C-25

360 13 0
                                    

Reagan

-

"Mama" tawag ni Shanrah saakin.

"Yes, baby? May kailangan ang baby ko? Gutom kana?" Tanong ko sa bata na nakaupo sa mamahalin na lamesa, oo mahal 'yan, bigay ni dadeads eh, ay- sorry po daddy baka sunduin ako ng maaga nun.

"Let's go out, please? With my Tita's Tito, your friends mama." Ang cute cute ng bata, kagaya ko, ang umangal hindi siya ma c-crushback ng crush niya.

"Okay, baby, after we eat lunch. Tapos paalam tayo sa mommy mong maganda." Wala ang mommy ko- este mommy ng anak namin, nasa kompanya. Gagi akala ko si Levi lang ang naghahandle ng kompanya, si mommy- I mean, si Amira din pala.

"Okie dokie."

"MAGANDANG UMAGA" napatalon ako sa gulat, muntik ko na mabitawan yung sandok! Etong ulan na toh mangugulat talaga, multo ata talaga to eh.

"Ay gag-" nang lumingon ako ay nakita ko na karga na ni Rain ang anak ko, nakayuko si Rain..

Tumingin saakin si Rain na may bakas na nerbyos sa kanyang mukha at ngumiti. Tangina niya muntik na mahulog anak ko, malalagot ako sa asawa ko nito.

"Ikaw nga tumuloy sa pagluluto ko" seryoso kong saad.

"Nakalimutan mo na ba na hindi ako marunong magluto?" Ay oo nga pala gagi-

"Ay- sige bantayan mo nalang anak ko dyan, at bakit ngayon kalang nagising ha? Mag tatanghali na, nagpuyat ka nanaman jusko." Para akong nanay niya na nagsesermon sakanya.

"Wow, ma ikaw ba 'yan? HAHAHA." Tumawa pa nga, umupo ito sa upuan at nakakandong ang bata sakanya.

"Okay kalang, Shan-shan? Sorry ha kung nagulat ka ni Tita rara mo." Kausap niya ang anak ko, malamang siya ang kausap nakatingin sakanya eh. Ang sweet, siguro sweet si Rain sa mga magiging anak nito.

"I'm okay, Tita. Just don't do it again hihi."

"Opo, tita will not do it again. Let's watch your mama cook okay?" Tumango nalang ang bata at tumawa na mahina.

Alam niyo ba guys? Syempre hindi pa. So eto na nga nagkagusto ako sa ulan na 'yan, syempre ang poganda ko kaya nagkagusto rin ito saakin, muntik na nga maging kami kaso naisipan namin na pano kung naghiwalay kami? Edi ang awkward non sa circle namin, kaya we decided to remain as friends nalang. Pero gusto ko parin siya nun, nung dumating si mommy- I mean si myhoneybunchsugarplamsugarpiebabylalove ko ay nagbago bigla ang lahat, sakanya na nakatuon ang atensyon ko, nung grade 8 ako tapos grade 11 na siya ay nagkagusto ako sakanya, palagi ako dumadaan sa room nila kahit hindi naman doon papunta ang room ko, sinasabi ko nga sa teacher ko non na mag ccr ako pero ang totoo ay pinupuntahan ko si Amira para tingnan lang siya oo literal na tingnan lang.

"Hoy yung niluluto mo baka masunog." Napabalik ako sa realidad ay gagi nakalimutan ko na nagluluto pala ako-

"Kung masunog man tong niluluto ko, ikaw ang kakain hindi kami." Biro kong saad.

"Hindi naman ako nagluto, kaya ikaw ang kakain ng niluto mo." Balik nito saakin.

"Nga pala, hindi pa ba gising ang mga iba?" Tanong ko habang nagluluto.

"Hindi pa, puyat din kasi nag-inuman kami kagabi hehe." Wow hindi man lang nag-aya? Mga fake friends.

"Tapos hindi niyo ako niyaya?"

"Gago nasa likod lang kami ng mansyon tapos naginuman, hindi ka naman pumunta, akala namin makikita mo kami eh." Paano ko sila makikita kung nasa likod sila ng mansyon? At nagmura pa nga, hawak niya yung bata o.

A Heart's Embrace Where stories live. Discover now