CHAPTER 1

782 12 1
                                    

Remember the first day, the first day we kissed?
Remember the first day we had an argument?
We apologized and then we compromised
And we haven't argued since.

-DESTINY'S CHILD

KAORI LUNA MONTES

Kinabukasan naalimpungatan siya sa mahihinang katok sa pintuan ng kanyang kwarto. Tinatamad man siya ay bumangon pa rin at pagbuksan ang taong kanina pa ata nakatok. Nahagip niya sa orasan na alas diyes na pala ng umaga. Grabe haba ng tulog niya kung ganun.

"Wait",na-lock nga pala niya ang pinto kagabi. Pagbukas ng pintuan ay si kuya Sammie ang bumungad na nakangiti at bakas sa mukha nito ang saya pagkakita sa kanya.

"Welcome back! Bunso",mahigpit naman siya nito ng niyakap.

"Thank you kuya. Ugh, kuyaa di na ako makahinga." siyempre joke niya lang 'yun kase gusto niyang makawala dito. Namiss din naman niya ito.

"Haha! oh Sorry, namiss lang kita Kaori, kagabi pa kita kinakatok pero walang sumasagot kaya di na lang kita inistorbo. Alam ko namang pagod ka sa biyahe. Lets go downstairs nagpahanda na ako for breakfast. Ayokong umalis na 'di kita nakikita ngayon.", paliwanag nito. Napasadahan niyang bihis na pala ito pang trabaho. Siguro ay inantay niya lang talaga ang ganitong oras dahil ito ang usually na gising ko. I wonder kung nakauwi na ang asawa nito.

"Bihis lang ako kuya",pumasok naman siya ulit sa kwarto at nagbihis. Nagsuklay na rin at naghilamos. Kailangan poganda tayo lagi. Hihi. Inayos na rin niya ang kama niya bago lumabas. Kinindatan pa niya ang sarili sa salamin bago inaya ang kuya niya pababa na inantay na rin siya.

Nasa kumedor na sila ng mapansin niyang sila lang ang andun. "Kuya asan ang asawa mo? ", well curious lang siya. Since kahapon pa niya di nakikita ang napangasawa nito.

"She's in Cebu for business event. Pero uuwi na yun bukas. Depende kung matatapos niya iyon agad."sabay tingin sa akin. At nagsimula na rin itong maglagay ng pagkain sa kani kanilang plato. Hanggang ngayon ginagawa pa rin ng kuya niya ang asikasuhin siya sa pagkain. Such a caring and sweet. Lalo na pag nakain sila sa labas kaya napapagkamalan tuloy silang mag -jowa. Okay lang naman sa kanya kase kuya naman niya ito besides minsan lang niya ito nakakasama sa pagkain kaya minsan sinusulit niya ang pag aasikaso nito. Hehe.

"Kuya.." pukaw ng pansin dito. Kating kati na ang dila niya magtanong dito.

"Hmm? "

"How are you? ", she suddenly ask.

Uminom ito ng tubig bago sumagot. "Im fine bunso. Busy as ever, ganun talaga di naman na tayo bumabata. Im still your steel man, yeah. " at nagflex pa talaga ito ng bicep. Natawa naman siya dito.

Naalala niya dati yan lagi ang biruan nilang magkapatid. Ako daw si darna at siya daw si superman. Pero madalas siyang nagrereklamo kasi hindi niya gusto maging darna. Kaya ang bagsak nun pareho silang superman. Of course wala naman tong magagawa eh.

"Dapat nga ako ang magtanong niyan sayo eh. How about you?. Siguro madami ka ng chix na nakilala dun kaya hindi mo na maisipang umuwi, kung hindi pa kita piliting umuwi e hindi ka pa talaga uuwi", balik tanong nito.

"Kung chix lang kuya,madami dun. But not my type."

"Really? Baka naman wala ka ngang type pero may nabuntis ka na? ", natatawa pa to na nang aasar.

Tinaasan niya ito ng kilay. Ang totoo pinauwi lang ata siya nito para asarin eh. Paano siya makakabuntis kung aloof nga siya sa mga tao dun. Minsan tampulan na siya ng bullying pero hindi na lang niya pinapansin mga ito. Besides I can handle them. Bata pa lang naman kase sila ay ang isang hobby nila ng kuya niya ang mag taekwando.

My Sister in Law (gxg) (Intersex)Where stories live. Discover now