Problem 18 : How to conceal the truth?

928 33 10
                                    

Habang nasa hapag-kainan ang buong pamilya ni Hale ay nararamdaman ng mag-asawa ang hidwaan na namamagitan kina Winter at Aegis. Tila may isang digmaan na nangyayari na hindi nakikita at sina Aegis lang at Winter ang may alam nito. Walang pakialam si Arrhen at patuloy sa pagsubo habang sina Serene at Hale ay nagkakapalitan ng senyasan kung sino sa kanila ang babasag sa nakakamatay na titigan nina Winter at Aegis.

Binulungan ni Serene si Hale at binantaan na hindi nito makakatabi ang asawa kung hindi siya papagitna kaya naman wala na itong nagawa kundi ang magsalita.

"Well, hindi ba kayo kakain?" tanong ni Hale. Hindi sumagot ang dalawa at patuloy pa rin na nagpapalitan ng nakakamatay na titigan subalit gumalaw ang kamay nila para sumubo. Sa bawat pagnguya nila sa pagkain ay tila iniisip nila na ang nginunguya nila ay ang kasalukuyang katitigan.

"Don't bother Dad. I think they are having a love quarrel." singit ni Arrhen. Sapat na yun para magising ang dalawa at mapatitig sa nakangising si Arrhen. "I got you!" sabay napabungisngis si Arrhen.

Natuwa rin ang magulang ni Arrhen sa diskarte nito para maputol ang cold war ng dalawa.

"There is no Love quarrel that is happening!" malakas na protesta ni Winter.

"I certainly don't love her, I don't know about her kiddo." nakangiting kinindatan ni Aegis si Arrhen at dahil doon ay siya naman ang inirapan ni Arrhen.

"Arrhen!" pangdidisiplina ni Hale sa anak.

"Sorry Dad." mahina at napayuko na lang si Arrhen na napahiya. Kung may kahinaan ang batang Thompson ay ito ay ang labis na pagmamahal nito at respeto sa kanyang mga magulang. Hindi lingid sa kaalaman ni Arrhen ang napagdaanan ng mga magulang kaya naman iniidolo niya ang kanyang mga magulang.

"Overprotective lang ang anak ko sa Tita niya Aegis. Pasensya na." paumanhin ni Serene.

"This kid knows how to value his family right?" nakangiting hinimas ni Hale ang ulo ni Arrhen na nasa tabi niya. Ang kaninang napahiyang si Arrhen ay napangiti sa papuri ng kanyang ama. Napatingin lang si Aegis kay Arrhen at pinagmamasdan kung paano ginugulo ni Hale ang buhok ng anak.

"He is one lucky boy." mahinang komento ni Aegis. Bakas sa mukha nito ang kalungkutan.

"You have good parents too right?" singit ni Hale. Pilit na napangiti si Aegis at napatango sa tanong ni Hale.

"I bet his parents are disappointed to discover that their angelic son is a devil's advocate." singit ng galit na si Winter. Paglingon ni Aegis kay Winter ay tumayo na ang dalaga at nagpaalam na sa lahat. Sumunod na nagpaalam si Aegis at hinabol si Winter na kasalukuyang paakyat sa hagdanan patungo sa kuwarto nito.

"Hey!" pagtatawag ni Aegis.

"Ano?!"

"Can you tour me around?"

"Tour mo mukha mo! May trabaho ako ngayon kaya wag ka!" pagtataray ni winter bago padabog na pumasok ito sa kanyang kuwarto.

Napailing na lang si Aegis ngunit hindi mapawi sa mukha nito ang isang ngisi dahil sa ideyang kanyang naisip.

***

"Ano ba!" tili ni Winter sa loob ng Queen Esther. Naglalakihan ang mga mata nila Voice sa pagalit na bulyaw ni Winter sa lalaking kakapasok sa boutique nila.

"Hoy Bruha! Bakit mo sinisigawan yung costumer?" saway ni Voice na nagmamadaling linapitan si Winter na nasa counter. "Tsaka puwesto ko yan noh." Inirapan lang siya ni Winter na panay ang paghinga ng malalim. Napalingon naman ulit si Voice sa lalaking nakangiti sa kanila.

"Pogi yung costumer oh kaya dapat hindi mo siya sinisigawan." bulong ulit ni Voice.

Biglang napatayo si Winter sa kinauupuan at pagalit na itinuro si Aegis.

Love CalculationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon