Chapter 3: new life

24 15 3
                                    


Barbie Pov's

Nang magising ako ay nakita kong wala na ang lalaki sa kinahihigaan niya. Tumalon ako papaalis sa kama at lumabas. Nang makalabas ako ay tinignan ko kong may tao ba. Napa tingin ako sa isa pang kwarto ng may narinig akong ingay dito. Pumasok ako at na datnan ko ang nagluluto.

'Wow, hindi ko alam na marunong pala siyang magluto.'

Tumalon ako pa akyat sa isang upuan. So kusina pala ito. Kala ko isa pang kwarto eh, kaya pala kahapon lumabas siya dito na may bitbit na plato. Habang hinihintay ko siyang matapos sa pag luto ay tinignan ko siya. Sa mansion namin hindi ko pa naranasan na magluto ng sarili kong pagkain may maid kasi kami and anong silbi ng maid kong hindi sila ang magluluto diba?napa maang ako sa nakita ko.  Itong lalaking ito ay parang bihasa na sa pagluto. Makikita mo naman sa paraan ng pagkilos niya. Nang matapos siya ay agad akong tumahol. Dahil duon ay nagulat siya at muntik ng mabitawan ang hawak niyang plato na may lamang pagkain.

"Puta!"

Ang bunga- nga ng lalaking to ang bulgar wala man lang filter eh! Inilapag niya ang bitbit niyang pagkain sa lamesa dito.

"Ikaw aso kaba o kabute ha?"

"Puppy ako at hindi kabute lalaki." Saad ko at nagulat ako dahil hindi na boses puppy ang boses ko.

Nakita kong namilog ang mata niya at napa atras siya. A-anong, bakit biglang naging tao ang boses ko? Agad akong bumaba sa upuan at pumasok sa kwarto at humarap sa salamin. Naging tao na ba ako? O my godd! Kanina ay ang saya ko dahil akala ko bumalik nako sa dati pero nang tignan ko ang sarili ko sa salamin ay ganun parin ang itsura ko. Bagsak ang balikat kong bumalik ako sa kusina kung saan ko iniwan ang lalaki.

"Hindi pa rin ako buma- balik sa dati."

Pagka balik ko sa kusina ay nadatnan ko pa rin ang lalaking parang tulala at naka tingin sa akin. Siguro shock rin siya katulad ko.

"Wag mo kong tignan ng ganiyan." Sabi ko at lumukso para bumalik sa dating  puwesto.

"A-nong klase k-ka bang n-nilalang ha?!" Dinuro pako nito at dahan- dahang tinuro sa akin kutsara na hawak niya.

" tao ano pa nga ba"

"Tao? Hindi mo ba nakikita ang sarili mo?" Tinigna ko siya. Oo, alam kong sa itsura kong ito hindi ako tao.

"Tao ako ngunit naging puppy lang sa hindi ko malamang dahilan." Natulog lang ako at pagka gising ayan isa na kong puppy.

"Pinagluluko mo bako?" Inirapan ko siya

"Ano sa tingin mo?" Napa buntong hininga siya at dahan dahang ibinaba ang hawak niyang kutsara. Siguro nga hindi siya maniniwala sakin. Umupo siya sa harap ko ngunit malayo ng kunti. Akala mo nama kakainin ah!

"Pano ka ba naging aso?"

"Puppy hindi aso." Tinignan ko siya ng masama tinaas naman niya ang dalawang kamay niya sinasabing 'ok'.

"Parehas lang naman yun eh." Umiling- iling ito.

"Hindi ko alam kung anong nangyare sakin dahil pagka gising ko heto isa na kong puppy." Napa isip siya ano nga bang ginawa niya at nangyare sa kaniya ito. Naka tingin lang ang lalaki sa kaniya at mukhang pinag aaralan siya. Sa tingin ko hindi siya naniniwala sakin.

"Hindi mo alam? Wala ka bang ginawa bago nangyare sayo lahat ng to?" Napa isip ako, ano nga ba? Inisa- isa ko lahat ng ginawa ko ng natigilan ako at napa tingin sa kaniya.

"Meron! Yung batang babae na may dalang puppy. Bago ako umuwi nagka banggaan kami at bahagya kong na hawakan ang puppy niya. Ang creepy niya nga eh." Kumunot ang nuo niya at makaraan ang ilang sandali ay bigla na lang siyang napa pitik sa ere. Anong nangyare sa lalaking to?

"Alam ko na baka ang batang yun ang may kagagawan sa nangyayare sayo ngayun!" Natawa ako ng kunti sa sinabi niya sa akin.

"Ang bata yun? Hindi, hindi niya yun magagawa. Nag papatawa ka lang ata." Natigil ang pag tawa ko ng nakita kong seryoso siya sa sinabi niya. Pe- pwede kaya iyon?

"Malay natin hindi siya katulad ng ibang bata."

"Kung siya talaga ang may kagagawan nito sakin kailangan ko siyang hanapin, pwede mo ba kong tulungan?" Nang sabihin ko yun ay napa tingin siya sa akin. Umiling siya at tumayo.

"Hindi maarami akong gagawin" Maraming gagawin? Eh halos parang tambay na lang siya dito, maghapong naka hilata.

"Tumambay lang naman ang ginagawa mo ah!" Napailing siya.

" kung tutulungan kita ano naman ang kapalit?" Alam ko na kung ano ang kailangan nito.

"Bibigyan kita nang pera." Naging maliwanag ang mga mata niya ng narinig ang sinabi ko. Tsk! Mukhang pera talaga.

"Deal!" Napa ikot ang mata ko.

"So saan tayo mag sisimula?"

"Sa pag hahanap sa batang babae." Kailangan naming mahanap ang batang babae para makabalik nako sa dati kong buhay.

Lumipas ang mga araw na hinanap namin ang batang babae pero kahit anong hanap namin ay di pa rin namin siya ma tagpuan. Kasalukuyan kami ngayun nasa paaralan. Iniisip kasi namin na baka nandito ang batang babae. Malay namin baka dito siya nag aaral.

"Kanina pa tayo dito pero diko man lang siya nakita." Baka hindi siya dito nag aaral. Tama si ano, ha ano nga ba ang pangalan ng lalaking to?

"Teka nga lang ano ba ang pangalan mo? Tagal na natin mag kasama pero di pa natin alam ang pangalan ng isa't- isa?" Natigilan siya at mukhang na pag tanto din niya iyon. Ang galing din noh, tagal ko nang na mamalagi sa kanila pero diko parin alam ang pangalan niya.

"Arden Louis Fernandez" lumuhod siya at pumantay sakin sabay abot ng kamay niya saakin. Inabot ko naman ito gamit ang isang kamay ng puppy.

"Barbie liliana Clint Sarmiento."

Nang wala ang hinahanap namin sa paaralan na yon ay agad naman naming pinuntahan ang iba pang paaralan para mag hanap. Akala ko madali lang hanapin ang bubwit na yon pero parang nag tatago ata sa akin ang bubwit na yon. Dumating ang hapon na hindi namin na kita ang batang babae. Nang makauwi kami  ay parang lantang gulay ako. Kailangan ko siyang mahanap sa madaling panahon. Hindi ko iniisip ang kompanya ko dahil nasa pangangalaga yun ni Sheryl. Iniisip ko na baka hindu nako makabalik sa dati kong anyo.

Wansapanataym #1: I'm Barbie And I'm a puppy?!Where stories live. Discover now