CHAPTER 18

354 15 0
                                    

KAORI LUNA MONTES

"Wow! Great! Ang galing mo dude! Shet." puri ni Kriz na may kasamang palakpak pa.

Kakatapos lang kasi ng rehearsals nila. Bukas na ang foundation day nila. Hindi naging madali ang practice niya dahil kumakain talaga ito ng malaking oras. Lalo pa at may trabaho siya dagdag mo pa ang oras niya sa academics niya na hindi niya kailangang pabayaan.

"Idol na talaga kita Ate Luna!" tuwang sabi naman ni Marie. Yes, si marie na tinotoong dito na nga mag aral sa University nila. Na madalas ay ito ang nag aupdate sa kanya kay Amarah na 3 days na din palang pumapasok. Si Marie na naging sandalan niya bukod kay Kriz.

At isa lang ang masasabi niya. Malaki ang ipinagbago nito mula noong huli nilang pagkikita. Masyado na itong cold at halos di rin siya nito pinapansin na parang hindi siya nag eexist.

Ngayon pa ba na unti unti ng bumabalik ang ala ala niya. Thanks to her Ate Charlie and Nicole na laging nandiyan din pag kailangan niya. Dahil bukod kay Kriz ang ate niya ang tumutulong upang matulungan siyang mapabalik ang memorya niya. Hindi man lahat ngunit unti unting na ngang bumabalik.

"So pano ba yan pareng Kao, goodluck sa atin bukas. Maaga tayo bukas ha." tapik nito sa balikat niya at nagpaalam na may aasikasuhin pa ito. Bukod kasi sa pagbabanda ay member din kasi ito ng Science Club.

Tumango siya rito at binalingan si Marie.

"Ano bulilit libre mo ako ha. Tara."yakag niya rito.

"Ha? Ang daya naman! Ikaw dapat ang nanlilibre e." simangot neto.

"E anong gusto mo ba. Fishbol o yung mantika. Hahaha."

"Nako! Wag na. Nahiya naman ako sa mantika mong yan. Buraot!"

Ginulo gulo niya ang buhok nito bago niya ito tinakbuhan.

Kaya para silang bata na naghahabulan sa may hallway. Actually pwede na silang mag ingay kasi sa oras naman na ito ay tapos na lahat ng klase sa baba. Bale mangilan ngilan na lang siguro pero karamihan ay sa 2nd floor pataas na lang ng building.

"Montes, stop running ."

Nagulat siya sa boses na sumuway sa kanya. Bale hinhingal pa nga siya sa lagay na yun ng nakita niya ang babaeng sobrang miss na niya.

"Grabeng takbo yan Ate Luna! Kabayo ka ba-- A-ah Ate este Maam, kayo po pala."

Kita niyang ginilid nito ng ulo nito para tingnan si Marie na hinihingal din kagaya niya.

"Stop running. This is not your playground." suway nito bago ito umalis. Makikitaan mo lang ito sa seryosong mukha. Ni hindi ko mahagilap ang kahit na anong emosyon.  Kasunod nito ang dalawang kaibigan nitong professor din. Nakangiti lang mga ito sa kanya. Pero si Mam Raven hindi niya gusto ang pagkakangiti. Parang nang aasar pa nga.

"Bye Lovebirds!" sabi nito pero mabilis din itong sinaway ni Maam Kristine.

Nakatanaw lang siya sa mga ito hanggang sa makapasok na mga ito sa opisina ng isa.

"Ano tatayo na lang tayo dito? Aba tomguts na me." ungkag nito sa kanya.

Tinignan niya ito. Napabuntung hininga siya.

"Kaori."

Napalingon naman sila sa tumawag sa kanya. At eto namang kasama niya ay parang bulati na hindi mapalagay. Andiyan na mag ayos ng buhok at damit. Kaya nakaisip siya ng kalokohan. Sorry Lei.

"Hey Larisa, sama ka sa amin. Libre daw nitong si bulilit." turo niya kay Marie.

At namilog ang dalawa nitong mata.

My Sister in Law (gxg) (Intersex)Where stories live. Discover now