay ang binata sa paglabas ni Voice.

"Sasamahan kita Boss. Parang kailangan mo kasi ng taong makakausap." nakangiting komento ni Chill.

"Maiiwan ka dito." diin ni Voice sabay lingon kina Gig at H.

"Meron naman sila Boss tsaka parang may issue ka sa kanila at sa akin ay wala kaya ako na lang sasama sa iyo." pagpipilit ni Chill.

"Tigilan mo nga ako Chill, kailangan ko ng space." bumuntong hininga si Voice.

"Then I'll be your space." nakangiting hinawakan ni Chill ang braso ni Voice na siyang ikinagulat ng dalaga. Nagulat rin si Gig nang makita ang nangyari habang tahimik

na nagmasid lang si H. "Tara?" sabay hatak ni Chill kay Voice.

Susundan sana ni Gig ang dalawa ngunit hinarangan siya ni H.

"Anong ginagawa mo?" kunot-noong tanong ni Gig.

"Sa tingin ko ay wala kang maitutulong ngayon kaya huwag ka ng sumunod."

"Sino ka ba?" napalakas na sambit ni Gig.

"I'm becoming her fiance. Ikaw, sino ka ba?" buwelta ni H. Bumuntong hininga si Gig bago itinulak si H papunta sa gilid at dali-daling sinundan sina Voice ngunit

naka-alis na ang taxi na sinakyan ng dalawa.

***

"At bakit sa music store mo ako dinala?" kibit balikat na tanong ni Voice kay Chill na nagniningning ang mga mata na tumitingin sa mga cd. "Gusto mo lang mag-shopping

at dinahilan mo pa ako?"

Hindi naman sumagot si Chill kundi ay nagpasok siya ng isang cd sa isang player tsaka isinuot ang headset kay Voice.

"Ano-"

Agad na pinalakas ni Chill ang tugtog kaya natigilan si Voice. Kumindat pa si Chill at isinenyas na makinig na lang si Voice.

Love CalculationWhere stories live. Discover now