CHAPTER 15

369 6 1
                                    

KAORI LUNA MONTES

Kasalukuyan siyang nasa klase ngayon. At mahigit isang linggo na ring wala siyang balita kay Amarah.

After mahatid nila si Amarah sa ospital ay konting oras lang ang inantay nila, dumating ding humahangos ang mga magulang nila.

Pagkatapos nun kinausap ako ng Daddy ni Amarah.

"Hindi ko alam kung may sa malas ka sa buhay ng anak ko. Hindi ako natutuwa Luna. Kung ako lang ang tatanungin ayokong iinvolve ang pamilya ko sa pamilya niyo. Mula ng umuwi ka sunod sunod na ang kamalasan na natatamo ng mag asawa. Pwede ba kung may natitira ka pang kahihiyan diyan sa sarili mo. Umalis ka na sa pamamahay ng mag asawa!"

"W-wala po akong a-alam sa sinasabi niyo Sir."
Pahayag niya na puno ng pagtataka.

"Roel! Ano ka ba bakit mo sinisisi ang bata. Wala siyang alam." hindi niya alam ay nakalapit na pala ang asawa nito.

"Ha! Hindi ako tanga Mara sa ginawa nila 3 years ago! Kung hindi sa batang to hindi masasadlak ang anak natin sa ganitong sitwasyon!"

"jusko Roel! Ano ka ba naman. Wala tayo sa posisyon para tayo ang magsabi sa kanya. Sige na hija umuwi ka na."

"Hindi ho ako aalis. A-ano po ang nangyari 3 years ago? Sabihin niyo sa akin! B-bakit w-wala po akong maalala?" ngayon ay ramdam niya ang mga luha niyang pumapatak mula sa kanyang mata. Bakit pakiramdam niya ang bigat ng pakiramdam niya.

Sa inis ni Mr. Gomez ay kwinelyuhan siya nito. Na pilit naman siyang inaawat ng kanyang asawa.

"Gusto mong malaman? Ha? Gusto mo ba??Ipagamot mo yang ulo mo bakasakaling maalala mo ang nangyari sayo! Hindi simpleng aksidente lang ang nangyari 3 years ago bata! Dahil kasabay ng pagkawala ng memorya mo ay ang halos mawalan din kami ng anak-!"

"Roel!"

"Dad ano ba!"

Mabuti na lang ay may mga nakakita sa kanila kaya naawat nila si Tito Roel sa pananakal sa kanya.

"Sige na hija pakiusap umalis ka na.." sabi ni Tita Marah.

Pinunas niya ang luha sa kanyang mata.

"Kao ihatid na kita." prisinta ni Yvonne.

Pero winaksi lang niya ang kamay nito na hahawak sana sa kanya.

Kasabay ang pagtalikod niya ay ang bumalong ang masagana niyang luha.

Nakarating siya ng parking lot sa ospital na hindi alam kung ano ang gagawin.

Mabuti na lang at tumawag si Kriz ng oras na iyon kaya ito ang pinagdrive niya sa sasakyan niya. Nagpahatid siya sa mansyon nila ng gabing iyon.

"Mommy! mommy!????"Sigaw niya.

"Oh anak bat ka nasigaw. Teka bakit ganyan ang hitsura mo anak. Halika. " igiya sana siya nito sa  sopa para maupo ngunit winaksi niya ito.

"Dad! Ano bang nangyari? 3 years ago sabi niyo simpleng aksidente lang nangyari kaya ako nawalan ng memorya? Pero bakit? Bakit andami kong hindi alam?" namamalisbis ang kanyang mga luha. "Dad si Amarah. Bakit ganun? Bakit pakiramdam ko kilala ko na siya noon pa. Please explain. Pagod na ako Dad. Pagod na pagod na ako mag isip."

"Anak..."

"Ano! Hindi niyo sasabihin!? Ha!! Dad naman kailangan ko lang naman yung maging honest kayo sa akin once and for all eh. Tatanggapin ko naman! Dad pleaseee."

My Sister in Law (gxg) (Intersex)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora