Chapter 9: full moon

12 8 1
                                    


Barbie Pov's

"Alam kung problemado ka pero kailangan mo paring mag pahinga." Umiling ako paano ako magpapahinga kung bukas na ang full moon.

"Alam ko na ang taong tinutukoy niya Arden." Hindi siya maka paniwala na tumingin sakin.

"Talaga?! Edi mabuti para mapuntahan na natin." Umiling ako.

"bakit?"

"Dahil hindi ko pa kaya." Bumuntong hininga siya.

"Sino ba ang taong yan at hindi mo kayang harapin?" Ngumiti ako ng mapait.

"Ang mom ko, ang taong nang iwan samin ng daddy ko." Parang may kumirot sa puso ko ng sabihin ko ang mga salitang yun. Kaya ko naman siyang harapin pero patawarin? Hindi ko alam.

"Siguro ito na ang oras para harapin at patawarin siya." Desisyon ka te? Paano?

"hindi ko pa kaya" hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko. Sa paraang yun ay para bang kumakalma ako.

"bakit ba hindi mo magawang patawarin siya?"

"Dahil sa ginawa niyang  nuon saamin ni daddy, iniwan  niya kami at hinayaan magdusa" iniwan niya kami at hindi na binalikan. Umasa pa naman ako at naghintay sa pagbabalik niya pero pinaasa niya lang ako. Pinaghintay niya lang kami ni daddy sa wala.

" hindi mo na ba siya mahal?" Natigilan ako sa tanong niya. Hindi na ba? Hindi ko masabi ang nararamdaman ko. Siguro hindi ko masabi o ayaw ko lang talagang sabihin.

"Pareho lang naman kayong nasaktan, hindi niya man sabihin ay alam ko nasasaktan din siya" siya? Nasaktan? Siguro nga.  Ilang taon na rin ang lumipas siguro panahon na para harapin ko ang pilit na tinataguan ko.

Tinawagan ko si Sheryl at tinanong kung saan nakatira ang taong na ngangalang Melinda Sarmiento. Madali naman nahanap ni Sheryl kung saan ito nakatira. Madami kaming connections kaya easy na lang ang pag hahanap. Pinuntahan agad namin ang binigay na Address ni Sheryl. Nakarating kami sa isang may kayang bahay. Hindi siya malaki pero masasabi mong maganda ito. Pumunta sa gate si arden at nag doorbell. It's 3 in the afternoon. Bumukas ang pinto at lumabas ang taong matagal ko nang hindi nakikita, ang nanay ko. Bakit parang pumayat siya?

"Anong kailangan mo hijo?" Naka ngiti siya samin ngayun. Ilang taon na rin ang lumipas mula ng nakita ko siya ng harapan, yun nga lang ang pinagkaiba lang ay noon ay tao ako ngayun ay puppy ako.

"Kayo po ba si Melinda Sarmiento?" Nag tataka siyang tumango.

"Ako nga hijo? Bakit anong kailangan mo?" Pinapasok niya kami sa bahay niya.

"May gusto lang hong kumausap sainyo." Mag isa lang ba siya dito? Ang tahimik rinig na rinig mo sa mga sulok ng bahay ang ingay ng sapatos kapag humahakbang sila.

"Sino ba ang gustong ko mausap saakin?" Nag bigay daan si arden para makita ako ng kausap niya. Napakunot ang nuo niya.

"Aso? Pinagluluko mo ba ako iho?" Napa iling si arden.

"Excuse me! Anong akala mo saamin mangluluko? Puppy lang ang itsura ko pero tao ako!" Sigaw ko at nakita kong namilog ang mga mata niya. Bigla siyang napahawak sa nuo at natumba. O my god!

"Putchang gala! Ba't mo binigla! Ayan tuloy nawalan ng malay." Umiling na lang ako. Hindi ko kasalanan kong magugulatin siya. Binuhat niya ito at nilapag sa sofa. Shesh! Ang biceps! Nag gy-gym ba tong lalaking to? Ang tigas ng ano eh, ng katawan ano ka ba.

"Pano to mamaya pa to magigising." Umakyat ako sa isa pang sofa at umupo.

"Edi hihintayin natin siyang magising." Lumipas ang ilang minuto at nagising nang tuluyan ang kanina pa namin hinihintay. Umupo ito at napahawak sa nuo. Tumingin ito saakin at lumayo ng kaunti.

