CHAPTER 17

330 5 0
                                    

KAORI LUNA MONTES

Still in 3 years ago..

Nagmamadali siyang bumaba sa kanyang kotse. Mag iisang linggo na nung huli niya itong nakita. Ang huli ay noong nasa ospital pa ito. Pagkatapos nun ay natagalan pa siya bago maproseso sa utak niya ang nangyari.

Sinong hindi masasaktan? Kahit sino naman sa kalagayan niya na malamang malaki ang kinalaman nito sa pagkawala ng bestfriend niya ay malulungkot o baka nga magalit pa nga. Ngunit si amarah na kasi yan eh. Ang taong mahal niya.

Kaya pala madalas iniiwasan nila Mommy ang topic tungkol sa bestfriend ko noon.

Yun pala ay wala na ito. Actually dinalaw nga niya ito kung saan siya nakalibing.

At ilang araw siyang nag isip. Kaya eto ngayon mas matimbang pa rin ang pagmamahal na meron siya para kay Amarah. Ang mahalaga naman diba ay ang buhay siya. Maiintindihan naman siguro siya ng bestfriend niya kung sakali man hindi ba? Nagmahal lang naman siya. At buong pusong tatanggapin niya si Amarah.

Madami ng pinagdaanan si amarah. Mas higit na kailangan siya nito kesa ang magmukmok siya sa mansion. At ibunton dito ang sisi.

"Babe!" sigaw niya ng makita niya itong palabas na. Pero mukhang hindi pa rin siya nito narinig.

Tatawagin na sana niya ulit ito ngunit ganun na lang ang gulat niya na nasa likod nito si kuya at inaalalayan ito pasakay sa kotse niya.

No...

Ngunit hindi siya nagpahuli at sinundan ang kotseng lulan ang babaeng mahal niya at ang kuya niya.

This cant be.

Mali lang siguro ang nasa isip ko.

Siguro nagkataon lang.

Malayo na ang narating nila hanggang sa nakita niyang pumasok ang mga ito sa isang restaurant.

Ayaw niyang mag overthink. Kaya naman tinawagan niya ito sa cellphone nito.

Kitang kita ng dalawang mata niya na sinulyapan nito ang phone nito. Ngunit ganun na lang ang dismaya niya ng iend nito ang call at nilagay na sa bag ang cp nito at masayang nakikipagusap kay kuya.

Kuya.

Nag U turn siya at bumalik na sa highway. Malaki ng tiwala niya rito. Baka sa business lang kung bakit magkasama nag dalawa. Nalaman niya kasing malapit na mag OJT si Amarah sa sariling kompanya nila.

--@@--

The next day ay natiyempuhan niyang mag isa lang ito. Kaya naman pasimple niya ito hinawakan sa kamay nito.

"Luna?" ganun na lang ang dismaya niya dahil sa Luna na lang ang tawag nito. Asan na ang Babe?

"Amarah I miss you so much. Pwede ba tayong mag usap?" pakiusap niya dito.

"I ahh. Ahm yeah sure." kahit nag aalanganin man ay sumama pa rin ito. At napili nilang sa isang tahimik na coffee shop sila mag usap.

Ginagap niya ang mga kamay nito. Ngunit nakapagtataka lang dahil hindi siya nito matignan sa mata. I know myself that there is something going on with her.

"Amarah. You know naman na andito pa rin ako diba? Mahal na mahal kita."I kiss the back of her hand. Gahhd. I miss her so much!

"L-luna.." may namumuong luha na ito sa kanyang mata na nakatingin sa kanya. Na punong puno ng lungkot.

My Sister in Law (gxg) (Intersex)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora