CHAPTER 10

454 8 1
                                    

KAORI LUNA MONTES

Naglalakad siya dito sa hallway, Lunes na naman. Sa totoo lang hinihila pa siya ng kama niya kanina pero maaga ang pasok niya ngayon.

Pumasok na siya sa room buti na lang wala pa ang Prof nila. Nasulyapan niya si Mich sa kabilang dako ng kanilang room. Tumango lang siya dito at sinuklian naman siya ng ngiti. Actually okay na sila. Nagkausap kasi sila sa chat nung nakaraan. And apologies accepted nga daw at humingi din ito ng tawad. Biniro pa nga siya. Baka daw kung kailangan niya ng ganung pangangailangan ay available daw ito. Na tinawanan niya lang. Minsan na siyang nagkamali sa part na yun kaya hinding hindi na talaga mauulit iyon. Kung mangyayari man iyon ay mas okay pang sa taong mamahalin niya.

Napansin niya ang bag sa katabi niyang upuan. Dalawang linggo na nga siyang walang katabi eh. Ngayon parang meron na ata.

Maya't maya ay pumasok na ang Prof. nila pero ang katabi niya ay wala pa.

"So good morning class. I'd like-"

"Sorry Sir. Im late!"

Isang babae ang pumasok at umupo sa tabi niya. Maikli ang buhok at medyo maangas ang dating. Maputi at matangkad din tulad niya.

"Hey dude!" sabay tapik nito sa balikat niya. F*ck! Ang bigat huh.

"Ms Anderson! Late ka na nga hindi ka pa nakikinig!" inis na si sir Panot. Pano itong katabi ko palipat lipat ang tingin sa mga kaklase nila.

"Oh sorry Sir. Please continue." ngisi nito na hindi man lang apektado sa galit ng Prof namin.

"So I was saying! Magkakaroon tayo ng Foundation Day nextweek. And I want all of you to attend or participate any activities."

"Sir!" taas kamay ni Anderson."May battle of the band pa rin ba?"

"Of course Ms Anderson. Hindi ka kasi nakikinig!"

"Haha Sorry Sir, ang gwapo mo pa naman. Wag ng magalit nakakawrinkles yan." iling ni anderson. Lalo ata itong nainis dahil nagtawanan mga kaklase nila.

"Be attentive Ms Anderson. Hindi porke't lolo mo ang may ari ng iskwelahang ito ay itotolerate ko ang ganyang ugali mo."

Itinaas naman ulit ni Anderson ang kamay. "Pano ba yan Sir kulang kami sa band. Sayang naman ang back to back Championship ng department naten kung kulang kami ng member."

"Then do an audition Ms Anderson. Tutal ikaw naman ang president ng klase niyo!".

Ngumiti naman si Anderson na bumaling sa akin. Parang kinakabahan siya sa pagkakangisi nito.

"I think I found the one I need Sir! Here she is!" masaya at pumapalakpak pa na sabi nito habang tinuturo siya.

Umiiling siya at sinesenyas ang ekis."No no no Sir. Hindi ako marunong sa instrument Sir." tanggi niya.

"Oh come on Kaori! Mah men! Nakakatampo ka na ha. Magkasama kaya tayo nung HS eh. Diba may nililigawan ka pa ngang college girl noon? Sino ba yun? Si rara ba yun? Balak pa nga naten haranain yun noon eh."

Nalilito man ay hindi niya mapigilang magtaka. So classmates niya ito noon? Bakit hindi niya ito nakilala. Medyo sumakit ang sentido niya. Kaya napahilot siya ng wala sa oras.

"Look whoever you Miss but I don't know how to play instrument okay. Ni gitara nga hindi ako marunong eh." mahabang paliwanag niya dito.

" But." Ngayon ito naman ang nalito sa sagot niya. "Then who's with us during those days? Here take a look at this. This is you right? Iam Krizzel Anderson. Drummer. This you the Lesd guitarist. This Ava, our 2nd lead..." and so on and so fort. Natulala na siya sa impormasyong binigay nito.

My Sister in Law (gxg) (Intersex)Where stories live. Discover now