CHAPTER 3

487 9 1
                                    

KAORI LUNA MONTES

Dalawang bata ang masayang naglalaro sa Park.

"Kaaaari... kaari. Hahaha habulin mo ako dali.. "

"Daya mo naman eh mas malaki ka sa akin pano kita mahahabol"

"Panong di mo ako mahahabol masyado kang maliit. Bleee bleee. Kari liit..Kari liit. " pang aasar nito sa mas bata.

"Hmp. Hahabol kita ah tamo! " pilit namang hinahabol ang kanina pang dalagita na nang aasar sa kanya.

"Hahahaha habulin mo ako. Habulin mo akooo. Kariii"

Bakas na sa mas bata ang asar pero masaya pa ring humahabol. Natutuwa pa nga itong nakikipaglaro. Kung titignan mo sa malayo para silang magkapatid pero hindi. Hindi sila magkaano ano. Sino ang mag aakalang sa malaking agwat ng kanilang edad ay nagkakasundo sila sa paglalaro kahit pa madalas mapikon ang mas maliit na bata.

Tuwing sabado sila madalas magkita dito sa park na ito. Na nasa loob lang din ng pang mayamang subdivision. Madaming tumatambay, may mga nagtitinda at madalas mga nagdadate na mga kabataan. Pero mas nangingibabaw ang tawa at tili ng dalawang batang naghahabulan. Bakas ang saya sa kanilang mukha at parang walang kapaguran. Samantalang ang dalawang Yaya ng mga ito ay tumambay na lang sa may ilalim ng puno pero nakatanaw pa rin sa dalawang bata. Naging mag best friend na nga din pati mga Yaya ng mga ito kasi madalas pag weekends ay andun silang apat sa Park na yun. Ang dalawa para maglaro at ang dalawa para bantayan ang kani kanilang alagang bata.

Hanggang sa ang habulan nilang iyon ay nakarating na sa gilid ng kalsada kung saan may mangilan ngilang sasakyan na dumaraan.

"Ateee wait mo akoo. "

"No way. Habulin mo ako kung gusto mong ilibre kita ng ice cream"

"Haa! Pagod na ako eh. Upo muna tayo dun! "

Turo nito sa sa isang bench na nasa kabilang ibayo ng Park na iyon.

"Paunahan tayo dun ha. 1 2 3! Gooo! "

Ngunit isang kotse ang may katamtamang takbo ang paparating.

Ang dalawang batang hawak kamay na tumatakbo ay hindi pansin ito. Ngunit huli na ng marealize nila dahil--.

"Hala ang mga bata! "

"Hoy tulungan niyo"

Ilan lang yan sa mga nabiglang reaction ng mga nakasaksi.

Nagising si Kaori sa isang panaginip. Matagal ng hindi siya dinadalaw ng panaginip na iyon. Ilang taon na rin pala. Nagtataka siya bakit ngayon siya dinalaw ng panaginip. Kung maaalala niya ang High School pa ang huli.

Isa iyon sa masayang parte ng kanyang kabataan. Na hinding hindi niya makakalimutan.

"Ugh! Bakit ang sakit naman ng ulo ko."

Pilit niya namang inaalala ang nangyari kagabi. Pero kahit anong piga niya ay wala siyang maalala. Ang huling naalala niya ay ang lumaklak siya ng wine sa baba.

Shit. Napabalikwas siya ng bangon ng maalala niyang nahilo na nga pala siya kagabi. Sino ang naghatid sa kanya dito sa kwarto niya kagabi? Ano yun lumipad siya? Malay mo naman Kaori ang Kuya mo nag asikaso sayo. Ahh tama tama. Alangan naman yung babaeng pinaglihi kay Mommy. Imposible.

Napakagat labi siya na nakatatlong bote nga pala siya kagabi. Paano ko ito ipapaliwanag mamaya? Sabi ni Kuya hindi daw pinapagalaw ni Keziah ang mga iyon lalo na kay kuya pa mismo.

My Sister in Law (gxg) (Intersex)Where stories live. Discover now