CHAPTER 5

453 8 1
                                    

KAORI LUNA MONTES

"Here you go Kaori, buti nakapunta ka" Si Micaella na medyo tipsy na.

"Hey! The night is still young Mics. Akala mo ikaw 'tong brokenheart diyan" Si Larisa na pilit na inaagaw ang alak kay Micaella.

Yung iba okay pa naman. Na tinatawanan lang si Larisa at Micaella na nag aagawan sa baso. Parang mga bata. Well nalate kasi sila ni Lei dahil binalikan pa siya at paglabas ng highway matraffic na. Its weekend anyway.  Parang nasa labas lahat ng tao.

"Well, wala kasing tao sa bahay. And boredom killing me the four corners of my room. So yeah,  here I am. " sagot niya kay Micaella.

"Yun oh!  Cheers guys to our newest members of the RAINBOWS. No other than our Poganda, Kaori. And this girl who's brokenhearted to someone who doesnt exist! Her Majesty Queen, Yvonne! Hahaha"

"Cheers! " Gagi parang mga baliw na nagcheers ang mga ito. Ano daw newest member? Hindi pa niya kinoconfirm sa mga ito na baliko siya. Pero makapag cheers akala mo kilala na siya.

Medyo matao ang napuntahan nilang Bar. Lalo na siguro dahil weekends. Karamihan sa mga tao ay rest day kaya andito sila para mag unwind.

Napansin niya si Yvonne na parang tulala. Bukod kay Micaella ay mas marami na itong naiinom. Pansin kasi niya na kanina pa ito panay inom kahit hindi pa niya turn. Hindi nga siya nito sinulyapan man lang nung dumating siya. Nakayuko lang kanina. Kita niya ito kasi nasa harap niya lang.

"Hey, tama na. Nakakarami ka na" suway niya dito. Habang inaagaw dito ang baso ng alak. Actually sa kanya dapat yun eh. Sakto kasing inaabot ni Lei sa kanya ang baso ngunit biglang may kamay na nag abot dito. Yun pala si Yvonne.

"Shut up Montes! Just shut up. "angil nito sa kanya. Sabay inom sa alak.

Nagulat naman siya sa reaction nito even Lei dahil sila ang magkakalapit. Si Larisa naman na katabi nito ay walang pakialam. Dahil kinakausap ito ni Micaella. Even Gene at Priscilla na may sariling mundo.

"Pasensiya ka na. Wag mo na lang pansinin. Kanina pa yan badtrip" bulong ni Lei.

"Why? I mean bakit ba yan badtrip" tanong na pabulong din.

"I dont know. Pagsundo ko kasi kanina sa bahay nila. Badtrip na yan. Maybe it's family problem. Magsasabi naman yan. Its just takes time." paliwanag nito.

"oh okay. "

"Hoy kayong dalawa diyan. Ano na nakakarami na kami dito, kayo wala pa kahit isang patak na naiinom.  Ano kayo display? " Si Gene na namumungay na ang mata. Isama mo pa tong si Priscilla na sapo sapo ang mukha.

"Gaga pano kami iinom ni Kao, kung lahat ng tagay sa inyong lima lang umiikot! Isama mo pa tong si Yvonne na kanina pa nang aagaw ng baso. "

"Pano busy kayo magbulungan diyan!  Hahaha!" si Micaella. Lakas talaga ng boses nito pag sila lang ang kasama pero kapag iba akala mo di makabasag pinggan. Nalaman niya lang yan dahil kay Lei.

"Hinay hinay lang baka may bumuga na ng apoy!  Haha"

Heto nga at pag angat niya ng mukha ay yung dalawang nasa harap ay masama na ang tingin sa kanila. Kaya napaayos siya ng upo. Pati rin si Lei. Kaya pag abot sa kanya ng alak ay na bottoms up niya.

Pwe! Nyeta ang pait! First time niya sa ganitong alak.  Wine lang naman kc ang nilalaklak niya e. At first time niya ding umattend sa ganitong bar. Masaya pala.  Kung alam lang niya sana noon pa niya sinubukan.

Hindi niya alam kung ilang bilang na ng tagay ang binibigay nila sa kanya. Basta pag iaabot pa lang ay kinukuha na niya. Even for Yvonne's glass of liqour ay siya na ang sumasalo. Ewan.  Basta feeling niya lang gusto niya itong damayan sa problema niya. Kung ano man ang pinagdadaanan nito.

My Sister in Law (gxg) (Intersex)Where stories live. Discover now