"Sino ba kayo ha?! Ba't ka nakakapagsalita?" Tinuro niya pa ako.

"Ah nay, gusto ko po munang magpakilala sainyo. Ako po si Arden Louis Fernandez at ito po si.. si barbie clint Sarmiento." Nakita kung natigilan ito ng marinig ang pangalan ko. Siguro ngayun natatandaan mo na ang batang iniwan mo nuon. Nanlalaki ang mata nitong tumingin sa akin.

"Barbie?" Ngumisi akong pero napangiwi rin.

"Ako nga." Tumayo ito at lumapit saakin. Umupo ito ng kapantay sa akin.

"Anak, barbie, kung ikaw nga yan anong nangyari sayo nak?" Sa iba ako tumingin nakita ko sa orasan 5 na ng hapon mag gagabi na. Ngayun ko na lang narinig sa kaniya ang katagang yun. Anak.

"Wag mo nga akong tawaging anak nakakaasiwa eh, may nagparusa sa akin kaya ako naging ganito." Bumalatay sa mata niya ang lungkot. Nakita kong may isang butil ng luha ang tumulo sa isang mata niya.

"Anak, matagal ko nang hinihintay na dumating ang araw na ito. Gusto kong sabibin sayu na hindi ko sinasadya na iwan ka." Umilag ako ng tinangka niya akong hawakan.

"Hindi mo sinasadya na iwan ako?! Iniwan mo kami ni daddy at hindi na binalikan. Hindi ko alam kung pano kita mapapatawad. Ang sakit ng ginawa mo! Nang mamatay ang daddy nasan ka? Diba wala? Ni hindi manlang kita nakita sa burol ni dad. Wag na wag mokong hawakan. Wag mo rin akong tawagin na anak, dahil simula ng iwan mo kami tinalikuran mo narin ang pagiging ina at asawa mo." Napahagulgul siya. Pilit niya akong niyakap. Pilit din akong umaalis sa pagkakayakap niya.

"A-anak, I-I'm sorry. Hindi ko aakalaing masasaktan ka ng ganito. Hindi ko ginusto na iwan kayo pero yun ang gusto ng daddy mo. Iniisip niya kasi na may lalaki ako at lahat na lang na kasama ko ay pinagseselusan niya. Akala ko nun hanggang duon lang yun pero hindi! Umabot na sa puntong sinasaktan niya na ako. Dumating na sa puntong napagod na ako. Napag pasyahan kong umalis at isama ka pero kinuha ka saakin ng daddy mo. Sinabi niya na makakaalis lang ako sa bahay kung iiwan kita. Wala na akong magawa nun anak! Umalis ako ng hindi ka kasama pero pinangako kong babalikan kita." Humagulgul siya pati ako ay umiiyak na rin.

" pero bakit hindi mo ako binalikan?" Hindi ko mapigilan ang pag iyak ko. Napa tingin ako sa labas paunti- unti ng dumilim.

"Binalikan kita. Pero palagi na lang akong hinaharang ng daddy mo. At nung namatay ang daddy mo ay nandun ako pero hindi ako nag pakita saiyo dahil natatakot akong hindi mo ako tanggapin. Anak, i-i'm sorry. Sana patawarin mo ako. Hindi ko ginustong iwanan kayo." Hindi ko alam pero yung galit na kanina ay nararamdaman ko ay napalitang ng awa. All this time akala ko ang may kasalanan ay ang Mommy ko pero yun pala ay ang daddy ko.

"M-mom, im sorry din po. Hindi ko alam na yu  pala ang pinagdaanan niyo kay daddy." Gamit ang isang kamay ko ay niyakap ko siya pabalik. Sa ganoong paraan ay parang puso ko na mismo ang nagpatawad. Napapikit ako ng lumiwag ang paligid. Napamulat ako at napatingin sa katawan ko gayundin sa labas. Gabi na! At bumalik na ako sa dati. Nakita kong nagulat si nanay pero niyakap ko nalang siya. Namiss ko ang yakap niya. Kumalas ako at hinanap si arden. Nang makita ko siya ay Tumayo ako at lumapit at niyakap siya. Ngayung maayos na ang lahat ay gagawin ko ng maganda ang pakikitungo ko sa iba. Hindi ko na uulitin ang masasama kong ginawa. Lumapit saamin si Mommy at niyakap kaming dalawa.

Wansapanataym #1: I'm Barbie And I'm a puppy?!Where stories live. Discover now