C-20

444 26 7
                                    

Reagan

-

Thursday na.

Ngayon ay nagrereview kami para sa quiz mamaya kay Sir Cedric, at kay Miss Serene. Every Thursday ang quiz namin hindi ko alam kung sino nag gawa non na every Thursday ang quiz, pag nalaman ko ay kakausapin ko lang, oo kakausapin lang na bibigyan ko din ng mahinang suntok, oo mahina lang pero gusto ko may pagkalakas din yung matutumba siya?

"Pota ang hirap" rinig kong sambit ng kaklase ko

Andito kami ngayon sa likod ng university para makapag focus sa nirereview namin, ayaw namin sa library baka palayasin kami doon, maingay kasi kami oo kami kasali na ako doon. Maganda naman dito, ang tahimik.

"Sulit nga lang kung nakinig ka" sambit pa ng isa ko pang kaklase, tama siya. Madali lang pag nakinig ka ng maayos. Buti kami lang mag kakaklase ang narito kung may iba pang course na nandito ay mawawalan kami ng focus.

Miss kona siya.

Tatlong araw na siyang di pumapasok, okay lang kaya siya? May masakit ba sakanya kaya hindi siya pumasok? I miss her so much.

Sana okay lang siya.

"Hoy" tawag sakin ni Rain, nilingon ko ito

"Bakit?"

"Tara balik na sa classroom, ayoko dito." Tinignan ko ang relo ko, 11:20 palang naman, wala namang klase kay Miss Xia dahil wala ito, kawawa ang unggoy kong kapatid aww.. Ay hindi din pala siya pumasok kasi nilalagnat, ewan ko kung bakit ay alam ko na umulan nung isang araw, siguro nabasa siya, mabilis siya magkasakit kahit mahina lang ang ulan.

"Maag-" Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil bigla ba naman ako kinaladkad, ang sama.

"Maaga pa beh, mamaya pang 2 pm papasok"

"So?" So, so siya dyan sampalin ko kaya siya? Nagrereview yung tao tapos kakaladkarin ako? Hmp! Pag siya magrereview gagawin ko din ang ginagawa niya ngayon saakin.

Ngayon ko lang na realize na Hindi ito ang direksyon papunta sa room namin. Papunta ito sa office ni Miss Natasha yung bebe ko!

Nang malapit na kami sa office ng aking bebe ay binitawan na ako ni Ulan at kumatok, narinig namin na may nagsabi na 'come in' kaya pumasok na kami, andito na siya?! Pero bakit hindi pumasok kanina aber? Ayaw niya ba ako makita? Ang sakit ha parang hindi ako tinabihan at niyakap nung Saturday ah.

"Eto na siya Miss." Saad ni ulan na nakangiti, tumango naman si Miss N at pinalabas na ito, lumabas na si Ulan at kami nalang dalawa ang narito sa kanyang opisina.

Kumunot ang noo nito, galit ba 'to sakin? Ako dapat ang magalit eh, hindi man nag paramdam ng ilang araw, kahit message man lang ay wala. "Why is your uniform like that?" Tanong nito

"Tanongin mo po si Rain, siya may kasalanan."

"Take a seat." Umupo naman ako kaagad, masunurin akong bata eh.

"I'm sorry" hindi ako umimik. "I'm sorry cause hindi ako nagparamdam sa'yo ng ilang days. May emergency lang na nangyari." Pagtuloy niya.

A Heart's Embrace Where stories live. Discover now