Chapter 6: Mission part 2

20 10 1
                                    


Barbie Pov's

Maaga akong nagising sa diko malamang dahilan. Parang kinakabahan ako ngayun, parang may mangyayareng masama. Hyst! Siguro nag o-overthink lang ako. Napag usapan  naming gabi na lang namin hahanapin ang mga taong kailangan kong hingian ng tawad. Sa gabi lang kasi ako nagiging tao. Kapag sa umaga naman kasi naman hahanapin ang mga taong yun ay hindi ko rin sila makakausap dahil anyong aso ako. Pagod na pagod ako gusto kong matulog muna. Kakatapos na rin naming kumain ng tanghalian at wala na rin kaming kailangan gawin. Pumunta ako sa kwarto at naabutan ko duon naka higa si arden at natutulog sumampa ako sa kama paharap sa kaniya.

Sa ilang linggo naming pagsasama meron akong mga leksyon na napag- aralan. Meron akong naramdaman na hindi naman dapat. Hindi pa namin kilala ang isa't isa pero parang nahuhulog nako. Kailangan kong pigilan ito, pero paano? Na pa buntong hininga ako at humiga katabi niya. Nung araw na nag palit ako ng anyo mas minabuti niya na dito na lang ako matulog at duon siya sa sala. Humarap ako paharap sa kaniya. Hindi ko nga alam kung may girlfriend siya eh. Baka meron umaasa pa naman ako. Habang naka tingin ako sa kaniya ay bigla na lang pumikit ang mga mata ko at tuluyan ng naka tulog.

Nagising ako ng may mabigat na kamay ang naka yakap sakin. Ang higpit, para bang ayaw akong paalisin. Tumagilid ako at minulat ang mata. Nang laki ang mata ko ng nakitang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nabigla rin ako ng malaman kong naka pagpalit na pala ako ng anyo, ngayun ay tao na ako. Ngunit wala duon ang atensyon ko. Kunti na lang ay mahahalikan ko na siya. Dahan-dahan akong umusog papalayo dahil isang maling galaw ko lang baka may hindi magandang mangyare. Ngunit diko inaasahan na hihilahin niya ako papalapit sa kaniya kaya ang ending naglapit ang aming mga labi. Oh myy! Hindi ako makagalaw. I'm totally shock! Nakita kong namulat ang mga mata niya at kagaya ko ay nagulat rin siya, pero mas nauna siyang nakagalaw sa akin lumayo siya at naupo. Nang kumalma ako at na ka galaw na ay bigla akong akong tumayo papaalis sa kama. Nakita ko pang umigting ang panga niya at ginulo ang buhok. Ba't ang gwapo niya?

"I'm sorry, h-hindi ko sinasadya akala ko kasi unan lang ang kayakap ko." Huminga ako ng malalim bago mag salita.

"H-hindi ayus l-lang. S-sige alis na ko." Kumaripas ako ng takbo papalabas ng kwarto. Kulang na lang tumili ako sa nararamdaman ko ngayun.

'O myyyy good! Ang first kisss kooo!'

Nag lalakad kami ngayun dito sa may kalye papunta kami ngayun sa bahay ng dalawang dating empleyado ko. Sila kasi ang susunod kong pupuntahan. Sila yung na tanggal ko sa trabaho dahil nakikita kong nag chi-chismissan. Kanina pa kami walang kibuan. Kapag nag kakatinginan ay agad na mag iiwasan. Napailing na lang ako.

"Saan daw ba ang bahay ng dalawang naging empleyado mo?" Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Tinanong ko si Sheryl kung saan ang bahay ng dalawang dating empleyado ko kaya nalaman namin kung saan kami dapat pumunta.

"D-diyan daw sa may kanto." Tumango siya.

Nang narating namin ang bahay na sinasabi ni Sheryl ay kumatok kami ng tatlong beses. Matagal bago bumakas ang pinto. Dito daw na ngungupahan ang dawalang yun. Bumukas ang pinto at sumilip ang isang tao, si amanda. Kasunod naman nitong lumabas ang isa pang tao, si lily. Nang makita nila ko ay agad nila kong tinaasan ng kilay.

"Bakit ka nandito?" Naka pameywang na sabi ni amanda. Alam kong malaki talaga ang galit nila sa akin kaya di na ako magtataka na ganiyan ang ugaling pinakita nila. Iginaya nila kami papasok sa bahay nila.

