C-15

486 28 10
                                    

Reagan

-

Balik dr nanaman po kami mga kaibigan, may isang professor na nagbabantay saamin, hulaan niyo kung sino 'yon.

"Hindi ko kayang manahimik mag damag beh" bulong saakin ng unggoy kong kapatid, kaya mo 'yan.

"Manahimik ka nga" bulong ko pabalik

"Is there a problem?" Umiling kami parehas at ngumiti, pangiti-ngiti lang pero kinakabahan.

Wala ba siyang klase ngayon at andito siya?

"Sakin ka nga mag focus Miss" kusa nalang lumabas sa bibig ko 'yon. Nang marealize ko ang sinabi ko tinakpan ko kaagad ang bibig ko.

Nagulat din siya at yung mga kaibigan kong unggoy.

"Saan mo kinuha ang tapang mo idol?" Hindi ko alam, cellphone kasi ng cellphone. Tama kayo guys si Miss N ang nagbabantay saamin.

"Sensya na, kung ano man po ang nasabi ko huwag niyo nalang pong pansinin." Nakangiting saad ko, she's staring at me.. Matutunaw ako miss!

"Alam ko pong maganda ako slash pogi pa, huwag niyo naman po ipahalata." Dagdag ko pa

"Wow, ang lakas ng hangin" kanina pa tong unggoy kong kapatid na toh ah, nakakailan na.

The professor rolled her eyes at me at binalik ang focus niya sa pag phone. Nagseselos na ako sa cellphone na 'yan.

May karapatan, may karapatan?

"Miss Natasha" tawag ng kapatid ko sakanya

"Yes?"

"Miss ko na po yung pinsan mo" ang kapal

She let out a soft chuckle "Miss kaba?"

Tumawa ako ng mahina, si Miss N 'yon? Parang iba eh charot.

"Luh ma'am walang ganyanan" saad ng kapatid ko

Parang close na sila dati pa pero hindi lang pinapakita masyado, eh diba nga yung sinabi ni Miss N nung nasa camping pa, 'I will wait for you to remember me again'? Siya lang ata talaga hindi ko maalala. But... If kilala ko si Miss N dati may possibility ba na kilala ko rin yung mga ibang professors? Eric... Eric.. Hm.. Cedric.... Tangina.

CEDRIC remove the letter C and D! Eric ang sagot. Oh ghaad siya lang naman siguro yung may pangalan na cedric dito noh?

Then Asha... Natasha.. matalino kana niyan self? Susss.

"May sariling mundo amputik" bumalik na ako sa realidad, ano ba 'yan panira. I looked at the professor who's staring at me.. Kanina paba siya nakatingin?

"Ma'am palabasin mo na po kami, hindi ko na po 'yon uulitin. I need to see her na po" saad ni Luke, naks nag-mamakaawa hindi niya bagay.

"I don't believe you, Hernandez" She said coldly while still staring at me, ako ba si Hernandez? Guerrero ako noh. Matutunaw na ako sa kakatitig mo ma'am.

"Please po" tiningnan ko si Luke, pero binalik ko ulit ang tingin ko kay Miss N, loyal tayo syempre.

"Manahimik ka nga, Crei" inis na saad ni Reese.

"Ikaw ang manahimik" balik naman ni Luke, seryoso mag babardagulan sila sa harap ng professor? Parang mga bata.

Anyways, ang ganda niya. Walang araw ata na hindi siya maganda, mapa make up man o wala, ganda parin. Tapos ang puti pa, nilihi ata siya sa zonrox eh.

"Ano yan? Staring contest?" walang umimik saaming dalawa, nakatingin lang kami sa isa't isa para bang naguusap kami gamit ang mga mata namin.

Hindi ko inalis ang tingin so as she.

A Heart's Embrace Where stories live. Discover now