Problem 4: How to start again?

2K 89 31
                                    

"Aba! Nabuhay ka Winter. Ano ang nakain mo at bigla kang pumasok?" bati ni Voice kay Winter na nakaupo sa may counter. 

 "I should help oversee if my brother's investment is doing well right?" sarkastikong sagot ni Winter. 

Hanggang ngayon ay hindi magkapalagayang loob ang dalawang dalaga. 

"Ang tanong minamanmanan mo ba kami o busy ka kaka-search sa internet ng tungkol kay Kuya Yalec. If I know baka iniistalk mo siya." pagbibiro ni Voice ngunit nabigla siya nang tumayo si Winter at inirapan siya. 

Halos tumagos sa buto ni Voice ang matatalim na titig ni Winter. 

 "My work here is done." tsaka mabilis na lumayas ng boutique si Winter. 

Nagkabanggaan pa nga si Winter at Chill sa may pintuan dahil saktong kakarating lang ng binata. 

"Tabi!" bulyaw ni Winter na itinulak pa si Chill. 

 "Anong nangyari doon Boss? May dalaw ba?" nagkakamot na tanong ni Chill. 

 "Sabihin mo, may dadalawin. Patay na patay yan kay Kuya Yalec kaya hindi na ako magtataka kung siya ang administrator ng sampung anti-Venus fans club."Pailing-iling si Chill sa narinig. 

"Girls." 

 "Hoy! Huwag mo akong itulad sa kanya noh!" 

 "Bakit Boss hindi ka rin ba naghahabol ng lalake?" kuryosong tanong ni Chill. Agad na namula si Voice at hindi alam ang isasagot. 

"Hinabol mo rin ba yung ex mo noon?" 

 "Hindi ah!" malakas na pagtanggi ni Voice. 

"Siya yung patay na patay sa akin noon. Ilang beses ko nga siyang binasted pero makulit ang lahi kaya hayun." 

 "Ey! Halata naman na ikaw yung tipo na naghahabol Boss." mabilis na binatukan ni Voice si Chill. 

"Umayos ka kundi ay ipapalapa kita sa mga gutom na mga babaeng customer natin mamaya." babala ni Voice nang bigla niyang naalala si H. Inilibot niya ang paningin sa boutique ngunit hindi niya makita ang presensiya ng binata. 

"Wala pa ba si H?"Inilibot rin ni Chill ang mata at napangiti nang makita ang sapatos ni H na tumitirik sa ilalim ng isa nilang dressing room. 

"Meron na Boss." tsaka hinatak ni Chill si Voice papunta sa dressing room at agad binuksan ito.Tumambad sa kanila ang nakaupong si H na nakatulog. 

 "Ang aga-aga tulog kaagad?" hindi makapaniwala si Voice sa nakikita. Marahan niyang yinugyog si H nang bigla niyang kinagat ang kamay ni Voice. 

 "Hamburger." mahinang sambit ni H na mukhang nananaginip habang mabilis na binatukan ni Voice ang binata. 

"Oh ano? Gising ka na?" nakapameywang na tanong ni Voice sa kagigising na si H. 

 "Sadista ka ba Boss?" reklamo ni H. Gumigigil sa tawa naman si Chill na nakatayo sa likuran ni Voice. 

"Parehas lang tayo na binatukan." singit ni Chill. 

 "Magbubukas na tayo kaya gumalaw galaw na kayo." utos ni Voice at sumunod naman ang dalawa. 

Marami rin ang naging customer nila nang araw na iyon. Mas nakikilala na rin ang Queen Esther boutique dahil sa kumakalat na litrato nila H at Chill na pinagpipiyestahan ng mga kababaihan.Pagkalipas ng lunch break ay nagpaalam naman si Voice sa mga empleyado dahil bibisita siya sa main office para magbigay ng report. 

 "Bago kayo umuwi mamaya ay siguraduhin niyong naka-lock lahat huh." paalala ni Voice sa dalawa. Mukhang nakikinig si Chill ngunit si H ay walang imik na nakaupo lang sa isang gilid kung saan siya parating inuutusan ni Voice umupo. 

Love CalculationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon