Problem 6: How to end the nightmares?

1.7K 78 22
                                    

Kinawayan ni Bitz ang isang kapapasok na binata habang siya ay naka-upo sa isang mesa malapit sa bungad ng isang sikat na restaurant.

Agad na nakita naman siya ng binata at nakangiting linapitan niya kung nasaan si Bitz tsaka umupo sa harapan nito. Hindi matanggal sa mukha ng binata ang ngiti na

halos kahawig ng ngiti ni Bitz.

"Kumusta JK?" tanong ni Bitz sa binata.

"Okay naman Kuya. Bihira lang na nakikipagkita ka sa akin huh. Anong meron ngayon?"

Uminom muna ng tubig si Bitz bago nagsimulang nagseryoso ang mukha niya. "May gusto lang sana akong tanungin."

"Ano yun?"

"Nagpunta ba si Gig sa inyo noon? I am guessing he found out about you." natahimik bigla si JK. "Did he?"

Huminga ng malalim si JK. "Yeah he did find out about us. Na kami ang pangalawang pamilya ni Dad but it was my mom he got to marry. Bigla siyang nagpakita sa bahay

noon and he looked shocked. I am younger than him and when he saw me, he looked at me with such anger." pag-amin ni JK.

"Tama nga ang suspetsa namin ni Nanay. He totally changed since that day."

"He really didn't know about us?" tanong ni JK. Umiling si Bitz.

"Hindi namin masabi-sabi sa kanya dahil sa laki ng galit niya kay Papa dahil iniwan niya ang Nanay namin. We didn't expect that he would look for him."

"Hindi kaya may kasalanan ako doon Kuya?" biglang nanlaki ang mata ni JK na para bang may naalala bigla.

"Huh?"

"I remember meeting with you before. We had lunch together, baka nakita niya tayo noon na magkausap." bakas ang pag-aalala sa mata ni JK. Agad na umiling si Bitz tsaka

tinapik ang balikat ng binata.

"Kapatid ka pa rin namin. Whatever happened is in the past. Why don't I introduced you to him personally?" alok ni Bitz.

"Huh?" gulat na reaksyon ni JK.

"Hindi ka nun kakainin. Dededmahin ka lang siguro pero maganda na rin yun para magkakilala na talaga kayo."

Umiling si JK at hindi sigurado sa ideya ni Bitz. "Hindi ako sigurado Kuya."

"Kuya mo rin si Gig. He will not hurt you. Sigurado ako diyan."

"Sigurado ka?"

"Oo! Tama na nga ang usapang ito at gutom na ako. Let's eat. Sa totoo lang kumain na ako pero alam mo naman ang appetite ko." tsaka tumawa si Bitz. Natawa na rin si

JK.

***

"Mukhang dumarami ang mga alipores mo." nakasimangot na itinuro ni Winter si Gig na nasa may counter. Nagtatakang napatingin si Gig kay Voice.

"Masanay ka na kay Winter. Siguro dun lang sa Yalec yan ngingiti." bulong ni Chill na napadaan sa likod ni Gig.

"Anong nakain mo Winter at sumulpot ka na naman?" pekeng nginitian ni Voice si Winter ngunit hindi siya pinansin nito kundi ay itinulak ng bahagya para makadaan siya

palapit kay Gig. Nang magkaharap na sina Winter at Gig ay nginuso nito na umalis sa upuan ang binata.

"Pinapaalis mo ako?" tanong ni Gig kay Winter.

"Alam mo pala eh."

Napakunot si Gig ngunit tumayo na rin siya dahil sa nanlilisik na mga titig ni Winter.

Love CalculationWhere stories live. Discover now