Chapter 5: Mission

21 14 1
                                    


Barbie Pov's

Ano kaya ang ibig sabihin nang bubwit na yun?

Ang aga- aga yang agad ang pumasok sa isip ko. Kailangan ko nang gumawa ng paraan hindi ako pwedeng tumagal sa katawang puppy nato.

"Oh tulala ka na naman diyan? Ano na naman ang problema mo liliana?" Sinamaan ko siya ng tingin. Pa ulit- ulit ko ng sinabi sa kaniya na wag niya kong tatawagin sa second name ko!

"Napapa- isip pa rin kasi talaga ako sa sinabi ng bata yun." Naupo siya sa bangko kung saan ako naka- upo. Ano ba kasing ibig sabihin ng mga salitang yon?

"Ano bang sabi niya?"

"Kailangan ko daw itama ang mga pag kakamali ko." Ano ba ang ginawa kong mali? At itama?

"Kung kailangan mong itama ang pagkakamali mo dapat mong simulan sa paghingi ng sorry." Sorry? Ako mag so-sorry? No way, high way!

"No!"  I will never do that

"Ang taas din ng pride mo no? Sige ikaw bahala baka hindi kana bumalik sa dati at maging aso kana habang buhay." A-ayuko nga! Iniisip ko pa lang parang hindi ko na kaya. he grinned. Kahit pala tambay ang lalaking to may itsura pala siya. Kung hindi lang ako aso ay nako patay sakin to. Ang gwapo ba naman kasi. Maputi siya at kapag ngumi-ngiti lumalabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi.

"Hoy! Abat pinag papantasyahan ata ako ng asong to." Na balik ako sa realidad. Sheshh! Ano ba tong iniisip ko.

'Iling-iling'

Hindi mali ang iniisip mo. Naging aso kana nga barbie lumalandi kapa. Pero kasiii! Pakiramdam ko namumula ako. Arghhh! Oo na crush ko na siya, hanggang crush mona! Ang kailangan kong unahin ay ang makabalik ako sa dating anyo ko. I miss my house and my bed!

"H-hindi kita pinag papantasyahan noh?! Nag iisip lang ako ng paraan." half right, half wrong.

"Talaga?" Sabay lapit ng mukha niya saakin. Ano ba!

"O-oo nga. Mabuti pa tulungan mo na lang akong hanapin ang mga taong kailangan kong hingian ng tawad" Sabay iwas ng tingin. Shock! Kapag ako na fall lagot ka!

"Sino ba uunahin natin?" Sino nga ba? Ang dami kong kasalanan pero alin ba dun? Ilang sandali ng pag- iisip ay bigla na lang may pumasok sa utak ko na isang senaryo.

Traffic  dito sa dinaanan namin, kailangan ko pa naman mag madali dahil baka malate ako sa oras ng trabaho. Tinanong ko si kuya kung ano ang dahilan bakit traffic sa dinaanan naming kalye.

"Ma'am, may isa po kasing matandang tumatawid na may dalang kariton." Tinignan ko ang unahan. Nakita niyang red light na bat pa siya nandiyan. Binaba ko ang salamin ng sasakyan at dumungaw.

"Hey! Manang! Can you move! Nakakaharang kana sa dinaraanan eh! Paki- bilisan naman!" Sigaw ko at umayos na ng upo. Stress na naman! Nang umandar na ang kotse ay nadaanan pa namin ang matanda at kariton nito. Nakatingin ito sa akin at umiling. 

"Alam ko na! Yung matanda duon sa high way!" Siya nga! Siguro siya ang una kong pupuntahan. Matagal ko nang gustong puntahan ang matandang na sigawan ko noon pero wala akong oras. Siguro ngayun na ang tamang oras para duon.

"Alam mo ba kong saan nakatira ang matandang yon?" Napailing ako. Hindi ang alam ko lang ay palagi siyang naduruon kapag nag tatanghali.

"Hindi, pero ang alam ko palagi siyang naroon sa gilid ng high way." Tumango siya. Hindi ko talaga siya  maiwasang tignan.

Wansapanataym #1: I'm Barbie And I'm a puppy?!Where stories live. Discover now