Chapter 1: Puppy

25 15 7
                                    

Barbie Pov's

'I think i need exercise'

Kanina pako paikot- ikot dito sa harapan ng salamin, need ko na atang mag jog parang napapansin ko tumataba nako and hindi yun maganda. Hindi pwedeng tumaba ako pano na lang ang dream kong katawan kung lolobo ako? God! I need to go to gym. Agaran akong pumunta sa banyo para mag ayos. Kumuha ako ng damit na babagay sakin. Kahit na tumaba ata ako maganda parin ako. Napatawa ako sa aking isipan dahil duon. Dyosa naman kasi ang beauty ko.

"Ma'am breakfast is ready." Tumango ako at bumaba.

Naupo ako at sinimulan nang kumain. I need to be ready to day because papasok ako ngayun sa trabaho. Yes, I'm just 18 but i have already a work. In my own company, yes! You heard it right. Bata palang ako natuto nakong tumayo sa sarili kong paa kaya naman nang umabot ako ng 16 years old ay agad akong nag banat ng buto and now here i am. 18 years old may sariling kompanya and namumuhay sa buhay na gusto ko, yun ang akala ng lahat. Yes, lahat nang gusto ko nakukuha ko pero di lahat.

"Manang, pakisabihan naman si tatay edgar na maya- maya ay aalis na kami." He smiled and nodded at me.

Nang marating namin ang company ay agad akong bumaba at sinuot ang shade, kailangan ng mata ko ng proteksyon sa init. Nag lakad ako ng taas noo at hindi lumilingon. Habang papasok ay nakita ko ang mga empleyado ko na tumabi at binati ako. Ilan sa mga empleyado ko ang narinig ko pang nag bubulungan. Nag hire ako ng empleyado at hindi bubuyog! Tumigil ako at tinignan sila. Narinig ko pa ang huling ibinulong nila.

" nandito na ang witch!"

"Ang ganda sana kaso ang sama ng ugali."

Nasabi ko palang nag hire ako ng tao para mag trabaho at hindi ako nag hired para lang pag chismissan ako. Dahan- dahan akong lumapit sa kanila. Nang makalapit ako ay agad naman silang yumuko at bumati na para bang walang nangyari. Oh! Asan na ang tapang niyo? Ipinag ikis ko ang braso ko.

"You know girls masama ang nag chichissmisan kapag oras ng trabaho. Ang akala ko kasi i hire you to be my employee not a chismosa." Agad ko naman nadinig sa kanila ang sorry. But i think its to late, hindi ko na pinatagal pa at sinabi ko na ang mga katagang...

"You too are fired!" Nakita kong umiyak silang dalawa at sinubukan pakong hawakan para lang hindi ko sila paalisin sa kompanya ko.

Ka aga- aga sinusubukan nila ang pasensya ko. Ang ganda na sana ng gising ko kaso sinira lang ng dalawang yun. Nang marating ko ang opisina ko ay agad akong kumilos upang pirmahan ang sandamak- mak na papeles. Palaging ganito na lang ang nangyayari pupunta ako dito upang pirmahan ang kabundok na mga papel at uuwing pagod. Siguro kailangan ko naman ng pahinga, parang ang ganda mag bakasyon. Agad kong tinawagan ang secretery ko at pinapunta dito. Ilang oras lang ay narinig kong bumukas ang pinto.

"Ma'am, do you need anything?"

"Yes, gusto kong ikaw muna ang mag handle ng kompanya habang wala ako. I trust you Sheryl." Tinignan ko siya habang pinag lalaruan ko sa aking kamay ang pen na hawak ko. Ngumiti siya saakin at tumango.

Isa si Sheryl sa mga pinag kakatiwalaan kong mga empleyado dito sa kompanya kaya wala akong problema kung iiwan ko sa kaniya ang pamamahala ng kompanya ko. Hapon na ng lumabas ako. I'm tired i need a rest. Bago umuwi ay dumaan muna ako sa isang restaurant para kumain. Diko namalayan na gabi na pala kaya naisipan ko nang umuwi. Nag lalakad ako papunta ng kotse ng may nabunggo akong isang batang babae. May hawak siyang puppy. What the! Napingiwi ako ng medyo naramdaman kong napadikit ang puppy sakin. Hindi ko talaga gusto ang aso.

"Bata pwede bang mag ingat ka sa susunod. Na saan ba ang nanay mo ha?" Nang hindi siya sumagot ay napa irap na lang ako what a waste of time.

"Stupid"

Hindi ko na lang siya pinansin at sumakay na lang sa kotse. Habang pa alis ay tumingin ako sa side mirror ng kotse at nakita ko ang batang nakangiti habang nakatingin sa kotse kong papaalis. Ang creepy niya ah, nakakatakot siya. Nang marating ko ang mansion ay agad akong dumeretso sa kwarto ko. Ang daming nangyari ngayun. Nakakapagod naman hyst! I need a beauty rest.

Nang magising ako ay agad kong tinignan ang orasan na nasa ibabaw ng side table at nakita kong 6:30 palang nang umaga. Ang aga ko nagising, tumayo ako at bumaba--oh! Wait ba't ang taas ng kama ko? Tumalon ako pababa at dumeretso sa salamin para tignan ang sarili ko. Ang weird bakit parang ang liit ko? Nakangiti akong tumingin sa salamin ng bigla na lang nabura ang magandang ngiting yun. Anong!! Hindi to totoo! Panaginip lang to! Bat puppy ang nakikita ko imbis na ako?!

'O myyy goddd!'

"Woff wooffff"

Oh god! Noo! Hindi to totoo. Masamang panaginip lang ito! Hindi ako pwedeng maging puppy! Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng bumukas ito, nakita kong pumasok si yaya.

'Oh god thank youu at nandito ka yaya!'

"Worfff ,worfffff"

"Ay jusko! Bat may aso dito?" Akala ko ay matutulungan na ako ng yaya ko ngunit pilit niya akong hinahabol para hulihin.

' yaya! Ako too!'

"Manong edgar! Manong!" Sa diko malamang dahilan ay tinawag ni yaya si tatay edgar. Makaraan ang ilang sandali ay dumating na si tatay edgar.

"Ano ba iyon linda at sumisigaw ka?"

"Manong edgar! May aso ho sa loob ng kwarto ni maam, kailangan ho nating mapaalis yun bago malaman ni maam barbie!" Noo! Hindi! ako to yaya, tatay edgar! Hindi to pwede this is my house!

Tumakbo ako papaakyat sa kama ng makitang hinabol nako ni yaya at ni tatay edgar. Bakit ba hindi nila ko maintindihan? Ng makita kong mahuhuli na nila ako ay tumakbo nako palabas sa kwarto ko. Nakita ko pang kumuha ng pampalo si yaya kaya naman so no choice  i need to escape. Tumakbo ako papalabas sa mansion. Hindi ko na malayan na malayo na pala ang na takbo ko gusto ko mang bumalik sa mansion ngunit hindi pwede dahil sa kalagayan ko. Narating ko ang lugar na hindi ko masyadong alam pero masasabi kong parang nasa squatter area nako. Arghh! Amputik naman dito at ang bahooo! May mga batang nag sisitakbohan at may isang bata na tumakbo kung saan may putik at ang ending tumilapon ito sa akin.

What thee-- bakit ba ang malas koo?!

Wansapanataym #1: I'm Barbie And I'm a puppy?!Where stories live. Discover now