Prologue

33 15 6
                                    

Tirik na tirik ang araw ngunit hindi ito alintana ng mga tao na naglalakad sa kahabaan ng kalye. Maraming tao ang naririto ngayun sa kadahilanang pasukan na naman at kailangan na namang pumasok sa mga trabaho. Sa gitna ng kalye ay agaw pansin ang isang dalagang nag lakakad habang may nakapalibot ditong naka itim na mga lalaki o kaya bodyguards. Agaw pansin ang babae hindi dahil sa kagandahan nito kundi sa ugali nitong nakakainis. Kilalang- kilala ang babae dahil sa isa itong kilalang CEO ng isang kompanya na kaharap lang nang kalye kung saan sila naruruon. Kilala ang babaeng ito sa tawag na the "beautiful monster"  beautiful dahil sa angking kagandahan nito at monster dahil sa ugali nitong napakasama. Ang babaeng  ito ay si Barbie Liliana Clint Sarmiento ang dakilang witch ng sarmiento company ang tinatawag na sumpa ng mga empleyado dahil sa angking ganda ngunit ang ugali ay taliwas sa panlabas na anyo nito.

Unang araw ng trabaho ay may nasampolan agad ng kasamaan ng ugali ng dalaga. Hindi man sinasadya ng empleyado na mabuhusan ito ng kape dahil sa pag mamadali nito. Tinanggal ng dalaga ang shade nito at tinignan ng malamig ang empleyado na ngayun ay nakayuko na. Dahan dahan nag lakad ang dalaga kung na saan ang empleyado,na nginginig na  sa takot na baka mapatalsik siya pero alam naman niya na ito talaga ang mangyayari.

"Alam mo ba kung magkano ang damit kong ito na binuhusan mo lang ng kape?" Nanginginig naman itong umiling sa kaniya. Napa irap naman ang dalaga dahil sa sagot ng empleyado. Tinignan nito ang hawak na kape na kabibili lang kani-kanina. Ngumuti siya ng at dahan- dahan binuhos ang kape sa empleyado na nasa harapan niya. Natigil ang lahat at na patingin sa empleyado na ngayun ay naliligo na sa kape.

"Ayuko sa lahat ay tanga- tanga. Dahil sayo nasira tuloy ang araw ko." Saad ng dalaga at isinuot uli nito ang shade na pinahawak niya sa bodyguard niya. Tinignan niya uli ang empleyado na ngayun ay nakayuko parin bago tuluyang naglakad paalis, akala ng empleyado ay ligtas na siya ngunit di pa man nakakalayo ang dalaga ay huminto ito.

"Oh! By the way, your fired!"  The girl finally left and the employee was left in tears.

Hindi alam ng karamihan na may isang tao pala ang nakakita ng nangyari kani- kanina lang. Napailing ito at napangiti mukha atang may tuturaan na naman siya ng leksyon. Hindi alam ng dalaga na ang araw na iyon ay ang simula ng pagbabago ng kaniyang buhay. Sa isang kisap lahat ay bumaliktad.

Wansapanataym #1: I'm Barbie And I'm a puppy?!Where stories live. Discover now