Chapter 7: last part

15 8 0
                                    


Barbie Pov's

Siya na ang huling taong hihingian ko ng tawad. Gabi ngayun at nandito kami sa isang fast food chain. Nasabi ni Sheryl na dito na daw nag ta-trabaho ang isa pang dating empleyado ko. Pumasok kami at naghintay duon. Kanina ko pa hindi na kikita na lumabas man lang siya. Inabot kami ng ilang oras kakahintay.

"Nandito ba talaga siya." Tumango ako. Naiilang ako sa pag titig niya kaya naman ibinuhos ko na lang ang atensyon ko sa labas. Ng biglang naagaw ng dalawang tao ang atensyon. Tila nag aaway ito. Napatayo ako ng makita ko kung sino ang isa sa taong iyon.

"I think nakita ko na siya." Napa tingin siya saakin at tumayo na rin.

Lumabas kami papunta kung saan naroroon ang taong hinahanap namin. Sa pag mamadali ko ay natapilok ako. Kahit kailan talaga ang clumsy ko! Mabuti na lang at may humigit sa akin kaya napayakap ako sa kaniya. Napatulala ako. Heto na naman ang malakas na pag kabog ng puso ko. Palagi niya na lang akong nililigtas.

"Ayus ka lang? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong niya sakin. Umiling ako. Mag sasalita pa sana ng marinig naming may sumigaw.

"Ilang ulit ka ng nagkamali sheena! Madami nang nabasag na pinggan ng dahil sa katangahan mo. Pasensya na pero your fired." Sigaw ng lalaki sa babaeng nakaupo ngayun sa kalsada. Umiiyak ito at parang hinang-hina.

Pumunta ako sa harapan ng babae at inabot ang aking kamay upang tulungan siya. Umangat ang tingin niya saakin. Nakita ko pang na bigla itong makita ako pero inabot niya pa rin ang nakalahad kong kamay.

"Ano pong ginagawa niyo dito? Kung pumunta po kayo dito para sabihan na ang tanga ko. Wag na po, kutang- kuta na po ako sa araw na to eh." Humagulgul siya sa harapan ko. Dapat talagang sisihin ako eh! Kung hindi ko sila tinanggal ay hindi nila maratanasan to. Lahat ng tao nasaktan ko dahil sa ugali ko.

"Hindi, hindi ka tanga sheena. Alam kong alam mong hindi ka ganun." Umiling siya sa sinabi ko.

"Hindi ho ma'am ang tanga ko po talaga. Pang ilang trabaho kona po kasi to simula ng maalis ako sa kompanya niyo at palagi na lang po akong naaalis." Humihikbi paring sabi niya. Umiling ako at hiniram kay arden ang cellphone niya. Nag taka pa ito pero binalewala ko na lang ito. Tinext ko si Sheryl na ibalik sa kompanya si sheena. Pag karaan ng ilang sandali ay bigla na lang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng pants niya. Tinignan niya ito at nanlaki ang mga mata niya. Tumingin siya sa akin.

"M-ma'am a-anong.." ngumiti ako ako sa kaniya.

"Im sorry sa lahat ng kasalan ko. Sana mapa tawad mo ko sheena." Tumango siya sa akin habang umiiyak. Hinawakan ko ang kamay niya na ngayon ay nanlalamig.

"Ayusin mo na ang sarili mo sheena dahil bukas ay may trabaho kapa. I'm sorry sheena and goodluck para bukas!" Masayang sabi ko sa kaniya. Hindi ako naka galaw ng bigla na lang niya akong niyakap. Naramdaman kong mas humagulgul siya ng niyakap ko siya pabalik.

"Hush! Everything will be ok"

Pauwi na kami ngayun at sobrang saya pala sa pakiramdam na makatulong ka ang gaan. Para kang lumilipad sa alapaap. Napa tigil ako ng magsalita siya.

"Ang saya mo ata." Nakangiti akong tumingin sa kaniya.

"Ang sarap pala sa pakiramdam no? Na makatulong ka sa taong na ngangailangan ng tulong." Tumango siya sa sinabi ko. Kanina ko pa nakita na para bang ang saya niya.

"Oo masaya nga." Dahan- dahan niyang pinat ang ulo ko na para bang aso. Sumimangot ang mukha ko itsurang tao na nga ko parang puppy parin ako sa kaniya. Pero nakakakilig HAHHA nakangiti ba naman siya saakin.

Nang makauwi kami ay agad kaming dumeretso sa tulugan ako sa kama siya naman sa banig. Nakakapagod pero worth it. Umaga na ng magising ako at bumalik na uli ako sa pagiging puppy. Nang magising ako ay may naririnig akong tawa ng dalawang tao. Sino yun? Tumayo ako at tumakbo papunta sa kusina.

"Namiss talaga kita den-den." Nabigla ako ng yakapin ng babae si arden. Sino ba tong babaeng to parang linta naman kung makadikit. Napa irap ako at lumapit sa kanila. Nang makita ako ni arden ay agad siyang kumawala sa pagkakayakap ng babae at lumapit sa akin.

"Kamusta ang tulog mo liliana?" Imbis na sagutin siya ay nilagpasan ko siya at pumunta sa labas ng bahay. Bahala siya sa buhay niya! Tumagal ako ng isang oras sa labas. Ano kaya ang ginagawa nila ngayun? Mabuti pa tignan ko. Pumasok uli ako at nagulat ako sa nakita ko. Naka kandong ang babae kay arden at Magkalapit ang mga mukha nila na kunti na lang ay maghahalikan na sila.

'What the fck!'

Ba't ang sakit? Nang makita ako ni arden ay agad niyang tinulak ang babae paalis sa kandungan niya at agad na nag lakad papalapit sa akin. Umiling ako at tumakbo papalabas--papalayo sa bahay. Ganito ba talaga ang sakit kapag nagamamahal ka? Hindi ko man sabihin talagang nahulog na ako kay arden ang unang lalaking nakakuha ng first hug and kiss ko. Ang swerte niya. Tumakbo ako ng tumakbo habang umiiyak. Ang sakit- sakit! Dahil sa malabo ang mga mata ko ay may nabunggo ako.

"Nag kita ulit tayo Barbie." Napa angat ang tingin ko sa nag salita.

"Victoria. "

"Ako nga Barbie." Umayos ako ng tayo. Ang dugyot ko na hyst! Mabuti pa isantabi ko muna ang problema ko sa ibang bagay.

"Victoria lahat na nagawa ko. Lahat na sila ay nahingian ko na ng tawad pwede mo na ba akong ibalik sa dati ko?" Ngumiti siya pero kalaunay umiling siya. Bakit? Lahat na ay naitama ko na? Bakit hindi parin pwede.

"Hindi pa lahat, may isang tao ka pang hindi napapatawad at hinihingian ng tawad." Isang tao pa? Sino? Wala nakong ibang kilalang nagawan ko nang kasalanan.

"Sino?"

"Ikaw lang ang may alam niyan barbie. Oo nga pala bago ko makalimutan. Kailangan mong matapos ang misyon mo bago dumating ang full moon dahil sa oras na hindi mo natapos at dumating na ang full moon magiging isang ganap ka ng puppy." Bigla na lang parang bumagal ang pagalaw ng mga bagay. H-hindi, hindi ako pwedeng maging puppy habang buhay. Hindi ko pa nga nararanasan na magawa lahat ng gusto ko.

Lutang akong naglakad kong saan. Pano kapag naging puppy na nga ako ng tuluyan. Sino na lang ang hahawak ng company? Sino na lang ang magpapa sweldo sa mga empleyado ko? Pano kong mawalan sila ng trabaho ulit? Napaiyak na lang ako sa gilid ng kalsada mas lalo akong napaiyak ng maalala ko ang nangyare kanina. Siguro tama ako na may girlfriend na siya. Ang tanga ko rin kasi eh mag kakagusto na lang sa may sabit pa! Mabuti siguro tanggapin ko na lang na hindi na ako magiging tao pa. Tumayo ako sa pagkakaupo at nag lakad. Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako sa gitna ng kalsada. Nabigla na lang ako na may paparating na palang sasakyan.

Bumagal lahat ng pag andar ng mga bagay. Pati ang paglapit ng sasakyan sakin. Mamamatay bako ng maaga? Bumalik sa dati ang lahat ng bigla na lang may yumakap sa akin at gumulong gulong kami sa gitna ng kalsada. A-nong nangyare? Nanlalabo na ang mata ko dahil sa pagod at pagtama ng katawan ko sa semento. Isang lalaki ang pilit na tinatawag ako.

"Liliana! Liliana gumising ka!" Alam kong siya yun dahil kapag nasa panganib ako palagi siyang na diyan para sagipin ako. Bago tuluyang dumilim ang lahat ay ngumiti ako.

"Arden..."

Wansapanataym #1: I'm Barbie And I'm a puppy?!Where stories live. Discover now