Chapter 4: Victoria

19 13 1
                                    


Barbie Pov's

Ngayun ay pupunta kami sa isa pamg lugar upang mag hanap, isang linggo na ang nakakalipas ng magigng ganito ang buhay ko. Sa nakalipas na araw ring yon ay di parin namin nakikita ang bubwit na yun. Pinapahirapan talaga ko ng batang bubwit na yun. Kapag yun nakita ko talaga lagot siya sakin! Saan kaya ang susunod na lugar na pwedeng puntahan non? Wait- pano kaya kung dun sa lugar kung saan kami unang nagkita agad kong tinawag si arden- ergh, hindi parin ako sanay na tawagin siya non.

"Ano ba ang pangalan ng restaurant na tinutukoy mo?" Ang siga siga talaga nito pero sheyt ang hot niya ngayun mhiee! Naka sando kasi siyang white at naka pants na black and biceps niya naglalabasannn! Shet! Tambay ba talaga to?

"Nandito lang yun eh! Sanda-- ayun!" Turo ko at tumakbo na sa harap ng restaurant. Ito na ngayun. King's Restaurant yan ang nakalagay sa harapan ng Restaurant.

Napag pasyahan namin na pumasok at duon na lang mag hintay pero umabot ang hapon at wala paring dumadaa o dumarating man lang na batang babae na may bitbit na puppy. Dahil sa gutom ay duon na rin kami kumain at sa pag ka inip ay napag pasyahan namin na umuwi na at mag pahinga. Wala man lang kaming na pala. Ng makalabas ay napa daan kami sa garahe kung saan natatandaan ko dito kami nag kita. Tumigil ako ng ilang sandali at nilibot ang aking tingin. Baka sa pagkakataon na to ay makita ko na siya. Natigil ang mata ko sa batang nakaupo sa may gilid ng mga sasakyan. Hindi ako pwedeng magkamali siya yun!! Tinaholan ko si arden at agarang tumakbo kung nasaan ang bubwit na batang iyon.

"Alam kong hahanapin moko" Inangat niya ang kaniyang tingin at tinignan ako ng mariin.

"Kamusta ka na Barbie? Masarap bang maging puppy?" Ngumiti siya sa akin ng nakakatakot. Siya nga ang dahilan kung bakit ako naging ganito.

"Ikaw! Alam kong ikaw ang may kagagawan nito. Ibalik mo ako sa dati!" Galit kong sigaw sa kaniya.

"Hay! Barbie hindi ka pa rin nagbabago. Napakasama pa rin ng ugali mo!" Tumayo siya habang karga ang puppy na dala dala rin niya noon. Tumingin siya sa akin bago dumapo ang kaniyang tingin kay arden.

"May kasama ka pala, sorry hindi kita na pansin." Binigyan niya ng isang matamis na ngiti ang kasama ko. Alam ko sa matamis na ngiting iyon may tinatago itong kasamaan.

"May ibibigay ako sayo baka naman sabihin mong ang sama ko." Ang sama mo naman talaga!

"Bibigyan kita ng kakayahang bumalik sa pagiging tao ngunit gabi lang ito tatalab at pag dumating ang umaga ay babalik ka sa pagka puppy mo." Babalik ako sa pagiging tao ngunit sa gabi lang? Ano to Cinderella? My godd! Pero mas ok na yun kesa buong araw akong mukhang aso! Ngunit hindi pa rin ako papayag na hindi niya ko ibalik sa dati.

"Ano bang kailangan kong gawin para ibalik moko sa dati ha?!" Pumalakapak siya na para bang bata.

"Akala ko naman hindi mo na tatanungin HAHA!" Ang creepy ng tawa niya gosh! Natigilan ako ng bigla na lang siyang nag seryoso.

"Kailangan mong maitama lahat ng pagkakamali mo bago kita ibalik sa dati mong anyo." Pagkakamali ko? Hindi ko maintindihan. Tatanungin ko pa sana siya ng bigla na lang siyang nagsalita.

