CHAPTER 14

366 7 1
                                    

KAORI LUNA MONTES

Para siyang naestatwa sa bumungad sa kanya. Si Amarah na may hawak na shotgun! Sinong di mamumutla diyan?

"A-a-marah i-ibaba mo yan baka pumutok." nahihintakutan siya na iniiwas ang katawan.

"Sinasabi ko sayo Luna, ang pasensiya ko may hangganan." pinaningkitan siya ng titig.

"Okay sorry na. Sorry po." nagpeace sign siya dito.

Pero lalo lang ito nainis at ikinasa ito.

"Im sorry." namumutla niyang sabi.

"Yun lang?"

"Ahh hindi na ako makikialam? Hindi ko na ipapasok tong kamay ko sa kung saan. Pramis!" panunumpa pa niyan.

"Ano pa?"

"Uhm ikaw lang maganda sa paningin ko!"

Isang tipid na ngiti nito na parang kinikilig pero mabilis din lang nitong binalik sa seryoso nito mukha.

"Good!." at umalis na ito. Pero bago pa to makaalis ng tuluyan ay sinabi nitong kailangan na nilang kumain dahil uuwi pa sila.
------

"Alam mo kung hindi ko lang alam na hipag mo  si Ate Kezia, parang may something kayo." usyosera ni Marie.

"Luh. Pano mo nasabi? Ikaw ha tsismis yan!"

Andito kasi sila sa likod bahay. Andaming puno ng mangga at iba ibang puno ng ng prutas. Orchard daw ito ni amarah. Ito daw ang unang unang property na binili niya. Na hindi alam ng mga magulang nito. Even her brother daw.

May sentimental value daw itong lugar na ito sabi ni Marie n narinig lang niya daw nung nag uusap si amarah at ang lola nito.

"Hindi eh. Hindi pa ako nagkakamali sa instinct ko no!"

"Alam mo andami mong napapansin. Tulungan mo na lang ako dito mamitas." sabi niya.

Dalawa dapat sila na mamitas pero etong kasama niya ay masyadong madaldal kaya ang siste siya lang ang nangunguha.

"Sus. Umiiwas. Hahaha. Siguro crush mo si Ate Keziah no."

Ang kulit na bata. Kaya naman bigla niyang sinubuan ng mangga ang bunganga nito. Ang daldal e. Na kinain din nito. Napailing na lang siya dito.

"Aminin mo na kasiiii. Sus yang tinginan mo kanina. Kung pano mo siya tignan kanina. Iba eh. Yung may something. Alam ko na yan eh. Kasi ganyan din tumingin si tatay kay nanay no!" bilib na bilib din ito sa sinasabi nito.

Well napag alaman lang naman niyang ulilang lubos na ito. Sa edad na walo ay sa lola na nito ito nakatira dahil namatay sa aksidente ang mga magulang nito.

"Hoy ang bata mo pa. Pano mo alam ang mga ganyang bagay ha." usisa niya dito. Magkamatayan na hinding hindi siya aamin dito. Napakadaldal naman.

"Hahaha. Wag kang mag alala Luna. Parang love ka din ni Ate Kezia e. Hihihi. Parang ganito oh." at pinagdikit nito ang dalawang hintuturo nito.

"Hoy baka nakakalimutan mo kapatid ko ang asawa niya! Grabe to."

"Sus e kung wala siyang asawa, crush mo siya?"
Panghuhuli nito.

"Hindi ah." tanggi niya pero pinapamulahan naman siya ng pisngi.

"Ayieeeee! Si Luna inlove!" sigaw nito.

Tinakpan naman niya ang bunganga nito. Kaya naman umamin na lang siya dito. At sinabi naman nitong secret lang nila iyon. At talagang kinikilig ang gaga. Sinabi pa nga nitong mas bagay daw sila ni Amarah kesa kay kuya. Dahil alam din pala ng mga ito na dahil sa negosyo kaya sila nagpakasal ng kuya niya. Kaya siya pa rin daw ang bet nito kay Amarah. Kaloka.

My Sister in Law (gxg) (Intersex)Where stories live. Discover now