Problem 15 : What happened?

1.1K 43 14
                                    

Nagising si Voice sa malakas na hagikgik ng kanyang Ina. Pagkamulat ng mata niya ay kaagad na nainis siya sa nangyari kagabi.

"My first date ruined!" naiinis na bulong ni Voice sa sarili at mas lalo pang naging iritable ulit si Voice nang marinig ulit at maharot na hagikgik ng Ina. Sa inis na nga ni Voice ay padabog siyang bumangon at lalabas na sana nang

marinig niya ang boses ng lalake na katawanan ng Ina.

Nanlaki ang mata ni Voice at kaagad hinagilap ang salamin. Pagkakita sa sarili na magulo ang buhok at pangit na ayos ng suot na pantulog ay kaagad na nag-panic siya.

"Malaking Siomai!" natutulirong kaagad naghanap ng ipagpapalit si Voice nang sunod sunod ang katok naman ng Ina.

"Anak! Gising na!" bakas sa boses ng Ina ang excitement sa pagtawag kay Voice samantalang siya ay hirap na hirap sa pag-aayos ng sarili nang biglang binuksan ng Ina ang pintuan at tumambad sa kanila si Voice na kasalukuyang isusuot

muna sana ang napiling jogging pants na pula.

"Ay!" tili ng Ina na kaagad tinakpan ang mata ni Gig na nagulat rin sa nakita. Halos mawalan ng lakas si Voice at gusto na lang umiyak sa kinatatayuan. Makita ba naman siya ni Gig na magsusuot pa lang sana ng jogging pants. Mabilis na

isinara na ng Ina niya ang pintuan tsaka sinabihan siya na huwag mag-alala at natakpan niya kaagad ang mata ni Gig.

Pagkasara ng pintuan ay kinakabahan na humarap ang Ina ni Voice kay Gig.

"Ma-may nakita ka?" tanong nito.

Hindi sumagot si Gig ngunit dahil namumula na siya ay napagtanto ng kausap ang sagot sa kanyang tanong.

"Lagot ako nito mamaya."

Sunod na nga na narinig nilang dalawa ang hagulgol ni Voice sa loob ng kuwarto kasabay ng pagdadabog nito.

"Wala kang nakita huh. Wala kang nakita." paalala ng Ina ni Voice kay Gig. Tumango na lang ang binata.

Dahil na nga sa nangyari ay natagalan bago lumabas si Voice. Tahimik lang ang dalawang naghihintay sa kanya sa may hapag-kainan. Pinagmasdan ng dalawa kung ano ang mood ni Voice at mukha namang hindi masyadong galit si Voice. Pagkaupo

ni Voice sa harap ng dalawa ay tinitigan lang nila Gig ang tahimik na si Voice.

"Wa-wala siyang nakita anak. Titinak-"

"Sssshhhh!" pagpipigil ni Voice sa Ina bago pinandilatan ang Ina. "Isipin niyo na lang na nakakita kayo ng isang Victoria's secret model for free."

"Anak malayo ang katawan mo dun sa mga model na-"

"Ssssshhhh!" pagpipigil ulit ni Voice. Sunod na inirapan ni Voice si Gig. "At bakit nandito ka ngayon?"

Lumingon muna si Gig sa ina ni Voice.

"Magsalita ka na Hijo at mahirap galitin yan ngayon." bulong ng Ina ni Voice.

"I'm here coz we are dating." mahinang sagot ni Gig.

"Ah, oo nga pala." tumango-tango si Voice. "So bakit ang aga mong pumunta dito? At naka-ayos ka na ng pangtrabaho?"

"Sabay na raw kayo pumasok anak." ang Ina ni Voice ang sumagot.

"Eh kung ayaw ko?" pagsusuplada ni Voice.

"No problem then I'll just eat here. Mag-isa akong papasok tapos mag-commute ka na lang. Whatever you like is fine with me." ngumiti si Gig.

"Nay! Yan ang totoong ugali niyan!" tinuro ni Voice si Gig. "Mantakin mo dating raw kami pero hahayaan niya akong mag-commute?"

"Huwag ka na kasing pakipot anak. Sinusunod lang naman niya ang gusto mo." depensa ng Ina ni Voice.

Love CalculationWhere stories live. Discover now