C-18

431 26 4
                                    

Reagan

-

Umagang kay pu- mabait tayong tao kaya hindi ako magmumura. Grounded kami! Wala naman pumasok sa bahay dahil chineck namin ang CCTV.

Galit na galit sila papa dahil hindi daw kami nagpaalam sakanila at hindi daw nilock ng maayos ang pinto. May gig pa naman kami mamaya!

Every Friday na ang gig namin. Ang problema lang is how can we punta there sa plaza mamayang gabi? Eh grounded nga kami?

Akala ko kasi ay nagpaalam na si Reese na pumunta kami sa bar kahapon!

Bumaba ako para kumain ng almusal. Nagulat ako na andito yung mga unggoy kong kaibigan, okay anong ginagawa nila dito?

"Tita, pumayag napo kayo huhu. Kami po talaga yung may kasalanan kaya hindi nakapagpaalam sila Reese." Saad ni France, ang gaga nakaluhod pa.

Si Rain mukhang bagong gising pa. Dito nga ulit siya natulog, hindi pa ba siya hinahanap ng magulang niya?

"May gig po kami mamaya titaaaa we need them po. Wala po kaming singer at drummer." Saad naman ni Luke

"Sana pinagisipan niyo muna bago ninyo gawin." Saad ng ama namin ni Reese

"Ehh titoo lablab niyo naman po kami diba?" Hindi bagay kay Luke mag pa cute yak!

"Tumayo ka nga dyan France" Saad ni Reese.

"Hindi, hangga't hindi pumapayag sila Tito, tita!" Saad ni France.

"Kahit magdamag kang nakaluhod dyan iha hindi padin kami papayag." Agay..

"Si tita naman ih." Napakamot si Rain sa kanyang batok.

"May dala kaming mga halaman tita galing Switzerland po 'yon" nakangiting Saad ni Luke, luh-

"Ay hindi niyo na ako ma-" nagulat din ako sa nilabas ni France, tig iisang libo! Ano yan bibigyan sila ng pera para mapapayag? Eh mayaman naman kami? Hindi lang halata kasi nagtitipid po kami yan ang turo saamin nila mama.

"Tanga France, bakit bibigyan mo ng pera sila tita eh mayaman yang mga yan?" Kunot na tanong ni Miguel

"Ay oo nga noh." Tinago ulit ni France ang kanyang mga libo. "Ihh tita dali na, kailangan ni Ren makita ang kanyang anak at ina!" Gago ano daw?

"Anak at ina?" Sabay tanong ng magulang ko, napatampal nalang ako sa noo ko.

"Pinagsasabi mong gago ka?" Tanong ni Rain, nagmura sa harap ng magulang ko huhu.

"Hehe joke only pero oo wala pa silang anak pero soon! May date kasi sila ni Miss Natasha-" ha?

"O pake ko?" Napatingin kami lahat kay papa, grabe ba.

"Joke lang, saan ba date nila?"

"Sa resort daw nitong Velarde na'to." Sinungaling amp, wala naman kaming date ngayon ni Miss N. Kung meron eh wala parin! Grounded ako.

"Sino ba yang natasha na 'yan ha?" Sabagay matanda na siya kaya makakalimutin na.

"Yung crush niya nga pa!" Saad ni Reese

"Ah yung sinabi niyo nung nakaraan?" Tumango ang unggoy kong kapatid, lahat sila mukhang unggoy noh? Habang ako mukhang dyosa!

"Anong connect?" Papa ko paba toh? Okay pa ba siya? Gumagana paba utak nito?

"Naghalikan po sila ng professor niya" nasamid ako sa sarili kong laway, anong naghalikan?! Tong mga toh gumagawa ng kwento!

"Nino?" Tanong ni mama

A Heart's Embrace Where stories live. Discover now