"Pwede ko ba kayong makausap?" Tumawa sila na mapang asar. Kailangan ko silang pag pasensyhan.

"Para saan pa? Pinaalis mo na kami diba? Ikaw ang may dahilan kong bakit ganito na ang buhay namin ngayun!" Galit na sigaw ni lily. Pilit naman siyang pinapakalma ni amanda.   Mahaba ang pasensya ko i think so.

"Nandito ako para humingi ng tawad sainyo at hindi maki pag away." Nakita ko sa mga mata ni lily na galit talaga siya sakin. Habang si amanda naman ay parang kalmado pa. Sa tingin ko ay parang hindi masyadong galit saakin si amanda.

"Hihingi ng tawad? Sa ugali mong yan na parang demonyo ay hindi ako naniniwala. Isa kang monster diba!" Yun! Im done! Tapos nako mag timpi.

"Bakit ba galit na galit kayo sa akin ha?! Kayo naman ang may kasalanan kong bakit na tanggal kayo diba?" Mas lalo siyang nagalit sa sinabi ko susugudin niya sana ako ng humarang sa harapan ko si arden at tila pino-protektahan ako.

"Ang lakas rin talaga ng loob mo noh? Kasalan mo dahil kung hindi mo kami pinaalis edi sana ok pa ang buhay namin ngayun. Nag hirap kami ng dahil sayo." So bakit lahat sa akin ang sisi?

"Ito lang para malinawan kayo ha? I fired you because of your action! Tinanggal ko kayo dahil sa maling ginawa niyo. Akala niyo ito-tolerate ko ang maling ginawa niyo. Kayong dalawa ay nag chi-chismissan lang naman sa gitna na ng trabaho, at isa pa! Yung panglalait niyo sa akin na malinaw kong narinig ! I hired you because kailangan ko ng empleyado hindi ng mga taong pag chi-chissmisan ako! Now! Sabihin niyo sa akin bakit parang kasalanan ko lahat ng nangyari sainyo ha?!" Hingal akong huminto sa pag sasalita or masasabi nating sigaw. Nakita kong lahat silang tatlo ay nagulat ng sumigaw ako. Diko na kinaya eh! God nagtitimpi ako pero di ganon katagal.

"U-uhm"

"So, kagaya ng sinabi ko kanina pumunta ako dito para humingi ng pasensya. Kaya pwede ba mahinahon lang tayong magusap?" Huminga ako ng malalim. Inayos ko ang postora ko.

"Ok. Sige" saad ni lily sa mahinahon na paraan. Nakita kong kumalma na sila. Siguro na natamaan sila at napag tanto ang lahat ng sinabi ko.

"I'm sorry sa lahat ng kasalanang ginawa ko sa inyong dalawa. Hindi ko gustong paalisin kayo pero nangyare na. Sana patawarin niyo ko sa nagawa ko. Pangako, babawi ako sa lahat ng masamang nagawa ko."Buong pusong saad ko. For the second time naramdaman ko na naman ang guilty. Huminga sila ng malalim bago nag salita.

"Sorry rin ho ma'am sa nagawa naming pagsigaw sayo kanina at sa hindi magandang pag tanggap sa tahanan namin." Ngumiti ako kay amanda dahil sa sinabi niya. Nakita ko pang siniko nito si lily. Bumuntong hininga si lily bago tumingin sa akin.

"I-I'm sorry rin ma'am barbie. Nadala lang ako nanv emosyon ko dahil sa hirap na dinanas namin simula ng paalisin mo kami sa kompanya." Ngumiti ako at niyakap sila isa- isa. Habang nag uusap usap kami ay bigla na lang tumunog ang cellphone ng isa sa kanila. Sinagot nila ito at nanlaki ang mata nila ng tumingin sila sa akin.

"Thank you po ma'am! May trabaho na uli kami! Thank youu po!" Masayang masaya nilang sabi. Tumalon- talon pa sila. Kanina bago kami pumunta dito ay tinawagan ko si Sheryl at sinabing tawagan ang dalawang empleyadong tinanggal ko at ibalik sila sa serbisyo.

Wansapanataym #1: I'm Barbie And I'm a puppy?!Where stories live. Discover now