C-19

306 22 2
                                    

Reagan

-

"Ah proud na proud kami sainyo ng mama mo." Saad ni papa at niyakap kami. Niyakap din namin siya pabalik. Yumakap din saamin si mama.

Kakatapos lang ng 'concert' namin.

"Grabe 'yon France! Four years mo tinago samin yon amputcha" si Luke mukhang hindi pa naka move on sa nangyari.

"Ang tapang niya noh? Sinabi niya sa maraming tao." Saad ni mama.

"Tanggap namin na single na kami huwag mo naman ipamukha saamin" Saad naman ni Rain na ikinatawa ni France habang hawak yung kamay ng bebe niya.

"Miss Irene ligawan mo na kaya ako" ang kapal ng mukha-

"Kapal naman ng mukha mo para sabihin 'yan kay Miss." Hinampas niya pa niyan si ulan, rinig ko ang mahinang tawa nila miss. Saya yan?

"Kumain naba kayo?" Tanong ni papa, may bukas pa ba na resto?

"Kanina po, gutom po kami ngayon." Si Luke ang sumagot ng tanong ni papa dahil walang balak yung kapatid ko magsalita, pati din ako.

"Wala ng bukas na resto kaya sa bahay nalang tayo kumain." Saad ni mama, luh?

"Hehe tita nakakahiya-"

"Wow may gana ka pa pala mahiya rain? Dalawang araw ka nga nakitulog saamin." Putol ko sakanya na ikinatawa nila mama.

"Doon na din kayo matulog dahil delikado na, sabihin mo sa magagandang at nagiisang gwapo na kasama niyo." Bakit pa namin sasabihin kung narinig din naman nila?

"Huwag kana sumama miss, umuwi kana" grabe tong ulan. "De joke lang po, sumama po kayo saamin." Bawi agad niya

"Sasama ka po?" Tanong ko ng tumabi ako sa kanya

"Okay" maikling sagot nito, tumango nalang ako.

"O siya, tara na." Aya ni papa, nag si tayuan kami. Hinawakan ko ang kamay ni miss N, tumingin ito saakin pero agad din umiwas, parang kinikilig.

"Kung matutulog po kami sainyo tita edi matutulog din tong mga professors namin sainyo?" Tanong ni Luke

"Mga professors niyo pala yan?" Tanong ni mama, sumagot kami ng "opo"

"Kaibigan din po namin sila" saad ni Miguel

"Oo alam ko" nagtanong pa siya. Hayss mama talaga.

Nagsimula na kami maglakad papuntang parking lot. Tiningnan ko saglit ang likod ko baka mawala ang magjowa. Ang bagal ba naman nila maglakad.

Etong kasabay kong maglakad ang tahimik, halikan ko kaya? Ay manliligaw palang pala ako hehe, pero bakit siya? Hinalikan kaya ako.

Nauna ng sumakay sila mama at papa sa kotse, ang sweet naman ng mag asawa na 'yan. Si papa ang nag open ng pinto sa passenger seat para makasakay si mama wews.

"Dala mo kotse mo Miss?" Tanong ko sa future ko

"Yes" maikling sagot nito, so sasabay nalang me sakanya.

Alam naman niya na bahay namin.

"Hoy demo- I mean ren!" Anong demo? Demonyo? Wow ha anghel kaya ako.

"Ano unggoy?" Sinamaan niya ako ng tingin, ngumiti lang ako sakanya.

"Sabi ni papa, sabay ka nalang daw kay Miss N" sasabay nga ako sakanya. Nag thumbs up nalang ako

"Tara na miss" aya ko sakanya, para tuloy akong baliw dito, parang multo yung kausap ko eh, ang tahimik ba naman nitong kasama ko.

"Ayaw niyo po ba ako kasama? Boring na ba ako sa paningin mo? Hindi mo na ba ako mahal? May iba kana ba kaagad?"

A Heart's Embrace Onde histórias criam vida. Descubra agora