C-16

418 26 3
                                    

Reagan

-

Ngayon ko lang 'to napuntahan. Nakikita ko 'to lagi pag dumadaan ako pauwi, May kwek-kwek, fishball, isaw, chicken skin at iba pa.

Sanaol naman nagsusubuan. Required ba yan?

"Rea, do you have cash?" Tanong nitong nasa harap ko na, siya kasi yung namili para saamin dalawa, lahat naman ay kinakain ko except chicken feet..

"Wala ka?" She shake her head

"Just a card" Is she serious? Wala siyang cash pero card meron. Mga mayayaman nga naman.

"Magkano po ba?" Tanong ko

"Seventy pesos" agad ko kinuha ang wallet ko sa bag, nang makuha ko 'yon inopen ko at tiningnan kung may laman. Buong 1k ang bumungad, may panukli kaya yung nagtitinda?

Nakita ko ang pag kunot ng noo niya nung inabot ko sakanya yung isang libo ko. Cute.

"Seriously?" 

"Nilibre kasi kami ni Luke kaya hindi ko po nagastos itong isang libo ko, kunin mo na po I'm sure may panukli naman yung nagtitinda." Nakangting sambit ko, kinuha niya yung isang libo ko na nasa kamay ko malamang hawak ko

"Here, hold this" inabot niya saakin ang fishball at kwek-kwek.

"Kumakain ka pala neto Miss?"

"Of course, it's masarap kaya" tama naman siya masarap. Pero akala ko hindi siya kumakain ng mga Street foods- hindi ka naman iaaya dito diba? Sinong tanga? Ako syempre.

"Sige po" she nod her head, naglakad siya papunta sa pinagbilhan nitong hawak ko para magbayad, limang minuto na nakalipas ay bumalik na ito hawak ang sukli, agad niya itong binigay saakin, kinuha ko naman at kinuha niya yung binili niyang fishball at kwek-kwek.

"O diba tama ako, may panukli siya." Tumawa ako ng mahina pagkatapos at nilagay ko na ang sukli sa wallet ko then nilagay ko na yung wallet ko sa bag.

"Let's sit over there" sabay turo pa niya sa bakanteng upuan. Tumango ako bilang tugon, sabay kami naglakad papunta sa bakanteng upuan.

"You want?" She ask, I nod my head as a response.

"Get yours, this is mine." Ay- akala ko susubuan niya ako, akala ko lang pala. Sharing is caring ah? Ang damot naman ng future wife- girlfriend. Girlfriend muna, malay mo hindi ko pala magiging asawa yan.

"Damot mo po hindi namimigay" I pout after

"Binigyan kita ng kwek-kwek, pano naging madamot 'yon?" Oo nga naman. Ehhh kwek-kwek 'yon hindi naman fishball magka-iba kaya 'yon.

"Pag ako bumili, hindi po kita bibigyan." Saad ko at iniwan siya. Pumunta ako kung saan siya bumili ng kwek-kwek at fishball.

"Uyy ang favorite customer ko" Saad ng nagtitinda. Favorite customer? Have I been here before? I don't remember....

"Ilang years na kayo hindi pumupunta dito ng girlfriend mo, Ma'am." Girlfriend who?

"What do you mean po?" Naguguluhan ako, bibili lang naman ako ng fishball eh.

"Ah kalimutan niyo nalang po sinabi ko." He slightly smile. I nod my head. Huwag na kaya ako bumili? Sa bahay nalang me mag eat.

Bumalik ako kung saan kami naka pwesto.

"I thought bibili ka?"

"I change my mind, Miss" walang ganang sagot ko, mukhang hindi ako makakatulog ng maayos mamaya ah.

"Oh?" I just nod my head.

"You going home after this?" Tango lang ang tugon ko, anong girlfriend? Sinong girlfriend? So may girlfriend nga ako dati? Siya ba yung rason kung bakit wala akong maalala? Or may iba pang rason?

A Heart's Embrace Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang