C-1

2.2K 45 12
                                    

Reagan

-

"Renren gising na!" Wika ng kapatid ko habang dinadaganan ako. "Bangon na malalate tayo sige ka!" Dagdag niya pa.

"Paano ako babangon Reese, aber? Dinadaganan mo ako!" Sigaw ko

"O, chill lang ang aga-aga." Hindi parin siya umaalis sa pwesto niya.

"Reese, isa!" Lord bakit niyo po ako binigyan ng gantong kapatid?

"Eto na" umalis na siya sa itaas ko, tiningnan ko ang cellphone ko kung anong oras na.. 6:45 palang eh ang start ng klase namin ay 9 AM

"REESE SKYE GUERRERO!" Tiningnan ko siya ng masama.

"Ano? Huwag kana tamad tamad diyan Renren! Mag ready kana, oo alam ko masyado pa maaga pero mas better na umaga tayo kaysa late" wika niya tapos ngumiti

"6:45 pa lang eh" bumangon na ako sa kama

"Mabilis lang ang oras, maya maya 8 na." Hindi parin naalis ang ngiti niya sa labi, sasampalin ko toh.

"Alis sa kwarto ko! Shoo!" Tinulak ko siya palabas sa aking kwarto, nilock ko kaagad ang pinto para hindi na makapasok.

"Renren ah huwag kana matulog! 7 andito na sila San Mig light!" Sigaw niya. Wala na akong choice.. Tsk

Inayos ko muna ang higaan ko pagkatapos ay pumunta na ako sa banyo para mag toothbrush at maligo.

~

"Tagal mo" sambit ni Luke nung pababa na ako. Inikutan ko lang siya ng mata.

"Tara na"

"Excited Reese? Hindi pa ako nakakain ng almusal!" Wika ko

"Sa kotse kana kumain!" Wika niya pabalik at kinuha ang bag niya.

"Nga pala saan sila mommy?" Tanong ko sakanya

"Saan paba? Edi sa states." sagot niya, tumango nalang ako.

"Ano tara na?" Tanong ni Migs

"Tara" sagot naming tatlo.

Excited talaga tong si Reese nauna na saamin lumabas, sumunod naman yung dalawang kapre. Nahuli ako, pagkalabas ko ng pinto ay nilock ko ito.

"Alam niyo ba na may papalit muna kay Mr. Perez?" Tanong ni Luke ng pagpasok ko sa sasakyan.

"Luh seryoso?" Tumango si Luke

"Bakit raw?" Tanong ni Reese.

"Kailangan daw siya ng asawa niya kasi buntis..." Sagot niya, tumango nalang kaming dalawa.

"Game na?" Tanong ni Miguel, siya kasi yung mag drive

"Let's go!" Sambit naming tatlo. Miguel started the engine and started driving.

"Renren o" may inabot saakin yung kapatid, sandwich 'yun. Kinuha ko naman

Si Miguel at Luke ay nasa harap kaming dalawa naman ng kapatid ko ay nasa likod.

"Anong oras na?" Tanong ko habang nginunguya yung tinapay.

"Mag 8" sagot ni Luke.

"May gig ba tayo mamayang gabi?" Tanong ni Miguel. Estudyante sa umaga, banda sa gabi.

"Oo sa plaza, 8 pm." Sagot ni Reese

"Nakakatamad" wika ko

"Nako, Renren walang tamad tamad saatin." Sambit ni Luke

"Tama si Luke." Pangsa-ayon ni San mig light sakanya. "Malapit na tayo" dagdag niya pa.

Few minutes... Nakarating narin kami.

A Heart's Embrace Where stories live. Discover now