Chapter 8: acceptance

13 9 0
                                    


Barbie Pov's

Nagising ako sa sakit ng katawan ko. Parang binugbog ng maraming tao ang katawan ko. Ang sakit! Ano ba ang nangyari? Kinapa- kapa ko ang sarili ko at napag tantong tao na naman uli ako. Dahan- dahan kong inalala ang lahat nangyare  at bigla akong napa balikwas. Kamusta kaya siya? Hindi ba siya nasaktan?

"Gising kana pala?" Napatingin ako sa kaniya.

Meron siyang mga galos sa may siko at parang nanghihina siya. Dahil na naman ba saakin? Nakuha niya siguro yan sa pag ligtas niya sa akin. Napayuko ako gusto ko siyang kausapin pero kapag naaalala ko ang nangyare kanina parang nanghihina ako. Yung tungkol sa pinag usapan namin ni Victoria at duon sa nakita ko. Ang sama ba talaga ng ugali ko? Para maranasan ko ang lahat ng to? Siguro nga dahil hindi naman to mangyayare kung hindi.

"Bakit hindi ka nagsasalita? May masakit ba sayo?" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya saakin. Pls! Ayuko munang makausap ka.

"Kausapin mo naman ako oh. Saan ba ang masakit sayo liliana?" Umiling ako kahit sa totoo ay masakit talaga lahat ng katawan ko. Malambotang boses niyang tanong saakin. Sa konting ganiyan mo lang parang mapapaamo na naman ako.

"Nasaan na pala yung babaeng kasama mo?" Natigilan siya ng tanungin ko ang bagay na yun. Dapat ba ang tinanong ko kung nasaan na ang girlfriend niya? Bumuntong hininga siya.

"Umuwi na siya." Ilang oras kami natahimik makalipas ng magsalita siya.

"Bakit hindi mo man lang pinatagal ang girlfriend mo dito? Para naman nakilala ko siya" Nakita kong namilog ang mata niya. Siguro nagulat siya dahil alam ko nang may girlfriend siya. Aww! Ang sakit naman.

"A-anong sinasabi mo? Hindi ko siya girlfriend." Napatingi ako sa kaniya ng mabilis. Hindi niya girlfriend ang babaeng linta na yun?

"Hindi mo girlfriend pero bakit ganon na lang yun makakapit yun sayo?" Muntik ko nang kurutin ang sarili ko. Ba't mo yun tinanong?! Para kang nagseselos na walang karapatan!

"Kaibigan ko lang ko lang yun--sandali nagseselos kaba?" Agad akong umiling. Hindi! Ba't naman ako magseselos sa linta na yun. Hindi!

"Oo!" Tanga!

"I- imean h-hindi!" Lumikot ang mata ko. Ba't kasi ang daldal ng bibig nato! Nagulat ako ng higitin niya ako payakap.

"Hindi ka naman dapat mag selos eh."

"Dahil ba sa wala akong karapatan? Hindi ko mapigilang mag selos sa taong gusto mo. Dahil sa.. nagugustuhan na kita." Natigilan siya at para bang hindi makapaniwala. Humarap siya sa akin na may malaking ngiti.

"Bakit ka naman mag seselos sa taong gusto ko?" Dahil nga gusto kita! Minsan slow ka rin!

"Bakit ka naman mag seselos sa sarili mo?" Ano daw? S-sa sarili ko? Naluluha akong tumingin sa kaniya.

"Ikaw ang gusto ko liliana, walang iba" totoo ba to? Worth naman pala yung pag o-overthink ko eh. Iyak- iyak pako kanina sakin naman pala talaga siya. Para akong tanga dito! Niyakap ko diya ng mahigpit

"Shit! Putsa kailan pako naging korny?" Natawa na lang ako sa ibinulong niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. Naalala ko ang pinagusapan namin kanina ni Victoria. Dalawang araw na lang ay mag fu-full moon na. Sino ba kasi ang isang taong yun? Sino pa ba?

"Oh, bakit naging malungkot ka ata? May problema ba?" Tumango ako.

"Nakausap ko kanina si Victoria. Nasabi niya sa akin na kailangan kong matapos ang misyon ko bago mag full moon dahil kapag hindi tuluyan nakong magiging isang puppy." Ngumiti ako ng malungkot sa kaniya. Na para bang sinasabi na maaayos rin to.

"Bago mag full moon? Eh dalawang araw na lang ang full moon ah? Saka akala ko ba tapos muna ng hingian lahat ng taong nagawan mo ng kasalanan?" Umiling ako. Yun nga rin ang akala ko eh. Kala ko magiging tao nako pero hindi pa rin pala.

"May isang tao pang hindi ko nahihingian ng tawad." Niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam ko ang pag papagaan niya ng loob ko.

Kasalukuyan akong nasa labas ng bahay. Iniisip kong sino ba ang taong tinutukoy ni Victoria. Isipin mo barbie kung sino pa ang taong nagawan mo ng kasalanan. Pa unti- unti ay parang nawawalan nako ng pag- asa na makabalik pako sa dati. Siguro nga ito ang kaparusahan ko sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Nagulo ko ang buhok ko. Napahawak ako sa leeg ko ng hindi ko sinasadyang mahawakan ang kwintas na may simbulong sunflower.

Ang kwintas kong ito ay bigay pa ng taong ayoko na sana pang maalala. Nandito pa pala to? Akala ko natanggal ko na at napalitan ko na to. Nasan na kaya siya? Nag aalala kaya siya sakin? Naaalala pa niya kaya ako? Siguro hindi nagawa niya nga akong iwan eh. Sakaka isip ko may mga salitang pumasok sa isip ko.

'Hindi pa lahat, may isang tao ka pang hindi napapatawad at hinihingian ng tawad'

Ang tanga ko! Ang lapit- lapit na pero hindi ko nakita. Siya ang taong tinutukoy niya siya ang taong kailangan kong puntahan. Siya yon, ang nanay ko. Pero kaya ko na ba siyang makita at patawarin? Kapag naaalala ko ang nangyare noon ay nasasaktan pa rin ako.

"Mom, saan ka po pupunta?" Tanong ko habang nakita kong nagiimpake pa rin siya ng gamit niya.

"I-I'm s-sorry baby. Aalis muna si Mommy ah? Pero pangako babalikan kita" niyakap niya ako ng mahigpit na para bang ayaw niya akong bitawan. Ngunit binitiwan niya parin ako at hindi na binalikan pa.

Bata palang ako noon at hindi ko pa alam ang nangyayari sa loob ng bahay namin. Ang alam ko lang ay palaging nag aaway noon ang Mommy at daddy ko. Akala ko normal na away lang pero diko inakalang hahantong ito sa hiwalayan nila. Akala ko may pupuntahan lang ang Mommy at babalik rin pero lumipas na ang ilang araw umabot ng buwan at taon pero dina niya ako binalikan. Yung yakap na binigay niya sa akin, huli na pala yun. Nag dalaga nako't lahat hindi ko pa rin siya nakita. Kaya mula noon sinumpa ko na kapag nagkita kami ay hinding- hindi ko siya papatawarin, At nangyare nga. Kakamatay lang ng daddy ng nag pakita siya, sa sobrang inis ko ay pinaalis ko siya. Kahit kailan ayaw ko na siyang makita.

Wansapanataym #1: I'm Barbie And I'm a puppy?!Where stories live. Discover now