"Kailangan mong matapos ang iibigay kong mission sayo, and by the way wag mong kakalimutan--" saad niya at unti- unti na itong nag lalaho. "Victoria,  ang aking pangalan." At tuluyan na nga siyang nawala.

'Itama ang pagkakamali?'

Lutang akong umuwi hindi ko nga namalayan na kinarga na pala ako ni arden pauwi sa bahay niya. Nakakapagod ang araw na to pero mabuti na rin yung naka usap ko yung bubwit na Victoria na yun at least ngayun may hint na ako para sa gagawin kong plano. Dahil sa hindi pako inaantok at ang aga pa naman matulog ay napag isipan kung lumabas muna. Marami palang bata dito kapag gabi na. Merong mga nag lalaro ng taya-tayaan at nag babasketball. Sa hindi inaasahan yung bola na ginagamit ng mga naglalaro ay na punta sa itaas ng bubong nang bahay. Pilit man nilang inaabot pero di nila ito makuha kaya naman ako na mismo ang umakyat sa bubong at hinulog ito sa mga bata. Bababa na sana ako pero na mali ang tapak ko at nag slow motion ang lahat.

Oh myy god!

Akala ko tuluyan nakong mababalian este mahuhulog pero isang kamay ang yumakap sa akin. Dahan- dahan kong iminulat ang mata ko. Biglang kumabog ng malakas ang dib-dib ko. Ano tong nararadaman ko? Bakit ganito?para bang may naramdaman akong kiliti sa aking tiyan. Wala naman akong sakit sa tiyan. Tinignan ko ang taong sumagip sakin. Nasa langit na ba ako? Bat ang gwapo ng nasa harapan ko? Matagal kaming nagkatitigan bago siya nag salita

"Ah, miss kung mag papakamatay ka dun ka sa iba wag sa bahay ko." Na balik ako sa realidad nang mag salita siya, ayy! Si arden lang pala pero goshh! Ang gwapo niya sa malapitan!

"Nasaan na ba ang asong yun?"

"What the-- anong miss ka diyan arden ha?" Lumingon ito sa akin at tinaasan ako ng kilay. Anong miss ang pinag sasabi ng lalaking to?

"I'm sorry miss pero kilala ba kita?" Makakalimutin ba ang lalaking to? Narinig ko pa siyang bumulong.

"Baliw ata sayang ang ganda pa naman"

Ako baliw? At wait maganda? Hinawakan ko ang katawan ko at nagulat ako. God! Katawan ko to! Pumasok ako sa bahay at agad na tinignan ang sarili sa salamin.

"Wait mis! Bawal ka diyan pumasok!" Narinig ko pa siyang sumigaw pero deretso lang ako.

O my goddd!!! Nag balik nako sa datiii!!

Hindi ako maka paniwala hindi nako aso at tinupad talaga nung bubwit na Victoria na yon yung sinabi niya. Tumalon- talon pa ako sa harap ng salamin, oh god! I miss my face! Tumagal ang pag titig ko sa salamin at nalimutan kong may kasama pa pala ako. Humarap ako kay arden na ngayo'y nalilito. Kahit kailan ang slow talaga nito.

"Arden! Ako na to! Si barbie." Natigilan siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ano to jinajudge niya ba ako?

"Ikaw?" Tumango ako sa kaniya. Bakit hindi ba kapani- paniwala? Sa ganda kong to?

"Pano nangyare yun?"

"Diba na tatandaan mo yung pinag usapan namin ni Victoria kanina? Na ibabalik niya ako sa dati ngunit sa gabi lang at ito na yun!" Saad ko sa kaniya at ngumiti. Kanina ko pa nahahalata ah panay titig niya saakin. Lumapit ako sa kaniya ng hindi siya kumibo winagay-way ko pa ang kamay ko sa harap niya. Tulala lang?

"Hoy!"

"Ha!"

"Bahala ka nga jan! Tulala ka na naman. Yes! Na miss ko ang katawan ko!" Huling saad ko bago tuluyan siyang iwan. Bahala nga siya sa buhay niya che!

Wansapanataym #1: I'm Barbie And I'm a puppy?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon