Epilogue

10 8 0
                                    

"Good morning ma'am Barbie!"

" Good morning Ma'am!"

Pababa na ako ngayun sa building dahil nasa baba na ang sundo ko. Isang taon na rin ang lumipas ng matapos ang lahat ng pangyayaring yun. Ngayun ay binago ko na ang buhay ko hindi na ako tulad ng dati. Hindi na rin masama ang pakikitungo ng mga empleyado ko saakin.

"Good morning ma'am barbie!" Dinig kong bati ni amanda kasama si lily. Masaya na rin silang nag tatrabaho dito sa kompanya ko. Ang sarap palang walang taong may galit sayo.

Nang makababa ako ay agad mung hinanap ang taong yun. Nakita ko siyang nakasandal sa kotse at hawak hawak ang susi ng kotse. Tagal na pala ng una ko siyang nakilala at nakita. Ang saya ko ng dumating siya sa buhay ko. Ngayun ay wala na akong mahihiling pa.

"Love, let's go?" Tumango ako. Hinawakan ko ang kamay niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse. Napag pasyahan namin na kumain muna bago kami dumeretso sa park para mag pahinga.

Lumipas ang oras at hapon na kaya agad kaming dumeretso sa park ng matapos kaming kumain. Umupo kami sa upuan sa may ilalim ng puno. Ang saya na ng buhay ko. Hindi tulad nuon ay parang palaging may kulang.

"Love, alam mo ba diko inaakalamg magiging akin ka." Napakunot ang nuo ko

"Bakit naman?"

" sa taray mo ba naman at sa taas mo hindi ko na hiniling na maging akin ka nuon. Parang ang hirap mo kasing abutin." Niyakap ko siya.

" mahirap abutin? Eh bakit ngayun andito nako sa tabi mo?" Niyakap niya ako na may panggigigil na kasama. Tinapik ko ang kamay niya dahil hindi na ako masyadong makahinga dahil sa higpit ng yakap niya. Inaya ko na lang siya na mag lakad- lakad. Natigil kami ng makita namin ang isang pamilyar na pigura.

"Kamusta na kayo barbie at Arden?" Ngumit ako sa kaniya.

"Heto bagong buhay na simula ng parusahan mo Victoria." Tumawa siya sa sinabi ko.

"Nagawa mo barbie, nagawa mong matagumpayan ang pagsubok na ibinigay ko. Binabati kita." Dahil s kaniya nabago ang buhay ko at syempre dahil sa kaniya nakilala koang lalaking nasa tabi ko.

"Maraming salamat sa lahat bubwit." Sinamaan niya pa ako ng tingin bago ako nginitian.

"Salamat Victoria. " ngumiti si Victoria saaming dalawa.

"Oh siya aalis na ako. Meron pa kasi akong bagong tuturuan ng leksyon. Hanggang sa muli. Kahilingan ko ay maging maganda ang pagsasama niyo. Paalam." Unti- unti na siyang nag laho hangang sa nawala na siyang tuluyan.

"Paalam.."

Nangyari ang lahat sa diko inaasahan. Natulog lang ako pero pag gising ko isa na akong puppy. Sa mga nangyaring yun ay madami akong natutunan. Natutunan kong wag palaging unahin ang init ng ulo. Natutunan kong wag manglalait at manliliit ng tao. May mga leksyon akong natutunan. Sa mga nangyari ay nagawa kong baguhin ang ugali at buhay ko. Nag papasalamat narin ako dahil nakilala ko ang taong nagpapasaya sa akin ngayun. Tinignan ko siya at niyakap ng mahigpit bago kami tuluyang lumisan. Ngayun gusto kong baguhin ang lahat ng pagkakamali ko hindi pa naman huli diba? Ako si Barbie  liliana Clint Sarmiento at dito nagtatapos ang aking munting kwento, hanggang sa muli....

Wansapanataym #1: I'm Barbie And I'm a puppy?!जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें